2.

439 7 0
                                    

[Yuri]

Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Yuri ng magising siya. Hinawakan niya ang kanyang ulo at mahina itong pinukpok gamit ang kanyang kamao.

Panaginip...

Isang malabo at paulit-ulit na panaginip.

Pinahid niya ang luha sa pisngi. Tama nga siya— Lumuluha siya. Sa tuwing nananaginip siya ng mga malalabong pangyayaring iyon ay lumuluha siya. Minsan naiisip niya kung bakit paulit-ulit niya iyong napapanaginipan na tila parte ito ng kanyang pagkatao.

"Ay yawa!" Mabilis na bumangon siya nang makitang malapit na siyang mahuli sa klase. Mabilis siyang naligo at kumain nang almusal.

"Naku po!" Bulalas niya nang makita si Virvin na palapit sa kanya— O mas tamang sabihin na padaan sa pwesto niya.

Agad niyang inayos ang kanyang buhok, tiningnan rin niya sa salamin ang kanyang mata para tiyakin na wala siyang muta at panis na laway sa oras na humarap siya rito. Ligong aso lang kasi ang ginawa niya— mabilisan dahil mali-late na siya.

"Good morning, Virvin. Ang aga mo yatang gumising ngayon." Bati niya habang nakangiti rito nang matamis.

Muntik nang tumulo ang laway niya habang nakatitig kay Virvin. Ang swerte at ang ganda nang bungad ng araw na ito sa kanya. Bukod sa nasilayan niya ang gwapong long-time-crush niyang si Virvin ay nagpadala na rin ng allowance sa kanya ang sponsor niya sa kanyang pag aaral.

Katulad nang dati— Hindi man lang siya pinansin ni Virvin. Dinaanan lang siya nito na parang isang hangin.

"Hoy, Yuri! Aba'y kanina pa kita kinakausap pero parang nakikipag usap ako sa hangin. Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ko?" Malakas na talak ni aling Maryang, ang may-ari ng inuupahan niyang apartment. "Bayaran mo na ako ngayon din dahil kailangan ko ng dagdag para sa tuition ni Manilyn. Tukoy nito sa anak. "Huwag ka nang mag aksaya ng oras para pangarapin si Virvin dahil hindi ka papatulan niyan!"

Napakamot siya sa ulo. "Grabe ka naman, aling Maryang. Wala namang masama na mangarap. Saka maganda naman ako kaya malay natin bigla na lang akong mahalin ni Virvin."

Umiling-iling na lamang ito sa sinabi niya. "Oh siya, bahala ka na. Basta ako ay nagsasabi lamang ng totoo. Hindi ka magugustuhan ng binatang iyon dahil hindi siya mahilig sa morena. Nakita mo naman ang mga naging nobya niya, halos mapuputi lahat."

Ibang klase din 'tong si Aling Maryang— Mapanampal nang katotohanan.

Napalabi siya. Nang mapansin nang matanda na nasaktan siya sa sinabi nito ay tinapik siya nito sa braso. Mabait si aling Maryang sa totoo lang. Malakas at maingay lang ang bibig nito pero hindi ito masamang tao, o masungit na landlady. Sa katunayan ay madali itong mapakiusapan, o mahingian ng tulong kung kinakailangan. Iyon nga lang ay prangka talaga ito at sasabihin kung anuman ang nasa isip.

"Yuri, sinasabi ko ito hindi para sa akin kundi para sa'yo. Saka may bali-balita na mayro'ng hindi magandang gawain ang lalaking iyan." Lumapit sa kanya ang matanda at bumulong. "Ang sabi pa ng ilang kapitbahay natin ay nagtutulak ng droga si Virvin."

Napailing na lamang siya sa sinabi ng matanda. "Aling Maryang, masama po ang magbintang. Bawasan niyo po ang pagiging judgmental. Saka sino ang nagsabi niyan? Sila Apeng? Wag kang makinig sa mga iyon. Naninira lang ang mga 'yon." Aniya.

Si Apeng ay isa sa binatang binasted niya rito sa kanilang lugar. Maliban kay Virvin ay alam ng lahat nang tagarito sa kanilang lugar ang nararamdaman niya para sa binata, at hindi iyon matanggap ni Apeng. Kaya sinisiraan na lamang nito si Virvin.

Mabuting lalaki si Virvin. Iyon ang pagkakakilala niya rito. Nakikita niya ito palagi na nag aabot nang tulong sa mga kabataan na nagpupunta sa bahay nito. Madalas groceries at pera ang nakikita niyang ibinibigay nito. Kaya wala ng ibang lalaki ang nakakuha ng kanyang pansin dahil nasa binata lamang nakatuon ang kanyang tingin— kay Virvin lamang at wala ng iba pa. Bata pa lamang siya ay gustong-gusto na niya ang binata at hindi nagbago ang nararamdaman niya para rito. Kaya ayaw niyang umalis at lumipat nang apartment, eh. Ayaw niya kasi na malayo kay Virvin.

Ngayong araw ay magkikita sila nila Vera, Nikka, at Pamela— Mga kaibigan niya ang mga ito.

Twenty years old na siya. Ulila at mahirap. Pero dahil sa mga kaibigan niya ay hindi niya ramdam na nag iisa siya. Kasama at karamay niya ito sa lahat ng kanyang pinagdaraanan.

Labing apat na taon na siyang nag-iisa. Hanggang ngayon ay tanging malabong alaala na lamang ang mayro'ng naiwan sa kanyang utak. Mabuti na lang at may mabuting loob na tumutulong sa kanya na sagutin lahat nang pangangailangan niya hanggang sa magdalaga siya. Kaya hindi siya nahirapan sa mga gastuhin.

Bayad sa upa, kuryente, tubig, at budget sa pagkain, lahat ng mga 'yan ay sagot ng taong tumutulong sa kanya ng palihim.

Kung sino man ang taong 'yon ay labis siyang nagpapasalamat rito. Paano na lang siya kung wala ang suporta nito? Baka bata pa lang siya ay namatay na siya sa gutom.

Mapait siyang ngumiti ng maalala ang mga pangalan sa kanyang panaginip.

Hanggang pangalan na lamang ang kanyang natatandaan. Ang mukha ng mga taong iyon ay hindi malinaw...

Kuya...

Totoo kaya na may mga kapatid siya?

Kung totoo man, bakit iniwan siya ng mga ito nang nag iisa?

Bumuga siya ng hangin at saka tumingin sa kulay asul na kalangitan. "Bakit ko ba iniisip pa ang mga bagay na hindi na kailangan alalahanin pa?"

'Tama, Yuri. Huwag mo nang isipin ang mga bagay na dapat ng ibaon sa limot' Ani ng kanyang isip. Ang makapagtapos sa pag aaral at kung paano mapapansin at makukuha ang pag ibig ni Virvin ang dapat niyang isipin ngayon at wala ng iba pa.

****

"Loka! Bakit mo naman niyaya 'yong tao? Alam mo naman na may asawa na 'yon!" Ngali-ngaling kutusan niya si Vera.

Paano niyaya si Pamela, eh kakakasal lang nito. Saka hindi mahilig ang kaibigan nila sa gimik katulad nito. Nakakapagtaka nga na pumayag ito na sumama sa kanila, samantalang noon ay palagi itong tumatanggi.

"Yuri, let her enjoy—"

"Enjoy?!" Nanlalaki ang butas nang ilong na angil niya. "Kilala mo naman ang asawa niya, di'ba? Si Alaric Martin 'yon, gağa! Hindi mo ba narinig ang bali-balita tungkol sa kanya. Nakakatakot daw 'yon!" Mahina ang boses na bulong niya.

Umakbay si Nikka sa kanya. "Baka tsismis lang 'yon, ano ka ba."

"Yeah, Nikka is right. Masyado kang mapaniwala sa mga tsismis na 'yan. Saka wag kang mag alala dahil nabanggit ni Pamela na wala naman sa Pilipinas ngayon ang asawa niya. Isa lang ang ibig sabihin no'n." Malanding ngumisi ang kaibigan niya. "Makakapag-enjoy tayo! Woahhh!!!!"

Napangiti nalang siya habang napapailing. Ano pa nga ba ang magagawa niya. Mag eenjoy nalang sila!

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon