Prologue

164 16 16
                                    

One rainy day, here I am sitting in a corner, facing my room's window. Umiinom ng mainit tasa ng tsokolate. Nagbabasa ng libro habang paminsan-minsang sumusulyap sa labas upang pagmasdan ang mga patak ng ulan, ang mga pag-agos nito sa mga dahon at bulaklak. Gayon na rin ang minsanang pagtitig sa mga batang malayang naliligo sa ulan.

Habang pinagmamasdan ko silang naliligo ay hindi ko maiwasang mainggit. Hindi ko pa naransan iyon. Ilang taon na akong namumuhay sa mundong ito. Kahit ang paglangoy sa baha, pagsama sa mga kaibigan upang maligo sa mga resort, mag-dagat at kung anu-ano pa. Lagi akong pinagbabawalan sa mga iyon.

Muli ko na lamang ibinalik ang atensiyon ko sa pagbabasa. Magmula nang magsimula ang pandemyang ito ay naimpluwensiyahan na ako ni Oreo sa pagbabasa. Noon ay hindi ko hilig ang pagbabasa, kumakailan lang. Sa totoo lang ayaw na ayaw ko sa pagbabasa dati pero matapos kong makita si Oreo kung paano ito maiyak, matuwa at kiligin sa mga binabasa niya ay na-curious ako. Hanggang sa hindi ko na namalayan na hatinggabi na ako natutulog, minsan umaga na lalo na kapag naiisipan nilang makitulog sa bahay. Wala namang issue kay mama iyon dahil pinsan naman niya si Oreo. May tiwala rin ito sa lalaki ang masaklap lang, sa akin na anak niya ay wala.

Napatawa na lamang ako sa isiping iyon.

Muli akong napatingin sa labas nang makarinig ako ng iyak ng isang bata. Nakita ko roon ang isang putikang bata na nasa siyam ang edad. Umiiyak ito sa gitna ng ulan. Napatawa na lang din ako nang makitang sinasabayan ng mga kaibigan ko ang pag-iyak ng bata.

Malakas namang minura ng bata ang dalawa dahil sa pagkapikon. Mga isip-bata talaga.

"Luh, Hanah! Minura tayo!" sigaw ni Oreo sa gitna ng malakas na ulan. Sinabayan nila iyon ng pagtawa nilang dalawa. Maging ako ay maiinis kung ako lang ang nasa sapatos n'ong bata.

"Ang kapal mo naman. Ikaw na nanakal sa akin, ikaw pa iiyak?" maangas namang sambit ni Hanah sa bata. "Minumura mo pa kami. Gusto mo bang basagin ko bunganga mo?" dagdag pa niya na mas nagpa-iyak sa bata.

Kita ko naman sa mga mata ni Oreo kahit nasa may kalayuang distansya ang awa sa itsura ng bata. Yumuko ito upang magpantay ang taas nila ng bata. Nilagay nito ang kanang kamay niya sa balikat ng bata.

"Umuwi ka na at maligo nang makapagpalit ka. Magkakasakit ka kapag tatagal ka pa rito. At saka kasalanan mo naman iyon e, sinakal mo siya nang walang rason. Naka-upo lang naman kami sa may malakas malakas na tulo ng tubig e," malumanay ang pagkakasabi niya sa mga katagang binitawan niya. This is what I admire with Oreo. Kahit hindi naman siya ang may kasalanan ay siya ang nagpapakumbaba, Lalo na kapag mas bata sa kaniya o mas matanda.Subalit kapag pilit mo pa ring kinakalaban at napuno ito, hindi mo ito mapipigilan hanggat hindi ka nito napapadugo.

Tumango na lamang ang bata sa sinabi ni Oreo. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman ng mga kabarangay namin ang ugaling iyon ni Oreo. Kung hindi ka man sa pisikal na pananakit mapapadugo, dadaanin naman niya sa mga salita niya na mas masakit kumpara sa pisikal.

"Ang bobo no'n," halakhak niya nang makalayo na ang bata.

Napa-irap naman sa kaniya si Hanah.

Bumaling naman ang tingin sa akin na mataman silang pinapanood. Nagkatinginan sila sa isa't isa na parang nakakapag-usap sila sa mga titig. Tumingin silang sabay sa akin at ngumisi. Nakakakilabot ang mga titig at ngisi ni Oreo kung kayat mabilis kong hinawi ang kurtina upang takpan ang imahe nila sa labas. Malutong naman silang humalakhak sa ginawa ko.

Muli kong hinawi ang mga kurtina sa harapan ko matapos ang ilang segundong hindi nakakarinig ng tinig nilang dalawa upang sumilip sa kanila.

"Bulaga!" tili ni Oreo. Napa-atras ako sa gulat. Sobrang lapit nito sa mukha ko. Ang sliding window lamang ang nasa pagitan namin. Hindi pa nakatulong na pinalaki nito ang pagkakabukas ng mga mata nito at malakas na tumili. Umatras ito at nagtawanan na naman ang dalawa sa kalokohan.

"Hoy, 'yong mga halaman ni mama!" suway ko sa kanila. Nasa harap kasi ng silid ko nakalagay ang mga mahal ni mama. Madalas din kaming mapagalitang tatlo dahil kada magkakasama kami at dito sa bahay tumamabay ay palaging may nasisirang halaman ni mama.

Umirap lang naman si Oreo sa sinabi ko. Kahit kailan talaga ay napakasungit nito.

"Arat, ligo," masungit nitong pag-aya sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi ito irapan sa ginawa at sa tono ng pananalita nito.

"Ayaw," simpleng sagot ko naman sa kaniya.

"Sus, ayaw ka lang payagan ni madam Eks e," singit naman ni Hanah. Hindi ako nagsalita. Totoo naman kasi na hindi ako papayagan. Hindi ko alam kung kailan ako huling nag-enjoy sa buhay. Parang napakalungkot ng buhay ko lagi. Paano ay hindi ko naranasan ang mga ginagawa ng mga karaniwang kabataan. Hindi ko nga alam kung matatawag pa akong tao e. Madalas akong nakakulong sa bahay. Madalas din akong naiignorante sa mga bagay-bagay.

"I'll talk to ate Eks." Kumindat sa akin si Oreo. Natawa naman ako sa kaniya at saka tumango. Gayunpaman ay na-excite rin ako dahil sa wakas ay mukhang masusubukan ko na ring maligo sa ulan. Alam kong papayagan ako ni mama dahil malakas ang powers ni Oreo sa pinsan niya.

Umalis na ang dalawa sa tapat ng bintana ko. Isinara ko namang muli ang kurtina ng bintana ko, pati na rin ang sliding window nito dahil baka pumasok ang tubig-ulan sa silid ko habang nag-eenjoy ako mamaya. Mahaba-habang sermon na naman iyon.

Nagsuot ako ng itim na oversized shirt. Abot hanggang taas ng tuhod ko ang laylayan nito. Simpleng shorts naman sa baba para hindi bumakat ang underwear ko at saka para safe na rin kung liparin man ang pang-taas ko.

Saktong bihis na bihis na ako nang may kumatok sa bintana ng kwarto. Dali-dali ko namang binuksan iyon. Napangiti ako nang malaki nang makitang sina Oreo at Hanah iyon.

"Hindi raw pwede," tawa ni Oreo. Tuluyang nabura ang ngiti sa mukha ko at napalitan iyon ng pagkadismaya. Akala ko mararanasan ko na e, Sayang.

"Joke lang. Labas ka na baka magbago pa isip ng mama mo," bawi nito. Mabilis na bumalik ang ngiti sa labi ko. Patakbo akong lumabas ng bahay, halos madapa na rin ako sa pagka-excite.

"Hoy, saan kayo pupunta? Hintayin niyo ako!" sambit ko nang maglakad lakad sila sa direksiyong ng kanilang mga bahay. Magkapitbahay lang sila kaya lagi silang sabay umuuwi tuwing may gala.

"Uuwi na," sagot ni Hanah. Dumampot ako ng putik mula sa daluyan ng tubig at ibinato sa likod ni Hanah. Boom! Sapul!

Tiningnan ako nito nang masama. Binelatan ko lang naman ito tsaka tumawa.

Sa pagkakataong iyon ay dumampot na rin ang babae. Ang buong akala ko ay sa akin niya ito ibabato pero ipinunas niya ito sa mukha ni Oreo.

"Tangina," mura naman ng huli. Malakas akong natawa pero agad ding natigil nang may mabahong bahay na tumama sa mukha ko.

"Kadiri! Bakit may pa-diaper?" Inalis ko ang diaper na tumatalakbong sa mukha ko. "Bwisit ka Oreo!" sigaw ko. Binelatan lang din ako ng huli.

Dahil doon ay nagsimula kaming magbatuhan ng kung anu-anong mga bagay na mapupulot namin at alam naming safe. 'Yong hindi makakasakit sa taong tatamaan nito.

Hindi rin nagtagal at may mga nakisali na rin.

If this is what childhood days feels like, sana hindi ko sinunod noon ang mga magulang ko. Sana sinuway ko sila. I want to enjoy but they always kill the excitement.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon