23

23 5 0
                                    

"Hoy, ayos ka lang?" Napakurap-kurap ako. I let out a deep breath. Hindi maayos ang paghinga ko gayong maganda naman ang simoy ng hangin. Tumango ako sa kaniya kahit taliwas sa tunay kong nararamdaman.

"S-seryoso nariyan siya?" kinakabahan pa ring tanong ko. Halos kaltukan ko pa ang sarili ko sa pagka-utal. Napalunok ako.

Oreo just nodded.

"Papasukin na ba namin?" tanong sa akin ni Hanah, nag-aalangan. Hindi agad ako nakasagot, parang gusto kong maiyak. Binalikan nga ako... pero may kung ano sa sistema ko na tinatakot ako. Parang hindi ko pa siya kayang harapin. Parang hindi pa pwede sa ngayon.

Um-oo ako kay Hanah. Agad itong tumawag sa telepono niya. Habang nakatutok doon ang atensiyon ay kinakabahan ako. Kailangan kong sumugal. I told him before na may babalikan pa ito kahit maiba na kami pareho ng landas, kahit hindi na kami magharap sa gitna ng daan.

Oreo walked near me and held my hand. He pinched it. By his action, I know he was telling me that it will be okay.

"You need this. You both need this," he said. Muli akong huminga nang malalim. Sa ilang beses kong paghinga ng malalim ay hindi pa rin natanggal niyon ang kaba ko.

Ilang minuto pa ang nakaraan ay may naaninag ako sa may hagdan. It was him, wearing his precious smile. I missed his smile. I missed him. He was wearing a blue hoodie, faded na maong naman sa baba. Ang dami nang pagbabagl sa itsura nito. He became more mature than before.

Bumaba ang tingin nito sa kwintas na suot ko. It was his gift. Mabilis na nawala ang ngiti nito sa labi niya. Naglakad ako palapit sa kaniya pero agad ding napatigil sa nakita. He was with Ann.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas upang tanggalin ang suot kong kwintas. I walked towards then and greeted with a slight bow.

I immediately grabbed Blaze's hand as I reached them. Binuksan ko ang palad niya at nilagay roon ang kwintas. Isinara ko iyon agad at mabilis na binitawan upang hindi na nito iyon maibalik sa akin. Although I never removed it off my neck, although I didn't hear his reason yet, what I saw is enough for me to but everything in between.

"Corine," malungkot na sambit nito at saka yumuko. "I'm sorry."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Akala ko ay babalikan ako nito. Hanggang sa huli ay mali pa rin pala ang hinala ko. Akala ko ibabalik niya sa akin ang kwintas at babawiin ako. I shouldn't have opened myself to others. Sana nakuntento na lang ako sa seguridad na ibinibigay nila Oreo at Hanah sa akin.

Tumango ako sa kaniya. I wish I have Oreo's skill- faking what's inside him.

"Hayaan mo na," I mean it. Kuntento naman na ako sa buhay ko ngayon. Nariyan naman ang pamilya ko para suportahan ako, sina Oreo, Hanah, Sam. Madami sila, I'm contented with them.

"Ann," seryosong tawag ni Oreo sa babae. Napatingin kaming tatlo sa kaniya. "Pwede, hayaan na lang muna natin silang mag-usap? Closure lang," paki-usap ni Oreo kay Ann.

Tinanguan siya ng babae at agad lumayo kay Blaze. Oreo invited her to eat. Agad namang tumalima ang babae.

We sat ourselves on the stair. Nakalulula pa rin iyong tignan. No one dared to talk as we settled ourselves.

He breathed before speaking. "B-bakit mo binalik?" he asked referring to the necklace that he gave years ago.

"Hindi ba't sinabi mong kapag suot ko iyon ay sinisimbolo niyon na may babalikan ka?" tanong ko, I disregarded the meaning of necklace itself. It was a symbol for fight against mental disorder.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon