15.

145 4 0
                                    

[Yuri]

Kinuha niya ang wallet sa bag at kumuha ng pera. "Bayad po, pakiabot naman." Aniya sa katabing pasahero sa dyip. Kanina pa niya napapansin ang pagtingin sa kanya paulit-ulit ng lalaking kaharap niya. Hindi talaga maiiwasan na makaengkwentro ng katulad nang ganitong lalaki paminsan-minsan lalo na sa mga pampublikong sasakyan.

Humigpit ang hawak niya sa sling bag niya nang makitang bumaba rin ang lalaki. Binilisan niya ang hakbang, kapag sinundan siya nito hanggang sa ikalawang kanto ibig sabihin ay sinusundan talaga siya nito. Sa oras na mangyari 'yon ay sisigaw na talaga siya ay hihingi ng tulong.

Matangkad ang lalaki. Nakasuot ito ng N95 mask ay nakajacket din ito ng kulay itim, black pants, at itim na sumbrero, naka-gloves din ang dalawang kamay nito.

'Yawa, wag naman sana holdaper at rapist ang isang 'to' Isip-isip niya. Budget niya pang two weeks ang perang dala-dala niya. Hindi siya papayag na makuhaan ng pera. Ayaw niyang umutang kay Vera. Nakakahiya na kasi dahil sa tuwing kailangan nilang tatlo nang pera ay dito sila umuutang. Ito kasi ang mayaman sa kanilang tatlong magkakaibigan.

Kinuha niya ang DIY na spray bottle niya sa bag. Dinurog nang katas ng sili ang nilagay niya rito. Subukan lang talaga nang lakaking 'to na hawakan siya. Ipapatikim niya rito ang sakit na walang katulad. Ewan nalang niya kung hindi ito magpagulong-gulong sa sakit kapag na-spray-han ang mata nito.

Kahit mabilis ang paghakbang niya ay nakiramdam siya kung nakasunod pa rin ang lalaki kanina sa kanya. Wala na siyang yabag na naririnig. Mukhang nagkamali lang siya nang kutob kanina. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag.

Nanlaki ang mata niya nang naramdaman ang paghawak ng kung sino sa balikat niya. Nilukob ng kaba at takot ang dibdib niya.

"Yawa ka, heto ang para sa'yo! Mabulag kang holdaper na manyak kaaa!!!" Aniya sabay spray sa mukha nito ng DIY chili spray niya.

"A-Aray, Y-Yurriii, tama na!"

Namilog ang mata niya nang makita kung sino ang lalaking na-spray-han niya sa mukha. "V-Virvin?!"

"Ano ba kasi ang naisip mo at ini-spray-han mo si Virvin sa mukha? Tingnan mo ang ginawa mo, namamaga tuloy ang mata niya. Mabuti nalang at hindi mo napuruhan ang mata niya, kung hindi ay baka napasama lalo ang lagay niya at baka nabulag pa siya."

Tama si Aling Maryang, mabuti nalang at hindi niya napuruhan ang mata nito. Nakaupo sila ngayon sa bakanteng upuan sa labas ng tindahan ng mga 'to.

"Pasensya ka na, Virvin. Akala ko kasi ikaw 'yong..." Bumuntonghininga nalang siya. Naalala niya ang lalaking nakasunod sa kanya kanina. Magkaiba ito at si Virvin ng suot kaya alam niyang magkaibang tao ang dalawa. Tumingin siya sa binata ng hawakan nito ang kamay niya.

"Ayos na ako, Yuri. Wag mo na akong alalahanin, kasalanan ko naman dahil ginulat kita. Pasensya ka na." Hingi nito ng paumanhin.

Ito na nga ang nasaktan, nagawa pa nitong humingi ng pasensya sa kanya. Nakakahiya talaga!

Dahil sa nahihirapan si Virvin na makakita ay hinatid niya ito sa bahay nito. "Pasok ka." Aya ng binata sa kanya.

Lihim siyang napangiwi nang makita kung gaano kagulo ang loob ng bahay nito. Daig pa ang binagyo. Nang mapatingin siya kay Virvin ay napansin niya na nakakunot ang noo nito, parang galit yata.

"Mukhang may pumasok sa bahay ko."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Nalooban ka? Mabuti pa tumawag na tayo ng pulis—" Natigil siya sa pagsasalita nang marinig ang mahina nitong pagtawa.

Hindi ito tawa ng isang masaya, o natutuwa... Para itong natatawa sa... galit?

"Akala yata ng magnanakaw may makukuha siyang pera, o mahalagang bagay dito sa bahay ko. Kaya bago ka matulog palagi mong tiyakin na nakasara ang kandado ng pintuan mo." Bumaling sa kanya si Virvin at yumakap sa kanya. "Ayaw kitang mapahamak, Yuri. Alam mo naman na mahalaga ka sa akin, di'ba?"

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon