Sabi nga nila, "communication is the key." Kailangan lang ng komunikasyon para maisa-ayos ang dapat i-ayos at itigil kung mayroon mang dapat itigil. Iyon nga ang ginagawa namin sa ngayon. Sina Oreo at Kent ay nasa harapan ng library, sina Jio at Hanah, nasa dulo ng rooftop habang kami ni Blaze ay narito sa terrace sa likod ng library. Parehong nakaharap sa malawak na bukirin.
Walang nagsasalita sa amin. Prenteng nakaupo kami sa sahig habang nakamasid lang sa mga paniking nagliliparan sa gabi. Mas pinili ko rito dahil mas malamig ang hangin sa kabila kaysa rito. Ayaw kong maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin kung sakaling magkakaiyakan kami.
"Hey." It was Blaze who broke the silence. Bumaling ako sa kaniya at napatingin sa namamaga rin nitong mga mata. Nanunubig na naman ang mga iyon. Hindi ako sumagot, tumingin lang ako sa kaniya. "I'm sorry, h-hindi ko naman iyon s-sinasadya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin tapos tinawag ako."
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Parang kumakapal din ang hanging nilalanghap ko kaya may parte sa akin na nagsisising dito ang lugar na pinili ko.
"Aware ka naman na kinuhanan kayo ng litrato?" tanong ko sa kaniya. Mabilis akong bumaling sa kaniya upang muling silayan ang mga mata nito. Sabi kasi nila ay roon mo makikita kung nagsasabi ng totoo ang isang tao o hindi.
Tumango lang ito sa tanong ko kaya mahina akong natawa.
"P-pero hindi ko naman iyon ginusto at saka dampi lang naman," he defended himself. Napatango na lang din ako sa kaniya at napatingin sa bukirin. May kalaliman na ang gabi kaya madilim na rito. Ang tanging tanglaw lamang namin ay ang ilaw mula sa loob ng aklatan.
I don't care if Oreo will tease me that I'm marupok. Wala akong paki-alam. I love Blaze.
"Please, maniwala ka-" Pinutol ko ang sasabihin nito sa pamamagitan ng paglapat ng hintuturo ko sa bibig nito. Hindi na ito muling nagsalita nang tanggalin ko ang daliri ko sa malambot niyang bibig.
"Sa totoo lang, hindi ako naniniwala. Nakapa-imposible naman na dampi lang iyon pero malinaw ang kuha sa camera. Wala masyadong alam si Sam sa Photography, malamang ay malabo ang kuha niya," panimula ko.
"Corine-" naiiyak na bulong nito sa akin pero pinutol ko ito at isinandal ang sarili sa dibdib nito. Ako na mismo ang kumuha sa kamay niya at ipinalibot ang mga 'yon sa akin.
"As long as I want to end up everything, gusto ko ring bigyan ka muna ng pangalawa, after that, wala na." Tumingin ako sa langit. It was filled with sparkling stars. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina nitong pagsinghot. "Iyan ang natutunan ko kay Oreo," mahina akong natawa sa huling sinabi ko.
"So, sino ang pasasalamatan ko?" he asked as chuckled a bit. Hindi ako umimik, imbis ay pumihit ako paharap sa kaniya nang hindi kumakawala sa bisig niya. Napasinghap naman ako nang mas lalo naman niya akong hinila palapit sa kaniya.
I placed my hand on his chest for us to have some space. His embrace felt like assurance and security. Pero masyado akong madaming iniisip at mga what ifs para isiping ganoon nga iyon lalo ngayon na inamin niyang nagloko ito.
"Hindi ko rin alam," sagot ko. Ipinalibot ko ang kamay ko sa leeg nito at pabirong sinakal. Mahina itong natawa pero agad ding nawala nang hilahin ko ito at pinagdampi ang aming bibig.
Nanlaki ang nga maya nito sa ginawa ko pero agad ding ngumiti sa gitna ng aming halik at saka pumikit. Walang gumalaw sa amin. Nakalapat lang ang bibig namin sa isa't isa hanggang sa ako rin ang dumistansiya.
BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
عاطفيةCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...