12

14 6 0
                                    

"Hmm... amoy bawang," pang-aasar sa akin ni Oreo habang naglalakad kami papunta sa court. Pagkatapos ng trenta minutos na paghahanap ng damit sa loob ng aparador ko ay nakahanap kami ng desente raw na damit. Ang mini skirt na sinuot ko kanina ay pinalitan ni Oreo ng maong shorts na isang pulgada ang ang tass mula sa tuhod ko ang laylayan. He also chose an over-sized shirt para raw hindi ganoong mapansin ang hinaharap ko.

"'Wag mo nga akong amoy-amoyin!" may diing sambit ko sa kaniya. Para na kasi itong aso habang patuloy na inaamoy-amoy ako.

"Ang baho mo kasi," sagot niya na sinabayan pa niya nang halakhak. "Hanah, kanina ka pa 'di umiimik diyan a. May milagro ba?" pansin pa nito kay Hanah na kanina pa hindi umiimik. Kaninang nasa bahay kami ay saka lang ito nagsasalita kapag tinatanong. Kailangan pang ulitin ang tanong para maunawaan niya dahil lumilipad sa kung saan ang utak nito.

Bumuga ito ng hangin bago sumagot, "wala lang. Nagbabago lang." Binatukan ito ni Oreo dahil sa sinabi niya. "Aray!" singhal nito kay Oreo at tinapunan pa ng masamang tingin.

"Tigilan mo 'yan. 'Di mo bagay," payo ni Oreo na sinabayan pa ng pakiki-apir sa akin.

"Pangit niyo talaga ka-bonding," pagmamaktol nito at saka binilisan ang lakad. Muntik pa itong matisod ng bato sa bilis ng paglalakad niya kaya kami mas natawa ni Oreo.

"Ay o! Binibilisan kasi excited makita si JIo," pang-aasar ko sa kaniya kasabay ng pagsigaw ni Oreo ng, "at least pangit lang kami ka-bonding! HIndi tulad mo."

"Gago!" mura niya kay Oreo. Muli kaming natawa ni Oreo sa kaniya.

Kakatapak pa lang namin sa sementadong sahig ng court ay may batang tumakbo palapit sa amin.

"Kuya Oreo! Sabi po ni Kuya Kent, 'Huwag daw po kayong maingay. Nakakarindi raw po boses niyo,'"bungad sa amin ng bata habang sumisinghot pa.

Napabaling ako kay Oreo. Napakunot-noo ito at parang napipikon siya sa sinabi ni Kent na wala namang basehan kung totoo. Gayunpaman, agad ding umaliwalas ang mukha nito nang mamataan si Sam.

"Sam!" tawag nito sa lalaki. Hinawakan ni Oreo ang palapulsuhan ko at mabilis na hinila ako palapit kay Sam. "Ang gwapo mo ngayon," may kalakasang pagpuri niya sa lalaki nang makalapit kami rito. HIndi ko alam kung nang-iinsulto ito sa boses niya o ano. Madalas din silang mag-asaran kaya ganoon na lamang ang pagdududa ko sa pagpuri ni Oreo.

"Palagi naman akong gwapo e," sagot ni Sam dito. He even made a pogi sign.

"Ew, gago. 'Di mo bagay," saad pa nito Oreo at saka nito itinulak ang mukha ng lalaki palayo.

Bago pa makasagot si Sam ay naglakad na kami sa upuan sa side ng court. Mauupo na sana kami nang may marinig kaming tunog ng pagpalo. Pumihit ako upang makita kung saan iyon galing. Pain was visible in Oreo's face. Napahawak din siya sa likod niyang napalo dahil sa sakit.

"Aray!" mura nito at saka hinabol si Sam na siyang pumalo rito. Naupo ako sa sementadong upuan ng court habang pinapanood sila sa paghabulan na animo'y mga bata. Kung titignan mo ay parang simpleng habulan lang ang ginagawa nila pero kung tititigan nang maigi ay parang may namamagitan sa dalawa. Not that I'm judging them. I know that they are blood-related kaya alam kong ang nauna ang totoo pero kay Kent na hindi alam ang relasyon ng dalawa ay kasalukuyang binabato ang dalawa ng mga matalas na tingin.

"Nagutom ako roon," imporma sa akin ni Oreo habang naghahabol ng hininga nang nakabawi na siya kay Sam. Nakaupo naman si Sam sa maduming sahig sa kabilang banda habang habol din nito ang kaniyang hininga. He was sweaty but the sweat just looked like glitters in his face. Marami itong pimples pero hindi nito natatakpan ang magandang hubog ng mukha nito.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon