Chapter Sixteen

56 2 1
                                    


CHAPTER SIXTEEN

Mabilis lumipas ang oras at natapos agad ang mga klase namin kahapon. Hindi tulad nung isang araw na wala talagang ginagawa kahapon kahit papaano ay nagsisimula na rin mag bigay ng lectures.

Naging tahimik lang ang pagitan namin ni Grae. Nagtatanong din si Ice kung bakit mukha daw ako problemado.

Gaya ng unang araw pagkatapos ng saglit na paguusap namin ni Grae ay tahimik lang din sya. Akala ko lalapit sya sakin at magsosorry, Babawiin yung sinabi nya at sasabihing gusto nya paring maging kaibigan ko.

Ngunit, Mali ako. Walang lumapit kahapon, Maski ngayon walang lumapit.

Mag isa ako ngayong naglalakad sa hallway ng school namin. May meeting sila Ice at mukhang hahabol as student council. Ice is really fond with that things and i'm not. So yeahh

Nang mag bell kanina at nag aayos ng gamit hindi ako mapakali at parang may gusto ako gawin... Ang kausapin si Grae maybe?

Habang nagaayos kasi ako kanina at naka upo parin sa upuan ko bigla ko nalang naamoy ang isang kilala at pangkaraniwang pabango ng lalaki.

Paglingon ko, Tama ako. It's Grae. Nakapamulsa sya at para bang wala na talagang pakielam sakin. Wala ni katiting na lingon mula sakanya ang dumaplis saakin.

Nagulat naman ako ng makita kong may babaeng naka cling sa braso nya.

Wala pa namang sweet gestures akong nakikitang ginagawa nila dahil yung babae lang talaga yung naka kapit sakanya...

Is this the consequences? Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil hindi na sya nangungulit.

Ano yan? Naka hanap na agad sya ng bagong kaibigan na sobrang clingy? Sus.

Ginusto ko 'to diba? Hayaan nalang.

Patuloy parin ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sakin.

"Selene!" Napa lingon naman ako. It's Sky tumatakbo sya papalapit sakin "Wait up!" Dagdag pa nya at tuluyan ng naka sabay saakin.

Mabilis agad kaming naka dating sa cafeteria ng school.

Hindi naman ako ganon ka gutom pero napagpasyahan ko nalang sana kumain... Not until nahagip ng mata ko sina Grae at yung babaeng kasama nya kanina na obviously ay kasama nya parin hanggang ngayon.

Napahinto lang ako sa paglalakad sa hindi ko malamang dahilan.

Nasa counter sila at mukhang umo order ng kasama nyang babae. Nakita ko namang napa tingin din saakin si Grae.

Kitang kita ang lamig sa pagtitig nya. Hindi ako sanay. Para akong isang hindi kilalang babae na nakita nya at walang kainte-interes.

Hindi nagtagal ang pag tingin nya sakin at itinuon na agad ang kanyang sarili sa kasama nya, Hinapit nya ang bewang nito at tuluyan na silang umorder.

Mukhang nabigla naman yung babae nya at halatang namula ang mga pisngi nito marahil dala ng kilig at dahil may pagka morena ang kutis nito na bagyang kakikitaan talaga ng pamumula.

Never in my life na insecure ako sa isang kapwa babae ko. Hindi sa ate ko at lalong hindi sa pinsan ko.

Anong nangyayari sakin? Gahd, I'm losin' it!

"Hey, Are you alright?" Naalala ko na kasama ko nga pala si Sky. Natingin naman agad ako sakanya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Am i alright? Hayyy'

Nakita kong natingin si Sky sa direksyon kung saan ako naka tingin kanina. Nag nod sya, As if he knows?

"You're bothered because of them? Uhmm. Gusto mo sa iba nalang tayo?" Tanong nya.

Behind this AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon