11

17 8 0
                                    

"Tara na?" tanong ni Oreo matapos nitong ini-lock ang pinto ng room namin.

Huminga ako nang malalim. Mabilis lang na lumipas ang labing apat na araw, ang naitalagang bilang ng araw ng mga nagkwa-quarantine.

"Hey!" bati ni Blaze. Bitbit nito ang maleta niya at backpack na nakasukbit sa isang braso nito. Kakababa niya lang din mula sa silid nito. Pina-extend nito ang quarantine niya noong isang araw na binisita kami ng kapitan namin. He tossed the key towards Oreo. "Ikaw na lang magbigay kay Kapitan."

Oreo rolled his eyes. Naglakad naman si Blaze sa direksiyon namin.

"Tara na," aya sa amin ni Oreo at nauna nang lumakad. Agad akong sumunod sa kaniya habang nasa likod ko si Blaze.

"Wala tayong sundo?" tanong sa amin ni Blaze.

"Ano sa tingin mo rito? Syudad? Nandyan lang ang bahay nila Corine o," inis na sambit ni Oreo at saka itinuro ang bahay namin na ilang metro lang ang layo mula sa bukana ng court kung nasaan kami ngayon nakatayo. "Saka, doon lang ang bahay namin." He pointed at the direction of their house

"Sorry, akala ko sa pinakadulo pa," paumanhin ni Blaze. Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa ilang segundo lang ay narating na namin ang tapat ng bahay namin.

"Tapos na pala 'yong silid sa rooftop niyo," pansin ni Oreo sa bahay namin. Napatingin ako sa taas ng bahay. Tapos na nga roon ang silid.

"I-check natin?" nakangiting aya ko sa kanila.

"G," ani Oreo na may ngiti sa labi.

Ipinasok muna namin sa loob ng gate ang mga gamit nila at saka kami dumiretso sa bahay. Hindi na ako nag-abalang sumigaw ng,"Ma, narito na po ako" dahil alam ko namang walang paki-alam ang mga magulang ko kung mayro'n man ako o wala.

"Ate, isosoli ko na po si Corine!" sigaw ni Oreo nang makapasok kami. He always do it. Alam niyang walang pakialam sa akin ang mga magulang ko kaya siya lagi ang nagpapaalam sa kanila tungkol sa lahat. It was unnecessary pero aniya ay kailangan iyon bilang respeto kina Mama.

Nadatnan namin si Mama na nagluluto at nakatalikod sa amin. Bigla akong kinabahan nang pumihit ito paharap sa amin. Kasama namin si Blaze at ayaw niya akong nakikitang may kasamang lalaki. Baka kung ano na naman ang sabihin niya. Maybe, I should expect another blow of her physical and mental attack later.

"H-hello po," bati ni Blaze na may galang  na nagpadaga sa dibdib ko.

"Ahhh, kaibigan ko po," pagpapakilala ni Oreo.

Ngumiti roon si Mama at bumati. "Hi! Kain muna kayo."

"Salamat na lang, ate," pagtanggi ni Oreo sa alok ni Mama. "Ang totoo niyan ay napadaan lang kami para tignan 'yong silid sa taas."

Tumango si Mama kay Oreo. "Puntahan niyo na. Kakatapos lang iyon noong isang linggo."

Tumango si Oreo. Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa silid ko at saka kami naglakad palabas ng bahay.

"Nasaan ba hagdan no'n?" tanong ni Oreo sa akin nang halos malibot na namin ang buong bahay. Nagkibit-balikat naman ako sa kaniya dahil maging ako ay hindi ko rin alam.

"Sa may side siguro," pagbabaka sakali ko. Agad kaming naglakad patungo sa sinabi ko.

"Ang shuta, may pa secret passage ang madam Eks," tawa ni Oreo nang makarating kami roon. Sa ipit na gitna kasi ng paaralang pang-elementarya at nang bahay namin ay naroon ang hagdanan na nagkokonekta sa parehong struktura. Agad kaming umakyat doon.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon