Sa nangyaring hindi direktang aminan namin ni Blaze ay naging mas malapit kami sa isa't isa. Imbis na sila ni Oreo ang madalas na magbiruan ay ako na madalas ang pinagti-trip-an nito. Sa totoo lang ay nakakapikon pero mas gugustuhin ko iyon kaysa sa sila ni Oreo ang mag-bonding. Wala namang kaso kapag magkasama sila ni Oreo pero hindi ko maiwasang magkaroon ng sama ng loob kay Oreo sa tuwing magkasama sila.
"Kailangan ba talaga ng face shield? Mukha na tayong power rangers," angal ko. Umakto pa akong mangangarate pero agad ding nahiya sa ginawa nang mapansing nakatingin sa gawi ko ang mga tao dumaraan habang pinipigilan ang kanilang pagtawa.
"Halatang first time lumabas a," saad ni Oreo na sinabayan niya ng pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Napakasama talaga ng ugali niya kahit kailan.
"Ilang buwan kaya akong hindi nakalabas. Sa barangay lang natin ako nakakagala e at saka minor pa po ako," paliwanag ko sa kaniya kasaby ng pag-irap ko. Parehas silang natawa sa sinabi ko.
"Sa edad, minor na minor ka pero sa mukha, major ka na." Tumigil si Oreo sa paglalakad upang maghanda sa pagtawid sa kabilang kalsada.
"Anong major? Gago ka ba?" takang tanong ko sa kaniya. Wala naman kasing major age e.
"Hindi, maganda lang," pag-irap nito sa akin. "Sandali, nasaan si Hanah?" Inilibot niya ang paningin sa paligid.
"Ayun," mahinang saad ni Blaze nang mamataan si Hanah ilang hakbang mula sa likuran namin. Hawak nito ang cellphone niya habang tumitipa roon. Inilibot nito ang paningin nang mapansing napag-iwanan namin siya.
"Hanah!" tawag ko sa kaniya nang mukhang problemado na ito. Katulad ko ay ngayon lang din siya ulit nakalabas dahil sa dami ng mga resposibilidad niya. Kahit pa noong hindi istrikto ang mga opisyal sa health protocol ay malimit lang namin itong makasamang gumala. Nag-angat ito ng tingin at tumakbo palapit sa kinatatayuan namin. Well, hindi rin naman ako nakagagala nang ganito hangga't hindi ko kasama sina Mama. Ngayon lang ako pinayagan dahil sa hindi ko malamang rason.
"Ngayon ka na lang ulit pinayagan gumala tapos mukha ka pang tanga," singhal ni Oreo sa kaniya nang makahabol ito sa hangin. "Sino ba 'yan?"
"Ito namang si bakla! Syempre nanlalandi ako," maikling paliwanag niya. Napa-irap na alang ako sa kaniya dahil sa pagtawag niya sa lalaki. I don't know why but I hate someone calling Oreo that way. Parang ang baba ng tingin nila sa kaniya kapag tinatawag siyang ganoon. Hindi naman sa homophobic ako pero hindi naman yata kailangang ipamukha sa kanila ang gender identity nila 'di ba?
Umirap lang din sa kaniya si Oreo at saka kami naglakad papunta sa kabilang kalsada kung nasaan naitayo ang Save More.
Oreo picked gummies as usual. Palaging ito ang puntirya niya. Kahit ang tingi-tingi sa tindahan ay pinapatos niya.
"Ang dami niyan tapos ilang oras mo lang kakainin," litanya ko sa kaniya. Naghiwa-hiwalay kaming apat para bilhin ang gusto namaing bilhin, kami lang ni Oreo ang magkasama.
"He's pregnant," sabat ng kung sino mula sa likod namin. Sabay naming nilingon ni Oreo kung sino ang nagsalita. It was Kent-kabarangay namin na nilalandi ngayon ni Oreo.
"Virgin 'yan," irap ko sa lalaki. Dumampot ako ng isang pakete ng gummies. Sa kaadikan ni Oreo rito ay mukhang napapasama ako sa kaniya.
"Nope, nabuntis ko," he replied in a serious tone. Nakaangat pa ang baba nito na parang proud ito sa sinabi niya. I saw in peripheral vision how Oreo rolled his eyes with a disgusting look. Umiling ito at saka dinampot ang ika-limang pakete ng gummies niya.

BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomanceCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...