Warning: Medyo SPG. Kahit hindi naman ata talaga, Ewan! HAHAHAHA
-
CHAPTER TWENTY TWONatapos ang pag kanta ko kanina. Madami ang nagsi palakpakan kaya medyo natuwa naman ako kahit papaano.
Pagka baba ko sa medyo may kaliitan na entablado sa bar ay napukaw ng pansin ko ang mga kaklase ko na todo todo ang kaway saakin. Habang nagkalakad ako may mga naririnig pa kong tao na humihirit na isa pa daw, Ngunit tanging pag iling at pag ngiti lamang ang naisambit ko sakanila.
Pag dating ko naman sa table namin ay puro kantyaw ang natanggap ko, Magaling daw ako, Maganda daw boses ko at kung ano ano pa. Wala naman tumatak sa isip ko sa mga sinabi nila, Mas tumatak pa nga sakin yung pag tingin at ngiti na natanggap ko galing kay Grae.
Ngayon ay narito parin kami sa table namin. Ayoko man uminom ay may ibang nakapa milit sakin. Tinatanggihan ko sana kaso hindi ko na nagawa dahil huli ako sa akto. Tulad parin ng kanina ay katabi parin ni Grae yunh mga kaklase naming babae at ako ay nandito parin katabi ang ilan kong kaklase sa harap nya.
Hindi ako lasing... Siguro tipsy lang o baka malapit na. Medyo nag iinit na din ang aking katawan dahil siguro sa alak na nainom ko dahil hindi naman nga kasi ako marunong uminom.
I was caught off guard, Anong magagawa ko? Hmm' Pag nalaman 'to ng parents ko alam ko madi disappoint sila sakin.
Maya maya pa ay napag pasyahan ng mga kaklase ko ang mag truth or dare, Sinali din ako, Halos lahat naman kami ay kasali.
Umikot ng umikot ang bote hanggang sa kung sino sino na ang natapatan nito, Kadalasan ay truth ang pinipili nila madalang ang dare dahil ayaw mautusan.
"Woohhhh! Pare, Ano? Truth or dare?" Sambit nung isang kaklase kong lalaki.
Nginisihan lang sya ni Grae at binigyan sya ng nakaka lokong ngiti.
"Dare." Halatang lakas loob nyang sambit. Hmm' this guy i really something.
"Woahhhh!" Halos lahat naman kami ay nagulat dahil sa tapang na mag darr ni Grae. Si Grae naman humalakhak lang ng taimtim at hinihintay na ang utos sakanya.
"Hmm. Let's see..." Mukhang napaisip naman ng matindi ang isa naming kaklase bago mag salita. "Drink some tequila, And put some salt on Misty's mouth as a chaser! Woohhhh!" Halos lahat kami ay nagulat well maliban lang siguro kay Grae na naka ngisi parin hanggang ngayon at sa katabi nyang si Misty na mukhang tuwang tuwa at malaki rin ang pagkaka ngisi sa kanyang mukha.
Kinabahan ako dahil parang alam ko na ang susunod na mga mangyayari. Even me was lookinh to Grae hoping that he'll back out, But no...
Ngumisi si Grae bago sya mag salita. "Easy." Sambit nya while wearing his smile, Nabigla ako ng bigla syang tumingin sakin at lalong nilakihan ang pag ngisi nya. Damn this asshole!
Gusto kong pilitin ang sarili ko na wag madismaya at masanay nalang pero, Langya! Hindi mo rin magagawa pag ikaw na yung nasa mismong posisyon ko.
Narinig ko naman ang paghagikgik ni Misty bago ito mag salita. "I'll help you to put in some salt na okay?" Malanding tanong nito kay Grae.
Binalingan naman sya ni Grae at nag salita. "Sure, Babe." Tsaka pa ito napahalakhak.
Sh*t na malutong! Nananadya ba 'to?! Langya!
Nag lagay na nga katiting na asin si Misty sa kanyang bibig. Naka ngisi ito habang naka tingin kay Grae. Nilagok naman na ni Grae ang Tequila na nasa shot glass, Ng sandaling maubos nya na ito ay tuluyan na syang lumapit sa mukha ni Misty at nakita kong dumampi na ang labi nila.
Puro kantyaw ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Langya! Hindi ako makapag salita para bang nanuyo ang lalamunan ko at hindi man lang makapag labas ng kahit ano salita.
BINABASA MO ANG
Behind this All
Hài hướcBehind this all, I know you and i will be together until the end. Behind this all, I know you and i can conquer all. -Selene Hemmings of Behind this All