3.

327 10 0
                                    

[Yuri]

Pinigilan niya ang mapangiwi habang suot ang tube green cocktail dress na pilit na pinasuot sa kanya ni Vera. Hindi umabot sa kalahati nang kanyang hita ang suot niya. Pakiramdam tuloy niya ay pasok na pasok ang hangin hanggang sa singit niya.

"Yawa, ang pait!" Nalukot ang mukha niya ng husto sa pait nang alak na tinungga niya.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya nang marinig ang reklamo niya.

Hindi ito ang unang beses na sumama siya kina Vera at Nikka sa ganitong lugar. Pero hindi naman siya mahilig uminom. Sumasama lang naman siya sa mga ito para hindi siya mabagot at para mabawasan na rin ang lungkot.

Nilibot niya nang tingin ang paligid— Pinasingkit niya ang mata at pilit na inaninag ang mga tao sa paligi.

Paranoid lang ba siya— O tama ang pakiramdam niya na mayro'ng nakamasid sa kanya?

Pinilig niya ang ulo. Mukhang may tama na agad siya. Kung ano-ano na kasi ang naiisip niya.

"Hi, there girls!"

Silang apat na magkaibigan ay napatingin sa lalaki. Sabay pang nagsipag— Ohh' ang mga kaibigan niya maliban sa kanya.

Napalunok siya nang magtama ang mata nila. Sa hindi malamang dahilan ay panandaliang huminto sa pagtibok ang dibdib niya.

Takbo— Bakit tila iyon ang gustong sabihin nang kanyang utak?

Iniwas niya ang tingin sa lalaki. Nakangiti ito sa kanila, o mas tamang sabihin na sa kanya?

Mahina niyang tinapik ang pisngi. 'Feeling super ganda lang, Yuri?' Kastigo ng utak niya.

"Hey. I'm Red."

"Yuri." Tipid na sagot niya.

Tinanggap niya ang palad ng lalaki na nakalahad, pero agad din niyang binawi ang kamay. Gumapang kasi ang kakaibang kuryente sa katawan niya nang dumikit ang mainit nitong balat sa kanya.

Nang muli siyang tumingin rito ay nakita niyang nakangiti ito habang nakakikipag usap sa kanya— Pero bakit pakiramdam niya ay peke ang ngiti nito?

Paglingon niya kina Vera ay napangiwi siya. Anak ng tokwa! Wala na ang mga kaibigan niya at iniwan na siya. Nakita niya ang tatlo na halos magwala na sa dance floor, lalong-lalo na si Pamela. Parang nakawala sa hawla.

Nanigas ang katawan niya nang walang paalam na tumabi sa kanya ang lalaki. Teka, ano nga ulit ang pangalan nito? Rod?

Umusod siya palayo mula rito. Naiilang siya sa pagkakadikit ng balat nila— Aba't!

Umusod na nga siya palayo, dumikit uli ito!

"Ahm, excuse me, Rod." Ininguso niya ang upuan. "May space pa, oh. Hindi mo kailangan dumikit ng husto sa 'kin." Mga lalaki nga naman. Hangga't may paraan ay gagawa ng hakbang para makapanglandi—

"Well, I want to feel your warm body. Is that bad?" May mapaglaro na ngisi sa labi na wika nito.

Pilit na ngumiti siya, kahit ang totoo ay naaalibadbaran siya sa sinabi nito.

Kahit patay-sindi ang mga ilaw ay hindi hadlang 'yon para masilayan niya ang mukha nito.

He's handsome like a greek god. Matangkad ito. Sa palagay niya ay nasa six' two ang taas nito. Makapal ang kilay na bagay na bagay sa maganda nitong mata, hindi nga lang niya sigurado kung itim ba, o brown ang kulay nito dahil madilim.

Pero isa ang sigurado siya— Ang lalim nito tumingin, na para bang may ang dami nitong itinatago... Napaka-misteryoso nang dating...

Bagay na bagay ang makapal nitong kilay at matangos na ilong sa prominente nitong panga. Maamo kung titingnan ang mukha nito— Pero nagsusumigaw ang kakaibang awra nito... Na para bang hindi ito ang totoong pinapakita nito ngayon.

Sandali.

Bakit pamilyar ito sa kanya? Parang nakita na niya ito.

Tumayo siya ng hahawakan sana siya nito sa balikat. "A-Ah, sige, Rod, ha. M-Maiwan nakita... Tinatawag na kasi ako ng mga kaibigan ko!" Pagdadahilan niya at mabilis itong iniwan.

Nawala ang tama niya dahil dito.

Habang papalayo siya ay ramdam niya ang nakasunod nitong tingin. Pagdating niya sa restroom ay bumuga siya nang hangin.

Isa 'to sa dahilan kung bakit hindi niya magawang magpakalasing sa mga bar. Nakakatakot dahil baka mamaya ay magising nalang siya na may katabi nang lalaki sa kama.

Ang dami pa naman lalaki na mapagsamantala— Katulad nang lalaki kanina. Akala yata nito ay makakaisa ito sa kanya.

Inilabas niya ang cellphone sa bulsa. Napangiti siya habang nakatingin sa stolen shot photo ni Virvin na ginawa niyang wallpaper ng cellphone niya.

"Kung pinapansin mo sana ako, eh di masaya!" Kausap niya rito. Hinalikan pa niya ang screen habang kilig na kilig. "Ayy kabayo!"

Halos mapalundag siya sa gulat nang pagdilat niya ay nakatayo na sa likuran niya si Nikka. Umiiling-iling pa ito habang nakatingin sa kanya na tila nababaliw na siya.

"Hoy, Yuri. Tigilan mo ang pagpapantasya kay Virvin dahil hindi ka niyan mamahalin." Pinagkrus nito ang braso sa dibdib. "Aba, ang tagal mo nang nangangarap pero ni katiting na pag asa wala naman!"

Sinamaan niya ito nang tingin. "Pakialam mo ba? Ikaw nga nakita kitang patay na patay kay Miguel, eh. May narinig ka ba sa' kin?"

Umilap ang mata nito. "Ako? Kay Miguel? Idol ko lang 'yon, noh."

Idol lang daw.

"Idol mo mukha mo!" Pangbabara niya rito.

'Virvin, naman kasi. Kailan mo ba ako papansinin?' Naitanong nalang niya sa isip niya.

*******

Panay ang asar ni Nikka kay Pamela tungkol sa flat nitong dibdib. Napailing nalang siya dahil gigil na gigil ang kaibigan nilang si Pamela sa pang aasar rito, mas lalo din itong naaasar kapag napapatingin sa mga kababaihan na mayro'n naglalakihang dibdib. Ito kasi ang pinaka-flat ang dibdib sa kanilang apat.

Inayos niya ang suot na palda na napaikli. Pare-pareho sila nang suot, magkakaiba lang nang kulay. Ang pag itaas naman nila ay tube lang at hindi umabot sa pusod nila ang haba kaya ang flat nilang mga tiyan.

Narito sila ngayon sa birthday party ng pinsan ni Vera. Lahat ay nagkakasiyahan at kanya-kanyang trip.

Tipikal na party ng mayayaman— Sagana sa drinks at sa mga foods.

Madalas silang nasa party magkakaibigan maliban kay Pamela noon— Dahil kay Vera na binansagan na 'Party Queen. Paano kung nasaan ang party ay palagi itong naro'n. Kahit nga yata hindi mo ito i-invited ay pupunta ito sa party mo. Gano'n kasugapa si Vera sa mga parties. Ewan ba niya sa kaibigan niyang 'to kung bakit parang uhaw na uhaw ito sa ganitong klase ng event.

Nakita nalang niya si Vera na gumigiling na habang napapalibutan ng mga kalalakihan at kababaihan. Si Nikka at Pamela ay bigla nalang nawala.

Nagkahiwa-hiwalay na naman sila.

Umupo siya sa gilid ng pool at nilubog ang paa rito habang may hawak ng cocktail drinks sa isang kamay.

Humawak siya sa batok— Heto na naman ang pakiramdam niya na mayro'ng mga matang nakamasid sa kanya. Dama niya ang kakaibang pakiramdam at kilabot na gumagapang sa katawan niya.

'Hindi kaya may stalker ang kagandahan niya?

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon