14.

149 3 0
                                    

[Yuri]

Mabilis na lumayo siya rito, pero mabilis naman na humawak at pumigil ang kamay nito sa bewang niya at hinila siya pabalik kaya tumama ang maliit niyang katawan sa matipuno at matigas nitong katawan.

"Bitiwan mo nga ako—" Nahigit niya ang hininga nang muling bumaba ang ulo nito sa leeg niya.

"Why would I, sweety? Hindi ba't ikaw ang humanap at pumasok sa teritoryo ko?" Mahinang anas nito sa delikadong boses.

Teritoryo?

Nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Bakit pakiramdam niya ay delikado na nagpunta siya rito ngayon.

'No, Yuri! Kung gusto mong malaman ang tungkol sa nakaraan mo ay kailangan mong makipagplastikan kay Red!' Kastigo ng utak niya.

Humarap siya sa binata— Pero mukhang mali yata ang ginawa niya dahil halos magdikit na ang labi nilang dalawa sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

Mabilis na iniyuko niya ang ulo. Pumikit siya at marahan na bumuga ng hangin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Red. I need your help." Maliit lang naman na pabor ang hihinhin niya niya at kayang-kaya nitong ibigay 'yon sa kanya.

"Hmm. So, you're here because you want some help." Itinaas nito ang baba niya gamit ang isang daliri. "Hindi ba't ang unfair mo sa pagkakataon 'to, Yuri? Itinutulak mo ako palayo at gusto mong layuan kita. Ngayong kailangan mo nang tulong ko ay narito ka. Unfair right, sweety?"

"Kitten, tapos ngayon naman 'sweety? Pwede ba, Red. Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng kung ano-ano. Ginagawa mo ba 'yan sa lahat ng mga babaeng nakakasalamuha mo?" Tapos magtataka pa kapag tinataboy palayo. Ang creepy naman kasi. "Hindi unfair ang tawag sa pagpunta ko sayo. I want your help, so you must help me. Isipin mo nalang na bayad 'to sa panggugulo sa akin lately."

Napalunok siya nang tumiim lalo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. May ngiti— No, mas tamang sabihin na may pekeng ngiti sa labi ito habang nakatingin sa kanya.

"Bayad?" Biglang nagdilim ang mukha nito. Nagsimulang maggalawan ang panga nito na tila ba galit na galit.

'Pero kanino ito galit? Sa kanya ba?'

"R-Red..." Ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa takot. Nang tumingin kasi siya sa binata ay napakadilim ng mukha nito.

Nilibot niya nang tingin ang paligid. Ngayon lang niya napansin na nag iisa lang ang kwartong narito. Sigurado siya na ito ang office ni Red. Walang katao-tao, walang iba maliban sa kanilang dalawa.

Napalunok siya ng laway.

Sigurado na walang makakarinig sa kanya sa oras na sumigaw siya at humingi ng tulong kung sakaling saktan siya nito.

Parang handa siyang saktan ngayon!

"Wag na wag mong babanggitin ang salitang 'bayad, Yuri. Baka kapag siningil kita ay pagsisihan mo."

Nagsimulang uminit ang ulo niya. "Ang kapal ng mukha mo! Wala akong utang sayo kaya bakit mo 'ko sisingilin? Kaka-shábu 'yan kaya wala ka na sa katinuan! Saka ikaw nga 'tong may kasalanan sa'kin, eh! Wala kang ginawa kundi guluhin ako at takutin ako—"

"So, you're scared at me, huh?" Nakangising turan nito na tila natutuwa pa.

Aba, loko 'to ah!

'Kalma, Yuri. May kailangan ka, remember?' Paalala ng utak niya.

"Please, pagbigyan mo ako sa pabor na hinihingi ko, Red. Last na 'to at hindi na ako uulit." Kailangan talaga niyang malaman kung saan nakatira ang matandang 'yon. Ito ang susi para may malaman siya sa pamilya niya noon.

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon