"Cullen! Ang bigat nito. Magpaka-lalaki ka naman kahit ngayon lang!" angal ni Oreo habang bitbit ang isang kahon na naglalaman ng mga libro ko. Kasalukuyang paakyat kami rito sa rooftop kung nasaan ang munting library namin.
"Ahh... mabigat ba?" tanong nito kahit pa halata namang nabibigatan si Oreo sa bitbit nito. "Sige ako na ang magbubuhat niyan."
Ibinaba nito ang hawak niyang kahon din ng mga libro kaya napatigil kami Oreo. Napabaling ako kay Oreo na ngayon ay ngiting-ngiti sa ginawa ng lalaki.
"Thank you-" pasasalamat nito nang lumapit sa kaniya si Blaze subalit hindi niya rin natapos ang pasasalamat niya nang biglang pumihit paharap sa akin ang lalaki at saka marahang inagaw sa akin ang binubuhat ko. HIndi agad ako nakabawi mula sa pagkagulat kaya malaya niya iyong naipatong sa box na ibinaba niya kanina. Mabilis niyang binuhat ang mga 'yon at saka dumiretso sa soon to be library kunno namin. Kami naman ni Oreo ay naiwang nakatanga at nakatayo, parehong gulat sa nangyari.
He let out a deep breath to calm himself before shouting, "Cullen!"
"Ano? Ang sabi mo magpakalalaki 'di ba? Ikaw rin para fair!" Napatawa na lang ako sa sigawan nila. Mukha silang magkapatid na ang-aaway. Hindi ko alam kung may araw bang hindi sila nagbabangayan.
Mabilis naming tinahak ang distansiya ng kinatatayuan namin at ng library.
Maayos na pagkaka-ayos ng mga gamit doon ang bumungad sa amin. Inayos namin ang silid kahapon. Halos apat na oras ang ginugol namin sa paglilinis at pag-aayos doon. Inilagay namin ang mga shelf sa bawat sulok niyon habang nasa gitna naman ang mahabang mesa na kasya ang anim na tauhan. Nilagyan muna namin ng kulay asul na floor mat ang sahig nito upang mas magmukhang malinis ito. Ang pintura naman ng mga dingding ay pinaghalong light blue at light pink. Light Blue and Light Pink paints were chosen by Blaze and Oreo, respectively. Nag-debate pa ang dalawa kung ano ang kulay na ilalagay kaya pinaghalo na lang namin.
"Saan ilalagay ang mga Mystery/Thriller?" tanong sa amin ni Oreo habang hawak ang card na may nakasulat ng sinabi niyang genre. The said genre was printed in a normal bond paper. Isang bond paper lang ang ginamit para sa lahat ng genre na mayroon kami at saka idinikit sa cardboard para hindi maglupaypay. "Ang pangit naman kasi ng napiling kulay. HIndi maibagay sa dark na cover ng mga libro," Angal pa nito.
"Sa labas. Libro mo lang naman 'yon e," banat naman sa kaniya ni Blaze habang nag-aayos sa Romance section. HIndi ito humarap sa min nang magsalita ito.
"Sa labas ka rin matutulog." Napanganga ako sa sinabi ni Oreo. Bigla ring nanikip ang dibdib ko. Kung kailan magkapatid sila sa paningin ko ay umakto naman silang mag-asawa!
"K-kukuha lang ako ng maiinom," sambit ko. HIndi ko na hinintay ang sasabihin nila at mabilis na tumakbo palabas sa silid at agad ding bumaba.
Agad akong kumuha ng tubig mula sa ref at nagsalin sa bago. Mabilis ko iyong ininom upang pakalmahin ang sarili ko pero halos maihi na ako sa dami ng nainom kong tubig pero wala pa rin. Naroon pa rin ang sakit. Gusto kong maiyak pero ayaw kong humarap sa kanila na namamaga ang mga mata.
I refilled the pitcher and mixed it with juice powder. Kumuha rin ako ng isang malaking pakete ng chocolate cookies bago umakyat sa ulit sa taas. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng hagdan ay maririnig na ang malakas na tawa ni Oreo. Ito 'yong tawa na kapag nag-joke siya ay mas matatawa ka sa tawa niya kaysa sa joke. Pero hindi niyon naibsan ang kung ano mang sama ng loob ang mayroon ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomanceCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...