8.

219 7 0
                                    

[Yuri]

Nangingitim ang ilalim ng mata niya habang nakatingin sa bote nang gayumang hawak niya. Hindi na niya nakita pa si Virvin simula ng subukan niyang magtapat. Mukhang iniwasan na siya nito.

Ang saklap naman ng nangyari sa kanya— Kung kailan handa na siya saka pa siya nito iniwasan.

"Yuri, cheer up, okay. May susunod na araw pa naman." Pagpapalakas ni Pamela ng loob niya.

Umiling-iling si Nikka at naaawang tumingin sa kanya. "Iniwasan siya ni Virvin, Pamela. It's mean, he knew about Yuri's feeling and he doesn't want to hear anything about it."

"Nikka is right." Segunda ni Vera. "Hindi ka iiwasan ni Virvin kung gusto ka niya."

Mas lalo siyang nanlumo sa narinig.

Ngumisi si Vera at nginuso ang hawak niyang bote. "Gamitin mo na ang alas mo. Ang plan B!"

Sinamaan niya ito ng tingin. "No'ng nakaraan lang tinawanan niyo pa ako, tapos ngayon susulsulan niyo ako na gamitin 'to." Magulo din talaga paminsan-minsan ang utak nito, e.

"May choice ka pa bang iba?" Nang umiling siya ay parang tangang itinaas nang tatlo ang boteng may gayuma at sabay-sabay sumigaw nang—

"Gayumahin ang itlog ni Virvin nang madiligan na si Yuriii!!!"

Hiyang-hiya na inagaw niya ang bote. "Mga yawaaa!!!" Isigaw ba daw!

"So, he lives here," Ani Vera habang sinisipat ang itinuro niyang apartment ni Virvin.

Narito sila ngayon sa tapat ng apartment ni Virvin. Hinihintay nila si Nikka na bumili ng pagkain na pwede nilang lagyan ng gayuma.

"Sabi kasi sa inyo, dapat ako na ang bumili eh." Kanina pa si Nikka hanggang ngayon wala pa.

"Mas matino mag isip si Nikka kaysa sa'yo, baka mamaya kung ano pa ang bilhin mo." Nakairap na turan ni Pamela.

Tatlo silang napangiwi nang dumating si Nikka— Dismayadong nakatingin sila sa dala nitong pagkain.

"Teka, bakit ganyan ang mga mukha niyo? Tama naman ang binili ko, ah."

"Fishball talaga, Nikka?"

"Anong fishball? Pinalagyan ko 'yan ng kwek-kwek, squidball, at kikiam." Sagot nito kay Pamela. "Saka kakulay ng sauce ang gayuma kaya ito nalang ang binili ko. Halata naman kung ilalagay natin 'to sa ibang pagkain, diba."

Hindi nalang sila nagsalita pa. Mukhang pikon na kasi si Nikka. Hays, pinakamautak daw sabi ni Pamela...

"This idea is not good, guys. Believe me." Wika ni Vera. "Naniniwala talaga kayo na kakainin 'yan ni Virvin kapag nilapag niyo dito? Ano siya patay-gutom."

Tama si Vera— Natigilan siya nang makita si Kulet. Ang batang lalaki na madalas niyang makita na kausap ni Virvin.

"May naisip na akong paraan, guys." Tuwang-tuwa na sambit niya.

Ngiting-ngiti na sinundan niya nang tingin si Kulet dala ang sandamakmak na fishball na pinadala nila.

Aba, kahit sino ay susunod na utos niya— Ibibigay lang kay Virvin at magrereport sa kanya kung nakain ba ang fishball may dalawang libo na.

Ibigay kay Virvin ang mga ito at sabihin na pinapabigay ng napakagandang chicks— Iyon ang sinabi niya kay Kulet na sabihin kay Virvin.

Well, hindi naman siya nagsisinungaling. Maganda naman talaga siya.

Habang naghihintay sa bata ay kumain muna sila sa kanto. Masamang nakatingin ang mga tao kay Vera dahil panay ang reklamo nito habang kumakain ng fishball.

Hindi kasi ito sanay kumain ng mga streetfood sa tabi-tabi. Anak mayaman e.

"Si kulet nandi'yan na!" Nginuso ni Nikka ang batang palapit sa kanila.

"Ano, kinain ba niya?" Excited na tanong niya. Impit siyang napatili nang tumango ang bata sa kanya.

"Oo, te, kinain niya. Sinabi ko na pinapabigay no'ng magandang babae di'yan sa kanto... si Joselin."

"Ano?!" Pinandilatan niya ito ng mata. "Aba, sana sinabi mo nalang na ako ang nagbigay!" Talagang ibang babae pa ang tinuro nito, ha!

Kumamot ito sa ulo. "Eh, lalong hindi niya 'yon kakainin. Hindi naman kasi mahilig sa negra si Kuya Virvin."

N-Negra?! Siya tinawag nitong negra?!!!

"Awatin niyo ko, kakalbuhin ko 'tong kutong lupa na 'to!" Gigil na gigil na wika niya.

Nagtawanan ng mga kaibigan niya habang hawak siya sa dalawang braso— Pumapatol pa naman siya sa bata!!!!

Kumaway pa si Kulet habang dala ang suhol niya.

"Hanep na batang 'yon, makapagsalita akala mo hindi mukhang libag na naglalakad!" Nakakagigil talaga!

Mas lalong nanggalaiti ang loob niya— Paano ay walang tigil sa kakatawa ang mga kaibigan niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkakaisahan siya.

"Yuri!" Tawag ni Manilyn sa kanya. Anak ito ni Aling Maryang, ang landlady niya. "Ipakilala mo naman ako, oh."

"Ha? Kanino?"

Kimi itong ngumiti na tilala nahihiya sa mga kaibigan niya. "Do'n sa lalaking gwapo. G-Gusto ko kasi siya..."

Nalukot ang mukha niya. Si Virvin ba ang tinutukoy nito? "Excuse me, Manilyn, ha. Pero gusto ko rin siya, matagal na." Alam naman nito ang bagay na 'yon— May balak pa yatang agawan siya.

"Ah, gano'n ba. Pasensya na, Yuri ha. Akala ko kasi ayaw ko sa lalaking 'yon kasi hindi mo naman siya pinagbubuksan ng pinto."

Hindi pinagbubuksan ng pinto? Eh si Red lang naman ang taong hindi niya pinagbubuksan ng pinto.

Nasira ang ekspresyon ng mukha niya. "Naku, Manilyn. Dahil anak ka ni Aling Maryang malapit ka na rin sa akin. Kung pipili ka nang lalaki wag 'yong adik." Tinuro niya ang sintido. "Gwapo lang 'yon pero malakas ang tama no'n sa utak."

"Adik ang lalaking 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Bumuntonghininga siya bago tumango. "Oo, adik nga. Baka gawin ka niyang butete sa impyerno niya. Mabuti pa humanap ka nalang ng iba, 'yong walang bisyo at mabuting tao." Payo niya rito.

"Sige, Yuri. Salamat sa pagsasabi sa akin tungkol sa kanya." Matamlay na umalis ito.

Naaawang sinundan niya ng tingin si Manilyn. Mukhang gusto talaga nito si Red. Sabagay, napakagwapo naman kasi talaga. Kaso adik naman.

Tumingin siya kay Nikka at Vera nang sabay siyang sikuhin ng dalawa, samantalang si Pamela naman ay halos sakalin siya sa pagkakayakap sa likuran niya.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin, ha?" Nagdududang ani ni Nikka.

"May dumadalaw pala sa'yo kapag gabi? Hmm, pwede ba namin malaman kung sino?" Pangungulit naman ni Pamela.

"Hot ba 'yan? Kaya ka bang dalhin sa langit?" Ani naman ni Vera.

"Naku, wala 'yon. Akala lang ni Manilyn may gusto sa akin pero bombay lang ang lalaking 'yon... n-naniningil ng utang, hehe."

Natuon ang atensyon nila sa isang lalaking sumisigaw.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Dali!!!"

Nataranta ang lahat. "Mang Lato, ano ang meron?!" Tanong ng isang lalaki sa matanda.

"Si Virvin, nalason yata!"

"A-Anooo?!!!" Magkakasabay na bulalas nila magkaibigan.

Nagkatinginan silang apat at namutla. "N-Naku, hindi kaya nalason siya sa... f-fishball?!" Aniya na namumutla sa takot.

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon