"Labasin mo ako," Ann Mendez said with authority. Naglakad ako at sumilip sa labas ng bahay at nakitang naroon ito siya sa gate. Noong nakaraang araw ay hindi ito natuloy sa pagpunta rito dahil may pinaayos daw sa kaniyang kulang niya sa paaralan.
"Inaantok pa ako," sabi ko sa telepono at humikab pa. I saw that she pursed her lips.
"Maya ka na matulog," saad nito sa parang naiipit ang boses dahil may mga lalaking dumaan sa likod nito. Sina Blaze, Sam, Jio at Kent iyon. Nakapagtatakang iniwan ni Kent ang motor nito at nakisabay kina Sam.
"Okay." Mariin akong pumikit bago pinatay ang tawag. Maingat kong itinulak ang screen door na mukhang masisira kapag binuksan nang may kasamang pagpuwersa.
I saw her kinda genuine smile the moment I went out. Agad ko itong pinapasok at hinintay na lang sa terrace.
"Bakit ba kasi ang aga mong gumala?" I asked her.
"Na-miss kita e," she said as she pouted. Napayakap pa ito sa akin na naging dahilan ng palihim na pag-irap. "Sino pala 'yong kasama nila Sam? Ang shawty."
"Para ka namang hindi taga-rito," seryosong saad ko sa kaniya.
"Alam mo namang hindi ako masyadong lumalabas, ngayon na lang ulit," she said. Umupo ito sa upuan naming madalas na inuupuan ni Oreo. "Ang tigas pa rin, a. Palagyan mo kaya ng throw pillow."
Mariin akong napapikit sa sinabi niya at ikinuyom ang kamao sa pagpipigil. Palagi na lang siyang may nalalait sa bahay sa tuwing pupunta siya rito.
"Nilalait mo 'yan, e, kayo nga walang ganyan, e." Napa-irap naman ako sa kagaspangan ng ugali niya. Mukha pang pinupuntirya si Blaze, kanina pa niya ito tinatanong sa akin ang pangalan.
"So, sino nga iyon?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.
"Blaze, kaibigan ni Oreo," simpleng sagot ko habang kinakabahan dahil ngumiti ito. Marahil ay pupuntiryahin niyang muli iyon.
"Landiin ko kaya? Ang gwapo, e." I pressed my lips. Sinasabi ko na nga ba.
"'Wag mong gagawin, taken na 'yon," singit ni Oreo sa amin matapos niyang biglang buksan ang pinto. "Ay gagi, sorry," paghingi niya ng tawad matapos niyang masira ang pinto dahil sa biglaan nitong pagbukas. "I'm Do Bong Soon."
Malakas namang natawa si Ann doon.
"Shuta ka pa rin talaga, Oreo. Saka, nasa lalaki naman iyon kung magpapalandi, e."
Parehas kaming natahimik ni Oreo sa sinabi ni Ann. Ito rin ang ayaw namin sa kaniya, kapag may napagdesisyunan lalo na sa landian ay hinding-hindi na ito mapipigilan.
Nagsasalita pa ito tungkol sa lalaki pero hindi ko na pinansin. Tinulungan ko na lang si Oreo sa pag-aayos nang nasira nitong pinto.
"Ang landi naman kasi ng pinto kayan hayan," angal nito na may kasamang pagpapatama sa babae. Natawa na lang ako roon.
"Pagkatapos niyo dyan, punta tayo sa court," nakangiting sambit ni Ann. Para itong masungit na haciendera sa pananalita niya kaya napabitaw ako sa hawak kong pinto at napahalukipkip ako.
"Aray!" angal ni Oreo nang tamaan ito ng pinto.
"Ay gagi, sorry," hingi ko ng patawad kay Oreo. Inilagay ko pa ang parehong palad sa bibig ko, tinutop iyon.
"Malandi talaga itong pinto niyo," angal niyang muli. I rolled my eyes.
Muli naming ipinokus ang sarili sa pag-aayos ng pinto. Panay ang angal ni Oreo at patama sa babae habang inaayos namin iyon. Mukhang wala namang paki ang babae dahil naka-focus lang ito sa phone niya.

BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomansaCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...