Chapter Twenty Three

86 2 2
                                        

TWENTY THREE

"My god, Selene! Bakit ka ba kasi nag lasing? May problema ka ba?" My Sister asked.

Wala akong masyadong matandaan kagabi, Ang natatandaan ko lang is yung inaya na 'ko ni Grae umuwi at yung nangyari sa loob ng sasakyan nya na punasan ng wipes.

Hindi ko maiwasang mapa ngiti sa pag iisip ng mga nangyari kagabi.

"What? Answer me Selene!" Sambit parin ng ate ko while stirring a cup of coffee.

Binigay nya sakin yung kape tsaka ako nag salita.

"N-No, Ate... Wala akong problema, Nagkaayaan lang kami ng mga kaklase ko kahapon, Isa pa andun naman si Ice. I'm with Ice." I lied. Hindi ko nga halos nakasama si Ice kagabi dahil hindi ko na talaga sila nkita na bumalik kagabi sa loob ng bar ni Sir Fernandez.

"Alam mo naman na bawal ka pa sa ganoong lugar diba? What if mom knew it? Huh?" Nakapameywang pang sambit saakin ng ate ko bago pa tuluyang mag salita ulit. "Buti na lang at mukhang mabait yung lalaking nag hatid sayo kagabi."

Napa lunok ako. Si Grae yung nag hatid sakin kagabi. Nagka aminanan na kami diba? Hmm' Yun na kaya yun?

Uminom ako ng kape habang patuloy parin sa pag iisip ng mga nangyaru kagabi. Hindi ko maiwasang kiligin, Langya!

"Nakaka hiya nga lang doon sa lalaking nag hatid sayo at sinukahan mo pa."

Na tigil naman ako sa pag inom ng kape sa sinabi ng ate ko. Oo nga pala! Bago ako mag black out ng tuluyan ay nag suka ako. Langya! Nakaka hiya kay Grae.

*

Hindi na ko naka pasok ng umaga sa school dahil nga sa tinanghali na din ako ng gising. Ngayon andito na ko sa school ay naabutan ko nanaman si Ice sa table ni Sir Fernandez at nagkekwentuhan.

Hayyy' Lagi nalang sya andun kay Sir Fernandez. Kinalimutan na ata ako ng kaibigan ko.

"Good Morning Selene." Nabigla ako at napa lingon sa bumati at bumanggit ng pangalan ko.

Naka ngiti sya. Hmm' Mukhang ok na talaga kami ah? Well that's better. Pero nahihiya parin ako dahil sinukahan ko pa sya kahapon. Hayyy'

"G-Good morning." Napa lunok ako ng wala sa sarili "A-Ano, Sorry pala kagabi." Tuluyan akong napa yuko ng sinabi ko iyon. Langya! Gusto ko nalang lumubog sa kahihiyan!

Narinig ko naman syang natawa bago mag salita. "That's alright. Basta nag seselos ka ah? Wala ng bawian yun!"

Pinaalala nya nanaman. Tsk.

"Ha? Ikaw din naman ah?" Giit ko. Ramdam ko na rin ang pamumula ng pisngi ko. Langya! Tanghaling tapat nagpapa kilig 'tong walanghiyang 'to.

Na tawa naman syang muli at nag salita pa ulit. "Ibig sabihin ba nito? Gusto mo na din ako at pwede ng maging tayo?" Tanong nya.

Langya! Ang bilis naman? Hindi ba alam ng lalaking 'to ang salitang ligaw? Tsk

Hindi ako maka sagot dahil hindi ko pa talaga agad ang sasabihin ko.

"A-Ano, Diba parang ang bilis naman--"

"Wag kang mag alala dahil liligawan naman kita." Pag putol nya sakin bago ko pa man din matapos ang sasabihin ko. This guy is really something, And i'm lovin' it.

Tanging pag ngiti lang ang nagawa ko. Masaya ako dahil kundi dahil sakanya ay hindi ko pa makakayang tanggapin ng buong buo ang mga bagay na patuloy na bumabagabag saakin dati. I'm happy dahil alam kong unti unti na 'kong nagbibigay ng tiwala sakanya.

"Kahit di mo ako gusto sa ngayon, Okay lang. Basta ako gusto kita. Promise! Madapa man yung taong gusto mo ngayon." Natatawa pa nitong sambit.

Natawa din ako sa sinabi nya.

Behind this AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon