Days had passed, instantly. Parang pumikit lang ako tapos, tapos na ang isang linggo. I am now healed, physically pero may mga bakas pa rin ng sugat ko sa aking kamay. Naroon pa rin ang mga natuyong dugo na kapag tinuklap mo ay mapapalitan ng sariwa. It still kinda hurts but it can now be endured than before.
"Uso ba maligo ngayon?" tanong ni Oreo habang naka-upo sa couch ng barangay. Pagkatapos kaming palabasin sa hospital ay dinala agad kami sa quarantine facility. Nasa baba kami habang nasa taas naman ang nauna noon sa amin.
"'Wag ka na lang maligo. Nakayanan mo nga ng siyam na buwan sa loob ng tiyan ni tita e," I answered referring to his mother. Umupo ako sa katapat niyang upuan. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang ako ay nasa single-sitter lang. "Magluto ka na lang," utos ko pa sa kaniya.
Umirap ito sa akin bago sumagot,"Ayoko. Tinatamad ako." Nag-de kwatro pa siya ay mas idiniin ang likod sa couch.
"Ano na lang kakainin natin?"
"Bahala ka sa buhay mo," malditang sagot niya at saka binuhay ang screen ng cellphone nito. I saw him browsing in minimal speed there. Nagbabasa na naman siguro.
"How can you make your expression innocent as you read erotic stories?" I asked him. Nakaka-curious lang dahil kapag ako ang nagbabasa roon ay hindi ko mapigilan ang kung anu-anong emosyon sa mukha ko kaya nananatili ako sa loob ng silid ko tuwing nagbabasa ako.
Nag-angat ito ng tingin sa akin. He was throwing death glare to me.
"What?" I asked him. Tumayo ako at naglakad sa may water jug upang magsalin ng maiinom.
"Fantasy binabasa ko," anito. Mabilis kong ininom ang tubig na isinalin ko sa baso, kani-kanina lang.
"Keep fooling yourself," I teased more. Natatawa ako sa itsura niya. Para na siyang natatae sa pagkairita.
"Totoo," simpleng sagot niya. "KUng hindi ka pa maniwala, sampalin na lang kita nito," he added as he showed me his phone. Memories of that night flashed back, the time when my mother slapped me hard with the phone that made my lip bled. "Just kidding," bawi nito na parang pansin nitong nagbalik-alaala ako.
"I can chat Kent, anytime," sagot ko pa. Naglakad ako pabalik sa kinauupuan ko kanina.
Itinungkod niya ang mga siko sa kaniyang tuhod at saka pinanliitan ako ng mga tingin. Pinagsiklot pa nito ang mga kamay niya.
"Just to tell you, we're talking while YOU and Cullen, aren't," he fired back. I was stunned to answer him. He caught me off guard as jealousy, as I named it, consumed my system.
Ngumisi ito sa akin bago tumayo at naglakad papunta sa stove. Walang imik namang sinundan ko siya ng tingin. Matagal na rin pala mula noong naka-usap ko si Blaze.
"Hey, kilala mo na ba kung sino ang nasa taas?" I asked to divert the topic. Para na rin mawala ang mumunting sakit sa dibdib ko sa kadahilanang hindi na kami nag-uusap ni Blaze nang wala man lang paalam sa isa't isa. It was like one of us was ghosted or should I say, I am ghosted?
Umiling ito habang mine-measure ang tubig ng isasaing nito using his bare hands.
"Yuck, ayaw ko na kumain," I teased him as I focused myself on his hand under the water. I know it was a Filipino tradition at hindi ako nandidiri doon dahil ganoon din ang pagsusukat ko ng tubig niyon.
"E 'di hindi. Arte mo naman," pangta-trashtalk niya.
Humawak pa ako sa dibdib ko at umaktong nasaktan sa sinabi niya. Inilagay na niya ang sinaing sa stove at agad binuhay ang apoy roon.
"Sana sinaksak mo na lang ako," I joked.
He grabbed a knife from the knife set before speaking, "halika." He motioned his hand for me to go within his side while his other hand was still holding the knife.

BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomansaCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...