CHAPTER FIFTHEENMedyo masama ang gising ko. Dala narin siguro nung nangyari kahapon at kagabi.
Di rin kasi ako naka tulog sa kaiisip kung ano bang ikinakagalit ko gayong wala naman talaga dapat. Stress lang ako.
Di nanaman ako nakapag almusal maliban kasi sa masama na ang gising ko ay late narin ako nagising.
Pagka pasok ko ng room wala padin naman silang masyadong ginagawa. Yung iba nagdadaldalan yung iba nagpapaganda.
Hindi naman ako napansin ni Sir Fernandez pero ang naka pansin sakin ay yung kaisap nya... Si Ice.
Tinanguan naman ako ni Sir kaya nag balik tango din ako tsaka ngumiti.
Napansin ko naman na parang nagpa alam naman na si Ice kay Sir, At kung hindi ako nagkakamali saakin lalapit si Ice.
Nag ibang tingin na ako at itinuon ang sarili ko sa pag upo, Nang maka upo na 'ko naramdaman ko na rin na may umupo sa tabing upuan ko.
"Anong problema mo? Aga aga busangot ka agad dyan? Come on, Make kwento!" Sambit ni Ice saakin, Mukhang kita nya agad na wala ako sa mood.
Tinignan ko lang sya at napa irap. Kahit kelan naman di na nainis sakin 'to dahil normal nalang sakin 'yon. Sanay na sila sakin. Kaya lovelove ko sila ni Tisdale eh.
Naalala ko tuloy yung bruhang 'yon.
"Nako ha! Ano na nga? You're 45 minutes late! Napaka aga mo naman sa second subject!" Naka ngising giit sakin ni Ice tsaka binigyan ako ng 'Kwento na! I'm waiting' look.
Alright, I give up!
"Yung pinsan ko kasi. Tsk." Sambit ko tsaka tinignan kung ano ang magiging reaction nya.
"I'm sure yung bruhang Cheska 'yan no? Mukha mo palang alam ng sya talaga. Hahaha." Ngisi nyang sambit na akala mo ay siguradong sigurado sya sa sagot nya.
Tama naman sya.
Napa "Tsk" nalang ako at nagsalita nanaman sya.
"Ano na naman ba ginawa ng bruhang 'yon? Tsk. Iba na nga yung nabuntis nung a--" Di ko sya pinatapos at binigyan ng isang masamang tingin.
Napa lunok naman sya at mukhang nakuha na hindi ko nagustuhan ang lumabas at lalabas palang sa bibig nya.
"Ay sorry. Ano ba kasi ginawa?" Tanong nya na wari'y nya ay nagiingat na sa mga sinasabi nya.
"He's Grae's Ex." Matabang kong sambit.
Nanlaki naman ang mata nya at halos mahulog ang bibig sa gulat.
"What?! Are you fvcking kidding me? Lahat syinota nya ah!" Biglang giit nya tsaka binigyan ng di maka paniwalang ngiti.
"I know right!" Sambit ko at di ko talagang mapigilang mapa irap.
"Ay nako girl! This time wag ka ng paapi! Lumaban ka na! Ipaglaban mo yung babe mo!" Tsk.
Bakit ko naman ipaglalaban ang isang 'yon? Kaibigan ko sya, Ex sya ng pinsan ko.
Paano ko ipaglalaban ang isang bagay na una palang wala ng dahilan para ipaglaban?
Kaibigan lang ako, Naging girlfriend nya ang pinsan ko. Ano ako kumpara sa pinsan ko diba? Wala, Kasi kaibigan lang ako.
"Anong ipaglalaban ko? Wala naman diba?" Matabang kong tanong kay Ice. Naiinis ako dahil feeling ko talunan ako sa pinsan kong baliw.
Tsk. Bakit ba ko nakikipagkumpitensya? Kung sa bagay, Wala naman talagang kumpitensya dahil sa una palang, Ang pinsan ko na talaga ang pipiliin nya, Minahal nya eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/33491858-288-k647279.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind this All
HumorBehind this all, I know you and i will be together until the end. Behind this all, I know you and i can conquer all. -Selene Hemmings of Behind this All