16.

152 4 0
                                    

[Yuri]

"Yawa ka, Vera! Ano ba itong pinasuot mo sa akin?!" Sa sobrang ikli nito ay daig pa nila ang mang aaki ng mga boys. Isa itong cocktail dress na hindi aabot ng kalahati ng kanyang hita, actually ay silang apat ay pare-pareho na maiikli ang suot.

"Siguraduhin mo na ma-aakit si Miguel sa akin sa suot ko, Vera, ha. Pwede ba na mas maikli pa rito?"

Napanganga nalang siya sa sinabi ni Nikka. Seriously? Ganito ba kalakas ang tama nito kay Miguel?

"Mag-hubad ka nalang, Nikka. Gusto mo?" Pang aasar na suggestion ni Pamela.

"Pwede ba-ouch!" Binatukan ito ni Pamela kaya natawa sila ni Vera.

"Shocks! Kahit mag-panty gagawin mo para lang sa Miguel na 'yan?" Hindi makapaniwala ang tingin na ibinigay ni Pamela kay Nikka. "Gano'n mo siya ka-gusto?"

Namumula na tumango si Nikka. "Kaya nga ako palagi sumasama sa party dahil nagbabaka-sakali ako na makita si Miguel." Iwas ang tingin na wika nito.

Napangiti siya. Pareho silang dalawa kung magmahal. Magkaibigan nga silang dalawa.

"Wag ka mag-alala mamaya ay makikita mo na siya!" Wika ni Vera kaya naman halos kuminang ang mata ni Nikka.

"Yuri, todo nga ngiti ka nitong nakaraan, ah. Aminin mo nga, may hindi ka ba sinasabi sa amin? Baka pwede mo namang i-share?" Umakbay si Vera sa kanya.

Kahit kailan talaga ang lakas ng radar ng kaibigan niyang ito. "Nakangiti lang may kailangan nang aminin?" Nginuso niya si Pamela. "Sa kanya ka sumagap ng tsismis at wag sa akin, wala kang malalaman sa akin ngayon."

Nakangising lumapit sa kanya sina Vera at Pamela, parehong may ngising nakakaloko ang dalawa habang nagtataas-baba ang dalawang kilay. "Pwede ba, Yuri, wala kang maililihim sa amin. Alam namin ang ganyang mga ngiti mo." Umakbay si Pamela sa kanya at sinundot pa ang tagiliran niya kaya napatili siya sa gulat. "Kayo na ba ni Virvin?" Nakataas pa ang kilay na tanong nito.

Pinamulahan siya ng mukha. Kapag itong dalawa talaga inatake ng ka-chismosahan at umandar ang radar ay wala na siyang magagawa kundi ang umamin. Sigurado kasi na hindi rin siya titigilan ng dalawa.

"Ohh myyy gooddd!!!" Tili na Vera. Napatakip silang tatlo ng tenga.

"Hoy, Vera!" Tinapik ito ng malakas ni Nikka sa braso kaya natahimik ito. "Kung maka-react ka naman daig pa nilang dalawa ang love team ng taon. Umamin ka, fan ka ba nila?" Sarkastikong dagdag pa nito.

Natawa si Pamela. "Masaya lang kami kasi makakapagpahinga na ang mga tenga namin sa kaka-fantasized nitong si Yuri." Naghigh-five pa ito at si Vera. Pinaliit ni Pamela ang boses na animo'y ginagawa siya. "Guys, ang gwapo talaga ni Virvin. Kailan kaya niya ako magugustuhan? Kailan kaya niya ako mamahalin?"

Nagtawanan pa ang dalawa maliban kay Nikka na tulala pa rin, mukhang iniisip parin nito ang napipintong pagkikita nila ni Miguel.

"At least may boyfriend na ako." Nginisihan niya si Vera. "Eh ikaw? Nganga! Hahahaha!" Aniya sabay halakhak na ikinasimangot ng mukha nito.

"Arghhh!" Puno ng frustration na hiyaw ni Vera. "Simula ngayon hindi na ako iinom, magsisimula na akong maghanap ng boyfriend. Hahanap ako ng mas gwapo sa lahat ng mga partner niyo!"

Puro tawanan sila sa loob nang sasakyan. Nang makarating sila sa mismong venue kung saan gaganapin ang party ay bumaba silang apat. Halos lahat ay napatingin kay Pamela, nakasuot kasi ito ng rubber shoes. Naiwan kasi ni Nikka ang high heels nito kaya pinahiram ito ni Pamela. Tamang-tama dahil magkasize ang paa ng dalawa kung hindi ay haharap si Nikka kay Miguel nang nakapaa.

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon