[Yuri]
Habang papalabas sila ng mall ay ramdam niya na mayro'ng nakamasid sa kanila. Mukhang siya lang ang nakakaramdam dahil tila walang pakialam si Red. Habang hindi nakatingin ang binata sa kanya ay pasimple siyang tumitingin sa paligid para makita kung tama ang hinala niya. 'Pero wala naman siyang nakita' Mukhang mali lang siya nang hinala. Nang malapit na sila sa parking lot ay muli na naman silang nakarinig nang pagsabog. Napaubo siya at napaluha ng biglang may naghagis sa kanila ng teargas. Kahit puro usok at malabo ay nakita niya si Red na nilingon siya.
'Subukan mong tumakas at papatayin kita' Ito ang hatid sa kanya nang nagbabantang tingin nito. Napalunok siya at pinagpawisan sa sobrang takot. Pero kung hindi siya tatakas ngayon, kailan pa?
Hindi siya pwede magpadala sa takot, kailangan niyang tumakas! Hindi niya alam kung kailan pa siya magkakaro'n ng pagkakataon kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataong ito ngayon.
Mabilis na tumakbo siya, rinig niya ang palitan ng putok sa magkabilang panig. Hindi niya kilala kung sino ang kalaban ni Red pero gusto niya itong pasalamatan ito. Kung hindi dahil dito ay hindi siya makakatakas.
"Damn it! Don't shoot!" Rinig niyang utos ni Red sa mga tauhan nito.
'Yawa!' Buti naman! Sunod-sunod kasi ang putukan at baka matamaan pa siya. Hindi nga siya namatay sa mismong kamay ni Red pero namatay naman siya dahil sa ligaw na bala.
Nang makalawa sa usok ay saka naman siya biglang nakaramdam ng panghihina. "Y-Yawa..." Ano bang klaseng usok 'yon? Bakit biglang inaantok siya? Gusto niyang labanan ang antok pero hindi niya magawa, ang mabilis na takbo niya ay unti-unting bumagal. Nanlaki ang mata niya nang makitang may sasakyan na paparating.
'Kapag minamalas ka nga naman, mukhang masasagasaan pa ako.' Aniya bago mawalan ng malay.
Napabalikwas siya ng bangon. Natuptop niya ang bibig ng makitang wala siyang makita kundi puro kulay puti. Mahina siyang umiyak. "Y-Yawa... hindi ako namatay sa bala kundi sa sagasa!" Kasalanan 'to ng Red na 'yon!
"Hija, mabuti at gising ka na." Nang dumilat siya ay tumambad sa kanya ang isang may edad na babae. Humawak ito sa dibdib na tila nakahinga ng maluwag. "Salamat naman sa maykapal at hindi kita nasagasaan."
'Hindi nasagasaan?' Kinapa niya ang katawan, kinurot pa niya ang pisngi. "Buhay pa ako?"
Marahan itong tumango, bahagya pa itong natawa sa tanong niya. "Oo naman, Hija. Bago kita masagasaan ay nakapagpreno ako kaya wala kang natamo na sugat. Sa tingin ko ay nawalan ka nang malay dahil sa takot na baka masagasaan kita."
Lihim siyang napangiwi. 'Kung alam mo lang po, lola' Isip-isip niya. Tuluyan siyang napangiwi ng muling makita ang kwartong kinaroroonan niya. Akala niya talaga ay nasa langit na siya dahil sa disenyo nitong silid.
Lumapit ito sa kanya at inalalayan siya nang makita nitong tumayo siya. "Salamat po, lola. Pero kaya ko na po. Salamat po sa tulong niyo, pero sa kailangan ko na po kasing umuwi." Kailangan niyang puntahan si Virvin at sabihin dito ang tungkol kay Red. Gusto niyang lumayo sa lugar na ito kasama ito. May palagay siyang hindi titigil sa paghabol ang baliw na si Red kapag hindi pa siya lumayo. Hindi niya alam kung ano pa kayang gawin nito kaya kailangan na nilang makalayo ni Virvin. Malakas din ang hinala niya na pati si Virvin ay madadamay.
'Wag naman sana'
Hindi siya napilit ng matanda na manatili sa bahay nito para magpahinga. Hindi siya pwedeng magsayang ng oras. Kung babagal-bagal siya sigurado na susulpot na naman si Red para kunin siya. Bago umalis ay nakiusap siya sa matanda na makahingi ng jacket, facemask, at sumbrero. Kailangan niyang itago ang mukha niya para hindi makilala. Mabuti nalang at mabait ito dahil binigyan din siya nito ng pamasahe. Nakakahiya man ay tinanggap niya ang pera.