"Tara na kasi! Mamayang gabi na 'yan!" bakas ang iritasyon sa boses ni Oreo. Ilang beses na rin nitong ginulo ang buhok nito.
"Ikaw na lang, ipapasa na ito bukas," sagot ko sa kaniya nang hindi ito tinatapunan ng tingin naka-focus lang ang atensiyon ko sa mga sinusulat ko.
"Ang hilig mo kasi sa procrastination e. Buti sa akin natatapos ko nang one week matapos ibigay, partida may ilang performance task pa 'yon," pagmamayabang nito na may kasamang litanya. Napa-iling na lang ako sa kaniya. Matalino naman kasi ito. Kahit noong face to face pa ang klase ay hindi ito nahuhuli, laging may parangal kada markahan.
"Manahimik ka na lang kaya," sabi ko na sinabayan ng pag-irap. "Konti na lang ito. Baka mamayang alas-tres lalabas na rin tayo."
Hindi ito sumagot sa akin. Inirapan lang niya ako. Inabala kong muli ang sarili ko sa pagsagot ng module. Hindi naman sa hindi ako matalino, sadyang gusto ko lang mag-procrastinate, nailalabas niyon ang tagong talino ko.
"What's up, people! Tapos na ako sa module ko," kumakantang pambungad sa amin ni Hanah. She even spread her arms in the air. "Ay hello po," bati niya kay Mama na natatawa na nasa harapan nito.
"Gaga ka talaga, Hanah," tawa nito bago bumaling sa direksiyon ko. "Kapag gusto niyo mag-meryenda, kuha lang kayo sa tindahan ha?" malambing nitong saad. Mula nang na-ospital ako dahil sa paglalaslas ay unti-unting bumait sa akin si Mama. Hindi ako sanay roon kaya napailing na lang sa sinabi niya at saka tumango.
"Ang bait naman ni Madam today," ani Oreo. Mula sa cellphone ay nag-angat ito ng tingin kay Mama.
"Syempre, wala kasing lamang pagkain ang tindahan. Hindi ako makabili-bili, gawa nga ng pandemya."
"Binabawi ko na, hindi ka na mabait, ate," pambawi ni Oreo sa naunang sinabi nito. Malakas namang tumawa si Mama at saka pinalo ang braso ni Oreo. Sininghalan naman siya ni Oreo na mas ikinatawa niya bago mamaalam sa amin.
"Heto na 'yong mods ko," sabi ni Hanah kasabay ng pag-abot sa akin ng naka-plastic envelope niyang module. Sinenyas ko ang paglalagyan niya ng mga 'yon sa pamamagitan ng pagpalo sa lugar. "Bakit dyan sa tabi mo? Baka kopyahin mo!" singhal pa nito sa akin.
"'Wag kang bobo! Grade 12 ako, ikaw Grade 10!" singhal ko naman sa kaniya kasabay ng pag-angat ko sa kaniya.
"Sabi ko nga!"
"Potangina niyo! Ang iingay niyo!" pakikisama ni Oreo sa singhalan namin ni Hanah. Nagkatinginan kami ni Hanah bago kami nagtawanan.
Muli ko sanang itutuon ang atesiyon sa ginagawa ko nang may biglang nagbukas sa pinto.
"Oreo, my loves. Tawag ka ni Kuya Kent. Nasa labas," direktang sambit ni Sam. Hindi man lang ito pumasok at umaktong naghahanap kay Oreo.
"Sabihin mo, natutulog ako," bulong naman ni Oreo at agad ihiniga ang sarili sa mahabang upuan na kanina ay kinauupuan niya.
"Kuya! Wala raw, tulog daw siya, sabi niya!" sigaw ni Sam sa lalaking nasa labas. Mariing pumikit na lang si Oreo sa ginawa ni Sam. Kahit kailan ay hindi sila magkasundo sa mga ganito. Madalas nilang binubuko ang isa't isa. Maliban sa kalokohan nila na walang biktima ni isa sa kanilang dalawa.
"Sam, lumayas ka rito! Ang dilim na nga ni Corine, pinagdidilim mo pa 'tong paningin ko," pabulong na singhal ni Oreo kay Sam na nanatiling nasa pintuan.

BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomanceCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...