[Yuri]
"Yuri, pwede ba umupo ka nga. Kanina pa ako nahihilo sa kakalad mo, eh!" Reklamo ni Nikka.
"Ano ba kasi ang problema mo at kanina ka pa hindi mapakali?" Tanong naman ni Pamela.
Mahinang natawa si Vera. "It's obvious, guys. It's about Virvin."
Nang mangalay ay umupo na siya. Narito sila ngayon sa isang coffe shop— At syempre, libre silang lahat ni Vera.
"Ganito kasi 'yon, guys." Nilabas niya ang boteng nasa bag. "Bumili ako nito sa Quiapo. Ang sabi sa akin nang 'matandang nagbebenta nito 'epektib daw 'to." Kinuha ni Nikka ang boteng hawak niya. Nanlaki ang mata nito nang mabasa ang nakalagay rito.
"Gayuma?!" Hindi makapaniwalang pakli pa ni Nikka.
"What?" Maging si Vera at Pamela ay nakiusyoso na. "The heck, Yuri. Naniniwala ka sa ganitong bagay?" Anito sabay tawa nang mahina.
Hanggang sa sabay-sabay na nagsitawa ang tatlo na para bang nababaliw na siya.
"Akin na nga 'yan!" Inagaw niya ang bote pabalik.
"Seriously, Yuri... Don't tell me may balak ka talagang gamitin 'yan kay Virvin?"
Sinamaan niya nang tingin si Vera. "So, what? Sa tingin mo ba may mangyayari kung hindi ko susubukan? Palibhasa hindi pa kayo nagmamahal kaya hindi niyo alam ang pakiramdam ng nararamdaman ko."
Nagtaas ng kamay si Pamela. "Excuse me, ako alam ko ang pakiramdam." Mahina itong bumungisngis. "Pero hindi ko naisip na gumamit niyan."
At muli nagtawanan na naman ang mga 'to. Grabe! Wala man lang siyang natanggap na suporta? Kaibigan niya ba talaga ang mga babaeng ito?
Tumigil ang mga 'to sa pagtawa nang mapansin ang namumula niyang mata. "Alright, alright!" Maarteng inikot ni Vera ang mata. "We're not laughing because we didn't support you. Yuri, don't you think it was too childish to do? Hindi totoo ang gayuma, okay? If you love him, tell him. Mas maganda na sabihin mo sa kanya while looking at his eyes para mas dama niya."
"Tama si Vera, Yuri. Sabihin mo nalang kay Virvin nang harapan. Ang tagal mo na rin siyang mahal kaya panahon na siguro para magtapat ka." Segunda naman ni Pamela.
Malungkot siyang ngumiti. "P-Paano kung hindi niya tanggapin?" Kabado niyang tanong.
"Yuri, paano mo nga malalaman kung hindi mo susubukan?" Kinuha ni Nikka sa kamay niya ang gayumang hawak niya. "Kapag ni-reject ka niya saka natin 'to gagamitin sa kanya."
Magkakasabay na tumango ang mga 'to. "Well, kung ire-reject ka niya." Dugtong ni Nikka. "Sa ganda mong 'yan, malabong hindi ka niya magustuhan."
"T-thank you, guys! The best talaga kayo!" Aniya na maluha-luhang yumakap sa mga ito. Ang sarap talaga sa pakiramdam na magkaro'n ng mga kaibigan na supportive.
Supportive nga ang mga kaibigan niya— Narito lang naman sila sa isang salon at kanya-kanya nang paganda.
"Gusto niyo bang baguhin natin ang style ng buhok mo, miss?" Tanong ng binabaeng stylish sa kanya. "Bagay sa'yo ang apple cut, miss. Maliit kasi ang mukha mo at maganda ka."
"Ay wag po, mas gusto ko po na mahaba ang buhok ko." Mini-maintain niya ang hanggang bewang na buhok. Pakiramdam niya kasi ay mas maganda siya kapag mahaba ang buhok niya.
"Pakiahit nalang po nitong kilay ko, tapos... magpapalagay din po ako ng eyelashes extension."
"Ay miss, mahaba at maganda na ang pilikmata mo, hindi na kailangan ng extension. Baka masira lang ang maganda mong pilikmata kapag nilagyan pa natin 'yan ng extension."
Tumingin siya sa malaking salamin na nasa harapan— Tama nga ito. Bakit hindi niya napansin na maganda pala ang mga mata niya.
Natatawang nginuso siya ni Pamela kina Nikka at Vera. "Tingnan niyo. Mukhang ngayon lang niya napansin na diyosa siya."
"Wow." Nasabi nalang niya habang nakatitig sa sariling repleksyon.
Morena ang kulay nang balat niya na walang ni isa mang pilat— Pantay ang kulay niya mula mukha hanggang sa talampakan niya.
Nagkatawanan ang mga kaibigan niya nang itaas niya ang kamay para sipatin kung maitim ba ang kilikili niya— Mas maputi ng konte. Pwede din pala siyang maging model ng roll on.
Tumayo siya at nagpose sa harap ng salamin— Parang model pala talaga siya. Maganda nga siya pero hindi naman napapansin ni Virvin.
Bulag ba ito?
"Good luck, Yuri! Kapag naging kayo ikaw naman ang sumagot ng tatlong buwan na pang-coffeshop natin!" Ani Vera.
Kahit pang isang taon pa 'yan!
Inayos niya ang hanggang bewang na buhok. Kuko lang niya ang inayos sa salon, at nagpafoot spa na rin siya. Sinipat din niya ang mukha sa salamin nang makitang palapit na si Virvin sa pwesto niya.
"H-Hi, Virvin!" Kabadong bati niya.
This is it! Talagang nag ipon siya ng lakas nang loob para magtapat sa binata. Tama ang mga kaibigan niya— Kailangan niyang sabihin ang nilalaman ng dibdib niya.
Tumabingi ang ngiti niya nang makitang wala man lang recognition sa mukha nito— Teka, ibig bang sabihin ay hindi siya nito naaalala, o nakilala man lang? Ang tagal na nilang magkapitbahay pero parang palagi nalang siya nitong hindi natatandaan.
Kalimot-limot ba ang mukha niya?
"Kung makatingin ka naman parang hindi mo ako natatandaan." Kunwari ay mahina siyang natawa. "Ako 'to si Yuri." Pasimple niyang hinawi ang mahabang buhok. "Ang tagal na kaya nating magkapitbahay. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako natatandaan? Ikaw ha, nakakasakit ka nang damdamin—"
Natigil siya sa pagsasalita. Ang ngiti sa labi niya ay mabilis nabura nang makita ang isang pamilyar na pigura mula sa kalayuan. Nakakakilabot at nakakatakot ang awra nito kahit na malayo ito sa kanya.
Isang tao lang ang may kayang magparamdam sa kanya nang ganito— Si Red!
"May sasabihin ka ba? Sabihin mo na kung mayro'n dahil may gagawin pa ako." May pagkainip na turan ng kaharap niya.
"A-Ah, s-sa susunod nalang!" Aniya sabay takbo pauwi. Mabilis na ini-lock niya ang pintuan para siguruhin na hindi ito makakapasok. Sinalpak din niya ang headset sa tenga at itinodo ang volume nito para hindi niya marinig ang katok nito.
'Kahit mamaga pa ang kamay nito sa pagkatok ay hindi niya ito pagbubuksan!'
Yawa! Napurnada pa ang pagtatapat niya kay Virvin dahil sa lalaking 'yon! Ano na naman kasi ang ginagawa nito sa lugar nila? May tama na naman ba 'to sa utak at trip na naman siya?
No'ng nakaraan lang balak siyang gawing kuting sa impyerno. Ano naman kaya ngayon? Tuta sa impyerno? Eh bukas? Isda sa impyerno? Ibon? Manok? Ahas?
Ahh, bwisit! Kung anuman ang trip nang lalaking 'yon ay wag na sana siyang idamay! Wala siyang balak sumakay sa ka-adikan nito.
Sayang ang lakas ng loob na inipon niya para magtapat kay Virvin. Di bale, may bukas pa naman.