12.

154 6 0
                                    

[Yuri]

Agad siyang bumango nang magising at nilibot ng tingin ang paligid.

Si Red!

Sa pagkakatanda niya ay narito ang binata sa loob at ito ang huling nakita niya bago mawalan ng malay. Pero nang ilibot niya ang mata sa paligid at hindi naman niya ito nakita.

Nakahinga siya nang maluwag.

"Yawa, panaginip lang pala." Tumayo siya pero agad din siyang napaupo ng kumirot ang ulo niya. Para itong pinupukpok sa sobrang sakit.

Natigilan siya nang mapansin ang suot niyang damit. Hindi na ito ang suot niyang damit kagabi. Walanghiyang adík 'yon! Malilintikan talaga ito kapag nagkita silang dalawa!

Kahit masama pa ang pakiramdam ay naligo siya. Pagpunta niya sa kusina ay natigilan siya dahil may pagkain na nakatakip sa mesa. Mukhang pati kusina niya ay pinakialaman nito bago umalis.

Kahit na ipagluto pa siya nito hindi maalis ang pagka-bwisit niya rito. Pumasok na nga ito sa bahay niya. Pinalitan pa nito ang suot niya ng walang permiso!

Nang mapatingin siya sa salamin ay kitang-kita ang pagkapula ng mukha niya sa galit. Maisip palang niya na nakita nang ibang lalaki ang katawan niya ay tumatayo na ang balahibo niya.

Si Virvin lang ang may karapatan na makita ang katawan niya, wala nang iba!

Pahablot niyang binasa ang iniwan na note ni Red sa mesa katabi ng pagkain na niluto nito. 'Drink this' ito ang nakasulat sa papel. Katulad ng bilin nito ay ininom niya ang gamot. Pero hindi niya kinain ang niluto nito. Kumain nalang siya ng slice bread. Baka mamaya ano pa ang inilagay nito sa pagkain.

Naalala niya si Virvin. Teka, ibig sabihin ay hindi ito bumalik para alagaan siya? Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na rin na hindi ito dumating para hindi nito nakita si Red.

"Yuri, mukhang masama ang timpla mo ngayon, ah." Umupo si Nikka sa kaharap niyang upuan, gano'n din si Pamela at Vera. "Nag away kayo ni Virvin?" Usisa nito.

"Oh, hindi pa nga kayo official nag away agad?" Tumatawang ani ni Pamela.

Naalala niya ang usapan nila ni Virvin bago siya ihatid nito. May unawaan na silang dalawa.

"Parang gano'n na rin 'yon. Nagkakaintindihan kami tapos pareho pa kami ng nararamdaman. Ibig sabihin no'n parang kami na rin." Doon din naman ang punta nilang dalawa ng binata dahil pareho sila nang nararamdaman. "Saka hindi kami nag away, no."

Natigilan ang tatlo. Bigla nalang tumahimik ang mga 'to habang nakatingin sa likuran niya. Tumikhim si Vera may inginuso ito sa likuran niya. Agad na napasimangot ang mukha niya nang malingunan si Red.

Parang sumama lalo ang pakiramdam niya.

"Good morning, Yuri. Are you feeling well now?" Sa ganda ng ngiti nito kahit sinong babae ay mahahalina— Pero hindi siya. Alam naman niya na hindi totoo ang ngiti ng adík na 'to.

"Guys, wait lang ha." Paalam niya sa mga kaibigan niya. Bago siya umalis nakita niya ang mga nagtatanong na tingin ng mga 'to sa kanya.

Siguradong hindi siya titigilan sa katatanong ng mga kaibigan niya dahil dito sa lalaking ito.

Katulad ng inaasahan niya ay sumunod sa kanya si Red. Malakas niya itong sinampal nang makita na walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. "Sumusobra ka na. Pumasok ka na nga sa bahay ko nang walang paalam, p-pati suot ko pinakialaman mo pa. Is this the way you threatened me, ha? Alam mong hindi kita magagawang ireport because you're a powerful person and compared to you I'm nothing?"

Bumuga siya nang hangin. Ubos na ang pasensya niya!

"Stop acting like you care because I know you're not. Hindi mo ako maloloko, Red. Kaya pwede ba, be gone! Wag ka na magpakita pa sa akin!" Napaawang ang labi niya nang makitang nagawa pa nitong ngumisi sa kabila ng mga sinasabi niya. Yawa! Wala ba itong balak seryosohin ang mga sinabi niya?

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon