CHAPTER TWELVELumabas na si Sir Fernandez. At 'tong 2nd subject namin ngayon umaga ay um-absent agad. Aga diba?
Always naman eh. Mostly after a weeks pa nagsisimula yung totoong klase.
Kanina parin ako inaasar ni Ice. Tinutukso nya ko kay Grae. Tsk. Pati sa kaibigan ko itutukso pa ako? Nu bayan!
Habang patuloy parin sa pagdaldal 'tong si Ice, Nilingon ko naman si Grae para makita kung anong ginagawa nya.
Pagka tingin na pagka tingin ko palang, Naabutan ko ng naka tingin sakin si Grae. Naka upo padin sya sa chair nya gaya namin ni Ice.
Napapalibutan sya ng mga babae naming kaklase. Nagpapakilala ata at lumalandi syempre. Di na ata mawawala sakanila yun!
Nginitian ako ni Grae. Tumango nalang ako at ibinaling na ulit ang atensyon ko kay Ice na kwento ng kwento.
Tumango lang ako para hindi maka halata yung mga babae naming kaklase na kasalukuyang nakapa libot kay Grae.
Mahirap na baka malaman pa nila kung ano meron saming dalawa ni Grae... Which is actually wala naman talaga, Diba?
"Ay tara! Lumandi din tayo! Ayon oh, Pogi din yung-- Sky ba yun?" Tanong nya at tsaka tinuro yung bago naming kaklase.
Pagka tingin ko, Naka tingin na din sakin yung Sky. Actually, Familiar nga sya eh... Sky... Hmm'
San ko ba sya nakita? Basta feel ko talaga nakita ko na sya dati eh.
After namin magka tinginan nung Sky, Hindi ko na pinahalata na nailang ako at tumingin nalang ulit ako kay Ice.
"Oh diba ang gwapo? Kanina pa nga yan tingin ng tingin sayo eh! Sayo ba o sakin? Tsk. De jk. Sayo yan nakatingin kanina pa. Ikaw na dyosaaa!" Natutuwang sambit ni Ice tsaka sya tumayo at pinatayo din ako.
The next thing i know, Hinihila na 'ko ni Ice patungo sa pwesto ata nung Sky ba yun? Tsk. Sounds familiar talaga!
Napansin kong isa lang ang pagitan sa likod ni Grae ang pwesto nung Sky. Nasa may tabi din sya ng bintana.
Nagpa hila lang ako kay Ice hanggang malagpasan na namin ang pwesto ni Grae. Nakiraan pa kami sa mga kaklase naming babae na nakapaligid kay Grae. Sya na gwapo.
Nang makalagpas na kami sa pwesto ni Grae andito na agad kami sa tapat ng pwesto ni Sky.
"Hello!" Masiglang bati ni Ice kay Sky.
Binigyan lang sya ni Sky ng nagtatakang tingin. Naka tingin sya kay Ice at biglang lumipat ang tingin nya sakin.
Naka titig lang sya sakin. Seryoso ang mukha nya... Nakakatakot.
Ano bang problema ng isang 'to? Napaka seryoso naman nito! Nakaka kaba ang atmosphere dito. Feeling ko maya maya pa kakainin na ko ng mundo.
Wala akong nagawa kundi ang mapa lunok. Bakit ba sya ganyan tumingin?
Ang weird.
"Hellooo! Sabi ko hello." Sabi ni Ice. Phew! Thank's Ice, Sinalba nya ko sa nakakatakot na atmosphere na nadadama ko.
Mukhang natauhan naman itong si kuya tsaka tumingin kay Ice at nag salita.
"Ah. Hello. Pasensya na." Matamlay nitong sagot. Tsaka napakamot ng marahan sa kanyang patilya tsaka napa kagat labi.
Aba. May itsura din 'tong isang 'to! Gwapo sya, Makapal yung kilay na mas lalo nyang ikinagwapo. Hmm' I can say na magka katawan sila ni Grae... Oo tama.
"Okay lang. Hahaha. By the way, I'm Ice Scarllet." Masaya paring bati ni Ice tsaka inilahad ang kamay.
Inilahad din naman ni Sky yung kamay nya tsaka sila nag shake hands.
BINABASA MO ANG
Behind this All
HumorBehind this all, I know you and i will be together until the end. Behind this all, I know you and i can conquer all. -Selene Hemmings of Behind this All