CHAPTER TWENTY ONE
Nang makarating kami sa table, Nagka batian agad sila Grae at mga kaklase kong mga lalaki. Naupo lang kami kasama ng iba naming kaklase lalaki. Nanatili akong tahimik samantalang si Grae naman ay kausap ang ilan sa mga kaklase namin at nakikipag tawanan.
Napansin ko din na lumalapit narin sa reserved table namin ang ilan ko pang kaklaseng babae. Pinasadahan ko ang mga suot nila. Hmmm' Kumpara sakin, Mas malalaswa ang suot nila dahil anytime makikita na talaga ang singit nila maling galaw lang ang magawa nila.
Medyo may space sa pagitan namin ni Grae kaya ng sumingit sa gitna namin ang isang babae kong kaklase ay nagka layo kami ni Grae, Nadagdagan at nadagdagan pa kaya mas lalo kaming nagka layo. Hindi tulad kanina na magka tabi kami, Ngayon ay halos magka tapat na kami sa table, Round shape kasi ang table.
Dumating lang si Grae nagsi puntahan na sila dito? Kanina lang kung kanikanino nakikipag landian 'tong mga kaklase naming babae. Mahaharot talaga sila. Tsss.
With that thought, Napa irap ako sa hangin at natingin din kay Grae. I saw him smirks habang naka tingin sakin, Ngunit hindi naman nag tagal ang pag tingin nya sakin dahil bumaling na ulit sya sa mga kaklase namin para makipag usap.
Hindi ko maiwasan na matignan sya sa pakikipag kwentuhan nya. Langya! Naka kapit na sakanya yung isa naming kaklaseng babae pero wala syang ginagawa at hinahayaan nya lang? Tsk. What to expect, Definitely a playboy. Hayyy
Hindi ko na kayang tagalan 'to! Malandi silang pareho! Tsk.
Tumayo ako sa pagkaka upo ko. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat na nasa table namin, Tinanong naman ako ni Clarence na lalaking kaklase kong katabi ko ngayon sa table kung saan daw ba 'ko pupunta.
Nabaling ang atensyon ko kay Grae na medyo kunot ang noo at naghihintay rin ng isasagot ko kung saan ako punta.
Nailang ako sa mga tingin ni Grae na 'yon kaya wala sa sariling napa lunok ako at binaling ang tingin ko kay Clarence para sagutin ang tanong nya.
"Uhh-hhm. Ano, CR lang ako." Sambit ko, Hindi ko naman na hinintay ang sasabihin pa nila at nag tungo na ko sa rest room.
Hindi naman talaga ako naiihi o kung ano pa, Ayoko lang talaga mag tagal don dahil sa mga nakaka iritang nakikita ko.
"You like a fool to me~"
Habang nag huhugas ako ng kamay ko ay hindi ko maiwasan ang mapa kanta. Dala narin siguro ng stress. Hahaha
"Tell me, Why you have to go and make things so complicated~"
"I see the way you're acting like you're somebody else gets me frustrat-- Wahhhh!!!" Napa sigaw ako ng makita ko ang isang lalaki na naka ngiti sa likod ko.
Napa lingon pa ako sa likod ko kung tama nga ang nakita ko sa salamin. Lalaki nga! A-Anong ginagawa nya dito?! Ladies rest room 'to!
"A-Anong ginagawa mo dito?" Medyo takot kong tanong sa kanya at habang naka kapit parin ako sa sink ng banyo.
"Ohmaygahddd! Ang swerte ko! Uhm, Ano... Hihi. By any chance, Are you a singer?" Tanong sakin nung lalaki.
Naka hinga naman agad ako ng maluwag ng marinig ko kung paano sya mag salita. Bakla siguro 'to.
Naka tingin pa din ako sa lalaking binabae at mukha atang naghihintay sya ng isasagot ko.
"No, I'm not." Sambit ko at naglakad na para sana maka labas na ng Cr na 'to. Pero muli nya akong nahawakan sa lower arm ko dahilan para mapa hinto ako.
Na ngiti sya bago pa man sya mag salita ulit...
"But your voice is great! Can you sing for us? Here sa bar? " Tanong nya. Binigyan ko sya ng naguguluhan na tingin. " Ohh, I'm the manager of this bar, Napasok ako sa banyo nung marinig ko yung voice mo, Hihi. Sige naaa, Kahit isang song lang. I'm sure magugustuhan ng mga guest ko ngayon ang boses mo, Please?" Dagdag na sambit nya pa. Hanggang ngayon ay patuloy ko parin syang binibigyan ng isang naguguluhan na ekspresyon.
BINABASA MO ANG
Behind this All
HumorBehind this all, I know you and i will be together until the end. Behind this all, I know you and i can conquer all. -Selene Hemmings of Behind this All
