Chapter Two

176 3 1
                                    

CHAPTER TWO

Lumipas na ang ilang araw namin na pagbabakasyon namin dito sa DN's Hotel and Resorts. Nag hiwahiwalay narin kami ng hotel room ng mg kaibigan ko dahil wala raw mangyayari sakanila ng mga hook up's nila. 

Ako naman, Lumipas ang mga araw at patuloy parin sa pangungulit ang bastos na lalaking 'yon. Nakaka inis sya! Naiirita ako sakanya! Napaka isip bata nya at patuloy parin sya sa pangungulit. Halos inaraw araw! Kaya halos taguan ko na sya pero wala paring nagagawa. Patuloy parin sya sa pangungulit.

Kahapon di tuloy ako lumabas ng hotel para lang maiwasan sya. Suppose to be bakasyon 'to pero bawat nakikita ko sya, Nasisira agad yung araw ko! Naaalibadbaran ako sa mukha nya! Lalo na sa bibig nya na puro kabastusan ang laman!

"Ano ba?! Stop following me! Aso ka ba?!" Singhal ko sakanya dahil sa sobrang pagkairita ko. Kahit na gwapo sya inis parin ako sakanya dahil puro kabastusan ang alam nya.

"Sunget mo naman. Tsk. Aso? Ang pogi ko naman palang aso?" Yabang kainis! Puro hangin sa katawan.

"Tsk. Cute your face! Stranger!" I said. Oo hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan nya at wala din akong balak malaman.

"HAHAHAHAHA. Oo nga pala no? Di pa 'ko nakakapag pakilala sayo Ms. Ganda." Ms. Ganda? Really? Alam kong maganda ako pero ayokong tawagin akong ganon. Ewww. Ang Jejemon kayang pakingan!

"Sh*t! Ang Jejemon mo! Ayoko sa mga taong Jeje, Lumayo ka sakin." Sambit ko tsaka patuloy naglakad palayo sakanya, pero wala parin dahil patuloy parin sya sa pag sunod sakin. Tsk. Ewan ko ba, Sobrang naiirita ako sa pangungulit nya. Napipikon ako ng sobra sakanya.

"Hindi ah! Wala sa pagkatao ko ang pagiging jejemon. Pangalan ko palang sobrang cool na." Ma awtoridad nyang sabi. 

"Sus! Pa cool, cool ka pang nalalaman jan. Mamaya malaman ko, Isko lang pala pangalan mo! Yabang mo loko!" Singhal ko ulit sakanya. Ba't ba kasi ang yabang ng isang 'to? At ang dali sakin na mainis sakanya!

Halata naman sakanya na nainis sya sa sinabi ko dahil sa pag-galaw ng panga nya. Sh*t, Ang gwapo ng loko! Seryoso lang syang naka tingin sakin at mukhang hindi matanggap ang sinabi ko.

"F*ck that name! For your info, My name is Grae Xander Vikings." Ma awtoridad nyang sambit. Vikings? I hope he's not related to Tito Xian Vikings, Well hindi ko talaga sya totoong Tito, mabait lang talaga sya kaya i call him that. He's actually my Dad's Bussiness partner. Mabait 'yon sobra!

Behind this AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon