"Hoy," tawag sa akin ni Oreo na sinabayan niya ng tawa.
Kasalukuyan kaming nasa court sa loob ng barangay namin. Naka-upo sa audience seat sa kanlurang parte niyon. Puno ang court ng mga taong hindi lagpas dalawampu. The court was small-spaced kaya sa mahigit dalawampung taong nagkalat sa loob niyon ay parang crowded na.
"Bakit?" I asked Oreo, KUmunot pa ang noo ko sa kuryosidad. Bahagya ko pang ihinarap ang sarili ko sa kaniya.
"Tungkol kay Cullen," nakangising saad nito. He crossed his legs. Itinungkod niya roon ang siko niya at saka pinatong sa kamay niya ang baba nito. He even wiggled his eyebrow that cringed me.
"Anong mayroon sa kaniya?" I asked. I disregard the fact that pins rushed through my heart. Dalawa. Dalawang araw na mula noong ginawa iyon ni Blaze.
Kahapon ay minabuti kong ikulong ang sarili ko sa silid ko dahil doon. Samut-saring sermon ang inabot ko kay mama dahil hindi ako lumabas sa kwarto ko hanggang kaninang sinundo ako nila Oreo. Ayaw akong payagan ni Mama pero pinilit siya ni Oreo. In the end, it was fine with her as long as I ate a meal. It made me smile because there's something in my head telling me that she cares for me.
"Ano 'yong sinabi mo sa kaniya two days ago?" Tanong ulit nito. Naroon pa rin ang ngisi nito.
Mahinang tinampal ko ang mukha niya at saka bumaling sa kabilang direksiyon.
"Ang pangit mo," panlalait ko sa kaniya para maiwala ang usapan. Sa totoo lang ay hindi ko na maalala ang sinabi ko kay Blaze sa araw na iyon. Ang tumatak lang sa akin ay wala na ito.
He didn't get it at first. "Gago ka ba? HIndi ako ang topic." He flipped his hair even though it was in a clean masculine cut. "Ang ganda ko kaya. Nilandi muna ako ng Mendoza mo bago ikaw," maarteng sambit nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala pa lang taste si Blaze ano?" I joked. Pinag-cross ko ang mga paa ko.
"Exactly," ngisi nito. A couple of minutes passed before he get what I said. Ilang beses niya ako pinagmumura doon. "Kaya pala pinatulan ka," pambawi niya rin sa huli.
Mahinang tumawa ito. "Ikaw naman ang nagsabi. Hindi ako," sambit niya. Umayos siya ng upo. "So, ano nga ang sinabi mo kay Cullen?"
Akala ko, naiwala ko ang topic. Akala ko lang pala.
"Sabi ko... ano... rest well at saka mag-take ka nang Neozep," pag-amin ko. Kumunot muli ang noo ko nang tumawa ito ng malakas. Nakahatak siya ng iilang atensiyon mula sa mga tao sa loob ng court.
"I like you raw e," pang-aalaska niya. I was stunned. Did I really said that to him?
A memory happened that time flashed. Dang it, I really said those to him. I cringed at that memory. Nasasaktan din dahil bumalik muli sa akin ang alaala ng ginawa ni Blaze sa sarili niya. Everytime I reminisce about it, my eyes heats but I always manage to stop them from falling.
"Sinabi ko 'yon?" I asked to cover up. Tumango lang ang lalaki. Mabuti na lang at hindi nito napapansin ang medyo panunubig ng nga mata ko kahit pa nakaangat ang mukha ko.
"Yes! Ang sabi niya, akala mo raw ay may sakit siya," tawa ni Oreo. "Pero ang totoo, umiiyak siya dahil sa nagawa niya. Imagine, ilang buwan pa lang kayong nag-uusap pero iniiyakan ka na. Tapos after a while, Matapos ang tawag natin to be exact, tumawag ka raw. Sinagot niya tapos may mga sinabi ka raw na hindi na shinare sa akin ni Cullen. Basta ang last word mo, bago mo pinatay ang tawag, "I like you"."

BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomanceCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...