5.

314 7 0
                                    

[Yuri]

"Wew!" Sumipol si Wilson nang makita siya. "You looked so beautiful!" Puno nang paghangang dugtong nito.

Inikutan niya ito nang mata. "Alam ko, pero hindi mo 'ko madadala sa paganyan mo, noh!" Kilala itong tirador ng mga babae sa university nila. Hindi pa nga hiwalay sa iba aba may bago agad.

Babaerong hindi naman kagwapuhan.

Natawa ito sa sinabi niya. "Kaya wala kang boyfriend. Ang suplada mo kasi." Pangbubuska ng lalaki.

"Mas mabuti na ang walang boyfriend, kaysa naman magkakanobyo nga ako, kamukha at kaugali mo naman. NO THANKS!" Aniya saka ito tinalikuran. Narinig pa niya ang malakas nitong tawa kaya pikon na pikon siya.

Nasaan na ba kasi ang mga kaibigan niya? Nawala na naman? Ganito nalang palagi kapag nasa party sila.

Mahina siyang napadaíng nang tumama ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki. "Anak ng! Ang laki-laki mo tapos nakaharang ka sa daan—" Natigil siya sa pagdakdak nang pag angat niya nang mukha ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Red— Ang lalaki sa bar!

"A-Ay, hehe. Sorry." Aniya at saka nagmamadaling umalis sa harapan nito.

Grabe naman kung tumingin 'yon. Parang gusto siyang sakalin. Kaya hindi nakakapagtaka na magkaibigan ito at saka ang asawa ni Pamela.

Parehong nakakatakot ang dalawa.

Kwentuhan dito. Kwentuhan do'n. Nakangiti siya pero ang totoo ay ilang na ilang siya— Sinong hindi maiilang, damang-dama niya ang mainit na tingin ni Red sa kanya.

"Sandali lang, ha." Paalam niya sa kausap niya.

Bumuga muna siya nang hangin at saka lakas-loob na nilapitan si Red.

"Mister," Yawa, bakit sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya— Bakit nakakadama siya ng takot? "Pwede ba na wag ka naman tingin nang tingin sa 'kin. Naiilang na ako sa ginagawa mo, eh."

Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang sabihin dito ang gustong sabihin.

Lihim siyang napalunok habang nakatingala at nakatitig sa kulay Hazel brown eyes nitong mata. Heto na naman ang kilabot na hatid ng tingin nito.

"So, my stare made you uncomfortable." Gumuhit ang ngisi sa labi nito. "Why?"

"Ako pa talaga ang tinanong mo ng 'why?" Aba, loko-loko din pala ang isang 'to, eh! Namewang siya sa harapan nito. "Sabihin mo nga sa 'kin. Type mo ba ako?" Lakas-loob niyang tanong.

Iyon lang naman kasi ang isang valid reason na naiisip niya kung bakit panay ang tingin nito sa kanya. Alangan tanungin niya kung may galit ito sa kanya. It doesn't make sense. Wala siyang kasalanan na nagawa rito. Malamang may gusto ito sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito— Wow, halatang matigas. Hindi pa man niya nakikita ang tiyan nito ay alam niyang may pandesal ito. Moreno at lalaking-lalaki ang tindig. Sa laki nang katawan nito ay parang kahit sino ay kaya nitong ibalibag.

Napanganga siya nang magawi ang mata niya sa pagitan nang hita nito— Anak ng! Bukol na bukol ang junjun! Mala-sawa sa laki—

"Eyes up, Yuri. Baka magalit 'yan at tuklawin ka."

"Di ako takot sa ahas, no—" Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto ang sinabi nito. "Binabastos mo ba ako?" Naniningkit ang matang tanong niya rito.

'Teka, hindi ba't gano'n din ang ginawa mo nang titigan mo ang junjun niya?' Kastigo nang utak niya.

"If that's what you think. Hmm, maybe yes." Lumagok ito ng alak at mataman na tumingin sa kanya. "Never let your guard down, Yuri... One of these days, surely you'll get bitten." Makahulugan nitong wika.

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon