1

91 14 7
                                    

"Oh, ano?" bungad ni mama habang nakapameywang ito sa kaliwang kamay habang nakahawak sa tray na may lamang gamot at tubig naman sa kabila. Nakakatawa lang na ginagaya nito ang ginagawa ng mga ina sa T. V. 'yong inilalagay sa tray ang mga gamot, pagkain, o 'di kaya ay tubig na dinadala nila sa loob ng kwarto ng anak nila. "Liligo ka sa ulan tapos uuwing nilalagnat? Naku naman! Siguro ay pinaki-usapan mo na naman si Oreo na ipagpaalam ka ano?"

I let out a shaky breath. Nice, sa akin na naman ang sisi. Only Madam Eks can do.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Imbis ay mas isiniksik ko pa ang katawan ko sa loob ng kumot. Sanay naman na ako sa ganitong tagpo e. Papagalitan. Isisisi sa akin 'yong mga bagay na alam ko namang hindi ko ginawa.

"Inumin mo na 'yang gamot diyan para kapag gumaling ka, gamitin mo na naman si Oreo," sermon pa nito sa akin. Nanghihinang tumawa ako nang tuluyan na nitong maisara ang pinto. Nakatakas naman ang isang butil ng luha ko.

"Ate, si Corine po?" tanong ng isang pamilyar na boses kay mama. Wala akong narinig na sagot dito, imbis ay katok sa pinto ang narinig ko matapos niyon. Ilang saglit pa ay may pumihit na sa seradura nito at binuksan ang pinto.

Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Ayan, makipagbatuhan ka pa ng diaper," kalmadong pangangaral nito. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa dalawang ito. My lips automatically curved weakly as soon as I saw them. "Inomin mo na 'yang gamot mo tanga."

Agad akong umupo mula sa pagkakahiga. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. Inalalayan naman ako ni HAnah sa pag-upo roon. Pabiro kong pinalo ang likod niya.

"Napaka-plastic mo naman."

"Ngayon lang ako mabait. 'Wag kang ano. Kapag gumaling ka, ingungudngod na kita sa diaper mo," she fired back. I mentally rolled my eyes. Kahit kailan talaga ay napakamaldita nitong dalawa. Hindi ko lubos maisip kung paano ko sila naging kaibigan. Ang alam ko lang ay magmula nang magka-isip ako ay nasa dating bahay na kami nila Hanah at doon madalas maglaro. Pero 'yong bahay nilang iyon ang nilipad ng bagyo kaya sa kamag-anak nila- na kapitbahay lang din nila sila nakatira. Mahinang natawa ako sa mga ala-alang iyon. Sa mga ala-alang iyon ko masasabi na hindi ganoon ka-boring ang childhood ko.

"Pahinga ka na muna." This is what I admire with Oreo. He's a tiger outside but a cat inside.

"Dodoon na naman kayo?" tanong ko sa kaniya.

He just nodded. Magmula noong itinaas ang quarantine dahil sa Covid virus ay ang barangay court na ang tambayan namin. Minsan din ay sa solar drier na nasa tapat lang ng bahay nila Hanah.

"Magpapapansin na naman 'yan kay Kuya Kent," sutil ni Hanah kay Oreo. Masungit na tinaasan naman ni Oreo ng kilay ang babae.

"Talaga?"

"Oo, kinikilig nga panty mo kapag dumadaan siya sa drier nang nakahubad e," saad pa ni Hanah.

"Alam mo, nagtataka ako kung paano kita naging kaibigan. Kasi... Imagine... Nakakasali ako sa with honors, tapos ikaw... ewan," sagot naman nito. Heto na naman tayo sa pagmamayabang ni Oreo sa honor niya. Pero totoo rin naman. Magmula noong elemtarya ito ay nasa listahan ng achievers ito. Madalas pang ipambato sa mga contests katulad ng quiz bee. Noong nasa grade 8 lang ito nahulog kasi nabigla yata sa pagbabago ng grading system. "Unang-una, hindi ako naka-panty, pangalawa, hindi po kinikilig ang panty."

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon