18

18 5 0
                                    

Days had passed but the pain still lingers inside me. Maging si Hanah ay maga pa rin ang mata. Paminsan-minsan itong umuuwi sa bahay nila upang tignan ang kalagayan ng ama nito pero hindi ito umuuwi sa bahay nila ni Jio.

Ang mga lalaki naman ay nasa labas ng gate, hinihintay kaming lumabas. Mabuti na lang at may lagusan kung saan kami maaaring lumakad nang hindi nila napapansin.

"Hoy, Corine. Magbihis ka na, aba! Card day sa school niyo ngayon!" litanya sa akin ni Oreo habang hawak nito ang tray na naglalaman ng umagahan namin. .

"Wala naman akong makukuha roon," sagot ko sa kaniya bago naglakad upang humarap sa pagkain. Sinangag, itlog at hotdog ang niluto nito mula sa baba. Sa ilang araw na nagmumukmok kami rito sa library ay palaging si Oreo ang naghahatid ng pagkain sa amin. Para kaming naka-quarantine sa siste namin.

"Hindi ka naman ipapatawag kapag wala kang makukuha," saad nito at saka inilagay sa harap namin ang mga plato. Inabutan niya kami ng kutsara at tinidor. "Kailan niyo pala balak labasin 'yong mga lalaki? Naiirita na si Madam Eks sa kanila. Paulit-ulit na pinalalayas pero bumabalik din."

"Lalabasin namin sila kapag kinausap mo rin si Kent," sagot ni Hanah at tumayo mula sa pagkakasalampak sa terrace sa likod ng library. Umupo ito sa karaniwan niyang pwesto.

"Not gonna happen. Nakahanap na rin naman na siya, e. Sabi ko sa kaniya noon na we'll keep it a secret para kapag nakahanap siya, hindi siya mahihirapan. Hindi siya mahuhusgahan," paliwanag sa amin ni Oreo. Mukhang siya ang may mas malalang attachment sa lalaki niya kumpara sa amin dahil matagal-tagal na rin daw sila pero siya ang mas mukhang hindi naapektuhan sa amin. Ni hindi nga ito umiiyak noon, e. Siya 'yong tagaalo namin.

"Sa sobrang sikreto, pati kami pinagtaguan. Parang hindi kaibigan," ani Hanah. Umirap pa ito.

"Sasabihin ko naman, e. Ang kaso lang, hindi ako makatiyempo kasi halos palagi tayong may kasama. Gusto ko sana ay 'yong tatlo lang tayo," he explained further. Umiling ito bago sumubo sa pagkain niya. "Sa totoo lang, ang babaw natin."

Mahina itong natawa at saka yumuko. Hindi ko alam kung saan niya nakukuhang sabihing simple iyon. No matter how simple the situation is, cheating is cheating. Okay lang sana kung walang halikang naganap, kaso mayroon, e. Imagine, hindi pa ako nakaka-score kay Blaze tapos nilaplap ni Ann na kakakilala niya lang.

Humingi naman ng tawad sa amin si Ann via call pero masyado akong nasaktan para patawarin ito. Maging si Hanah ay ganoon din.

Nang matapos kami sa pagkain ay si Oreo ulit ang nag-ayos niyon. Sumama ako sa kaniya sa pagbaba upang magpalit na rin.

"Ako na sasama kay Corine, ate," rinig kong paalam ni Oreo habang nagsasabon ako ng katawan ko. Karaniwan namang naghuhugas si Oreo ng mga pinagkainan namin. Nasa mismong bukana ng Comfort Room ang lababo namin kaya rinig na rinig ko ang usapan nila.

"Sige, mag-iingat kayo, ha?" sagot sa kaniya ni Mama. "Gustuhin ko man na ako ang kasama niyang kumuha ng certificate niya ay hindi ko pa rin magagawa, kailan kong magbantay sa checkpoint. Alam mo na, konsehal duties."

Pareho silang natawa habang ako naman ay matamang nakikinig sa kanila.

"Kami na lang pupunta, para naman lumayas na rin 'yang mga lalaki sa labas. Nagmumukha na silang guwardiya, e." Muli silang natawa sa sinabi ni Oreo.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon