5

38 8 4
                                    

Isang linggo na matapos kong i-block sa Messenger si Blaze. Sa loob ng isang linggong iyon, pinipigilan ko ang sariling i-unblock siya. Isang linggo na rin akong hindi lumalabas. Nagbabasa lang ng libro o hindi kaya ay natutulog lang ang ginagawa ko maghapon. Hindi ko alam kung normal pa ba ito pero sa bawat araw na dumadaang hindi ko siya nakakausap kahit sa chat lang ay parang may bumabaon sa kaibuturan ko kasabay ng parang paglubog ng sarili ko. I felt alone at those days of lost of connection with him.

"Ayaw mo bang bigyan kita ng bago?" tanong ni Oreo. Mabilis akong umiling sa kaniya. I thought of replacing him pero ganito rin ang nangyayari, nami-miss ko pa rin siya. Baka mas malala pa sa susunod at baka hindi ko na kayanin.

"Ito, mas gwapo," sambit ni Hanah. May naka-view na profile sa phone nito.

"Isa na naman sa poser mo 'yan," iling ko.

Muli na naman kaming pinagbuklod ng tanghali. Bigla akong nagutom at naka-isip naman kaagad si Oreo ng madaling lutuing pagkain kaya nag-ambagan kami kaagad para makabili ng ingredients.

"Gago, madatnan tayo rito ni Madam Eks," nguso ni Oreo. Halatang problemado ito sa boses niya.

"Ako ang bahala," pampalubag-loob ko. Hindi ko rin naman siya masisisi. Siya ang pinakamatanda sa amin kaya normal lang na mag-overthink ito na kapag napagalitan kami ay siya ang mapagbuntongan. "Huhugasan ko na lang agad pagkatapos."

"Corine, ayaw mo talagang maghanap ng bagong ka-chat?" pambabasag ni Oreo matapos ang ilang minutong katahimikan. Umiling lang ako ulit sa tanong niya.

"Sigurado ba kayong pancake 'yan?" tanong ni Hanah. Wala sa amin ang atensiyon nito, nasa phone. Wala na namang tiwala.

"Basta may makain na, hindi na importante kung sakto ba itong mga ingredients o hindi," sagot ko.

"Ako na magluto," pagbo-boluntaryo niya. Nakanguso itong ibinaba ang phone niya sa mesa. Ibinigay ko sa kaniya ang mixture at saka bumaling sa phone niya.

Nang makitang focus na ito sa pagluluto ay agad kong pinulot ang cellphone niya. Mabuti na lang at alam naming lahat ang password ng bawat isa. I don't know if it was a red flag in friendship or not, but we don't care. Kahit harap-harapan pa naming pakialaman ang phone ng bawat isa ay okayang but we should always observe the privacy. We can read messages but nothing must be leaked.

Hanah Santos: Hi!

I chatted Jio using Hanah's phone and account. Mabili ko ring pinatay ang data niyon at in-off ang screen bago inilapag muli sa mesa.

"Kuya, kanina pa nagri-ring 'yang phone mo," pansin ko kay Oreo nang marindihan ako sa ringtone niya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagbabasa sa wattpad. Mabilis naman akong lumabas ng bahay upang kumuha ng iinomin namin sa tindahan.

I was busy picking what should we drink to partner our self-made pancake when a familiar man walked in front of the store.

"Hoy," tawag nito sa pansin ko.

Bahagya pa akong nagulat nang makita kung sino iyon. It was Kuya Kent, 'yong lalaki sa bahay na napasukan namin noong nakaraan.

"Po?" magalang na tanong ko.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "May coke mismo kayo?" tanong nito. He showed me his unfamiliar smile. KItang-kita ang mga pantay- pantay at puting ngipin nito. Umihip din ang hangin kaya hindi ko maiwasang masinghot ang bango nito.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon