9.

184 8 0
                                    

[Yuri]

Inabot din nang tatlong araw si Virvin sa hospital. Grabe ang pag aalala niya. Mabuti nalang at naisugod agad ito sa hospital. Pina-test niya ang gayumang inilagay nila sa pagkain ni Virvin pero hindi naman ito nakalalason ayon sa doktor. Mabuti nalang at ligtas na ito, iyon ang importante.

"Salamat sa pagbisita, Yuri. I really appreciate it."

Natigil siya sa pagbalat ng mansanas at hindi makapaniwalang tumingin sa binata. K-Kinakausap siya nito?

"Humihingi ako ng pasensya sa kagaspangan ng ugali ko sayo minsan." Ani pa nito.

Anong minsan— Madalas kaya.

Natigilan siya— Tama ba ang narinig niya? Humihingi ito ng pasensya? Mahina itong natawa nang mapansin ang reaskyon niya.

"Nahihiya lang naman kasi akong kausapin ka.... M-Masyado ka kasing maganda."

"O-Ouch!" Daing niya nang masugatan ang kamay niya.

"Yuri," Hinawakan nito ang kamay niya at saka hinipan ang maliit na sugat niya sa kamay. "Mag ingat ka kasi."

Tila nakakita siya nang sungay habang nakatingin kay Virvin. Nakanganga pa siya nakatitig sa mukha nito.

Matangkad si Virvin, nasa 5'9 ang height nito. Average lang ang hitsura, may kapayatan din, na siyang gusto niya sa isang lalaki. Ayaw niya nang sobrang gwapo at malaki ang katawan katulad no'ng katangian ni—

Pinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat isingit ang adik na 'yon sa utak niya.

Napalunok siya nang maramdaman na may pumisil sa kamay niya. Oo nga pala— Si Virvin hawak ang kamay niya!!!! Hindi lang 'yon, ang lambing pa nang boses nito na para bang sobrang nag aalala sa kanya!!!

Tama nga ang matanda sa Quiapo— Effective ang gayuma!!!

"S-Sandali, banyo lang ako." Paalam niya sa binata. Pagdating niya sa public restroom sa hospital ay nagtitili siya sa sobrang saya. "Waahhh, yawaaa!!! Hinawakan niya ang kamay ko!!!"

Pinagtitinginan na siya ng mga taong naglalabas-masok pero waa siyang pakialam.

Tumikhim siya at tumitig sa repleksyon sa salamin. 'This is it, Yuri. Pagkakataon mo na para ipakita kay Virvin kung gaano mo siya kamahal.' Kausap niya sa sarili.

Ipapakita niya rito kung paano mag alaga ang isang Yuri Baltazar!

Napaigtad siya sa gulat ng malakas na sumara ang pinto. Nawala ang ngiti niya sa labi nang pagpihit niya ay nakita niyang nakasandal na si Red sa pintuan habang nakapamulsang nakatingin sa kanya.

Red is now wearing a white doctor's coat. He looked so clean, respectful, calm and gorgeous at the same time. Para itong greek god na bumaba mula sa langit— No, mas tamang sabihin na sa impiyerno.

Hindi siya maloloko ng pekeng ngiti nito. Alam niya at dama niya na hindi totoo. Nilabanan niya ito nang tingin. Hindi siya dapat matakot sa isang ito dahil nasa public place sila.

Wait— Bakit siya matatakot sa lalaking 'to? Wala naman siyang ginagawang masama.

"You looked so happy earlier, Yuri—"

"Eh, ano naman?" Mataray niyang putol rito. "Bawal ba ako maging masaya?" Napipikang tumingin siya rito ng diretso. "Ikaw nga nagpapaka-adik, tapos ako na gustong sumaya, bawal? Lakas din talaga ng trip mo, no? Hindi ba pwede na tigilan mo nalang ako at wag ka nang mangialam?"

Tiningnan niya ito nang nakakainsulto mula ulo hanggang paa. "Mukha kang kagalang-galang, Red. Imbis malulong sa pinagbabawal na gamot, panindigan mo nalang ang pagiging respectful attire mo. Saka tigilan mo ako, wag mo na akong idamay sa trip mo dahil hindi nakakatuwa."

Napailing-iling siya. Sayang, ang gwapo pa naman sana. Kung matino lang, full package na sana.

Hinintay niyang umalis si Red, tapos na kasi ang speech niya. Pero mukhang wala itong balak umalis sa pagkakasandal sa pinto.

Nakarinig sila ng malakas na katok sa labas, at maraming boses nang babae. Mukhang maraming naghihintay sa labas at gagamit ng restroom.

"Shut up all of you, or I will gonna kill you all!"

Nahigit niya ang hininga sa narinig— Ang mga tao sa labas ay natahimik din nang dumagundong ang malakas na boses ni Red.

"Nasa hospital tayo, Red. Nababaliw ka na ba?" Wala na yata sa katinuan ang isang 'to!

"Well, this is my hospital. So, no one has right to tell me what to do." Malamig nitong turan. "I want us to talk a little bit longer."

Mabilis siyang umiling. "Sinong may sabi na gusto kong makipag usap sa'yo? Lalabas na ako, naghihintay sa akin si Virvin—"

"Stay here and let's talk."

Humawak siya sa ulo. Pakiramdam niya ay pumipintig ang mga ugat niya rito sa sobrang inis. Ang kapal nang mukha nito na manduhan siya.

"Ayaw nga kitang makausap! Hindi tayo close at lalong hindi kita gustong kausap—" Nanlaki ang mata niya nang sa isang iglap lang ay nakatayo na ito sa kanyang harapan.

"You've got a nerve to talk back at me, Yuri? Will you able to do that if you're in hell with me?" Red looked at her with an empathy in his eyes.

Pero para saan?

Napatayo siya ng tuwid nang maramdaman ang mainit nitong kamay na humahaplos sa kanyang leeg. "You've got a delectable neck, Yuri. Is it still pleasant to look after I struggle it?"

Umatras siya at napahawak sa sariling leeg. "Your joke is not funny, Red. You're making me uncomfortable!" She hissed at him while trying to hide her fear.

She gasped when Red put his hands to her sides as his dark eyes intensely looking at her like it was mesmerizing her face.

"You are beautiful, Yuri." Paos nitong anas sa pagitan nang pagtitig sa kanyang mukha.

Pinikit niya ang mata. Hindi niya kayang labanan ang mga tingin nito ngayon— Nakakatunaw at nakakapaso.

"A-Alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yan. P-Pero thank you pa rin." Napapalunok siyang tumingin sa pintuan. Kailangan niyang makalayo sa lalaking 'to bago pa siya mahawa sa kabaliwan nito!

Bumilang siya... Isa... Dalawa... Tatlo...

Mabilis na kumaripas siya nang takbo. Pakiramdam niya ay hindi na sumayad ang paa niya sa sahid sa sobrang bilis niya. Nagpasalamat siya dahil hindi siya nito hinabol pa— Subukan lang talaga nang baliw na 'to na habulin siya.

Sisigaw talaga siya ng 'manyak' at 'adik!

"Yuri, namumutla ka. Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Virvin nang makita siya.

Ngayon lang niya napansin na hinihingal siya habang nakahawak sa tuhod niya.

Umayos siya ng tayo at pilit na ngumiti rito. "Ayos lang ako. May adik— Este baliw, I mean, may insekto lang akong nakita sa banyo. Nadikitan pa nga ako. Eww, kadiri talaga." Aniya na diring-diri pa.

"Salamat nga pala sa pagbabantay sa akin, Yuri. Kahit na hindi naging maganda ang trato ko sa'yo 'inalagaan mo pa rin ako." Bumuntonghininga ito at yumuko. "Ikaw lang ang tanging tao na... na nag alala sa akin nang ganito. I hope we can be friends from now on. I want to know you more, Yuri."

Lahat ng inis niya para kay Red ay nawala, napalitan ito ng labis na ligaya.

"V-Virvin, p-pagkatapos ba nang 'know more' at 'friends' pwedeng tayo na?" Sumagap muna siya nang hangin bago lakas-loob na nagsalita. "G-Gusto kasi kita kaya gusto ko nang higit pa sa friends. Pwede ba 'yon?"

Sa wakas, nasabi na rin niya!

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon