"Sinabi mo na ba sa kaniya na in-unblock ko na siya?" tanong ko kay Oreo. Narito na naman kami sa loob ng bahay namin.
"Sino?" tanong nito. I let out a deep breath. "Hindi ko nga alam na naka-unblock na siya e," dagdag pa nito nang makuha niya kung sino ang tinatanong ko.
Tatlo. Tatlong araw na itong naka-unblock. Tatlong araw ko nang hindi pinapatay ang data connection ng phone ko. tatlong araw ko nang hinihintay ang chat nito. Baka hindi pa nito nakikitang naka-unblock na siya. Basically, this means, hindi niya chine-check ang conversation namin. My heart tightened at that thought. Napahawak ako sa dibdib ko. Seemed something hard hit it.
"Want me to inform him?" Oreo asked me. Nagsalin ito ng tubig mula sa pitsel at saka mabilis na nilagok ang laman niyon.
Umiling ako bago sumagot sa kaniya, "Hayaan mo na." Parang pinipiga ang dibdib ko sa sinabi ko.
Ibinalik na ni Oreo ang pitsel sa fridge at naglakad ulit sa niluluto nito.
"Bahay mo 'to?" tanong ni Hanah. Sabay naman kami ni Oreo na humarap sa kaniya. Hanah was looking at Oreo with her forehead being creased. The latter just raised a brow. "Makabukas ka ng fridge, bahay mo?"
"E, kung ikaw kaya iprito ko rito?" sagot ni Oreo. Itinuro pa niya ang utensil sa babae.
"Tss. Bigyan mo ako ng tubig," utos ni Hanah sa kaniya nang tumalikod ang lalaki. She even motioned her hand towards the refrigerator.
Inis naman na humarap si Oreo sa kaniya. Oreo wore his famous deathly glare. Napalunok si Hanah sa paraan ng pagtitig nito.
"A-ah... H-hindi... n-nabasa ko lang sa isang meme," kinakabahang sabi ni Hanah. Ipinakita pa nito ang cellphone niya na naka-black screen. HIndi naman na pumatol si Oreo sa babae at pinulot na lang ang sarili nitong phone. He typed something before placing the phone where he picked it and continued cooking.
Ilang sandali pa ay tumunog ang notification ko. A message from that James, huh?
James Smith: Ano gawa natin?
Corine Sakamoto: Bakit feeling ko, obligado akong i-update ka sa lahat ng ginagawa ko?
I smiled after sending the sent button.
"Kuya o! May ka-chat na siyang iba. Hinahayaan na niya 'yong manok mo," sumbong ni Hanah. Tinuro pa niya ako na agad kong tinabig.
Humarap ako kay Oreo nang naramdaman kong pumihit ito paharap sa amin.
"Let her. Kaysa naman lagi tayong pumupunta rito kahit gabi na," seryoso saad nito at saka ngumiti.
Ginawaran ko lang din siya ng tipid na ngiti. My Heart tightened at what he said. Syempre hindi ko iyon pinahalata. Pagod na rin ba siya sa akin? Katulad ni Mama?
James Smith: Feeling mo lang 'yan.
Corine Sakamoto: I have to drop this chat.
I replied out of the blue. Kung sina Oreo nga ay napapagod sa akin, ito pa kaya? Kaya habang maaga pa ay alisin ko na agad siya sa buhay ko. Though, the way he chats screamed Blaze pero mas gusto ko pa rin si Blaze.
James Smith: Why?
Simpleng sagot nito.
Corine Sakamoto: Frankly speaking, ayaw kitang kausap. I want someone else to talk to.
BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomanceCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...