"Hey, okay ka lang?" tanong ni Cullen sa mababang boses nito. Nababakas ang pag-aalala sa tinig niya.
"OO," sagot ko naman. Tumango pa ako kahit alam ko naman na hindi niya makikita iyon.
Nasa voice call kami ngayon, gamit ang messenger, off course.
"Pwede mo naman sabihin sa akin kung may problema ka. Maybe, I can help."
Nagpalabas ako ng masaganang hangin at saka paulit-ulit na umiling.
"H-hindi. Okay lang ako," I once again lied.
Tumingala ako, nagbabaka sakaling makakatulong iyon upang hindi mahulog ang kahit isang butil ng luha ko. Maging ang hikbi ko ay pinigilan ko. Ayokong marinig niya iyon. He's a stranger. Hindi ko alam kung may seguridad ako sa kaniya. HIndi ko nga mapagkatiwalaan ang pamilya ko sa ganitong bagay, siya pa kaya? Besides, I don't know if he was really sincere. Baka tawanan niya lang ako or worse, sabihan na "ang drama mo".
"Please, share it to me," sabi niya sa nagsusumamong boses nito. Parang naiiyak na rin siya base sa boses niya.
"Ummm. Ano... kakain muna ako," hindi ko na napigilan ang hikbi ko.
Sa ganitong sitwasyon ay si Oreo ang kasama ko pero hindi ko siya pwedeng i-chat at papuntahin dito.
"Kakain ka pa lang? Magtu-twelve na a," gulat niyang tanong. Muli ay tumango ako kahit hindi niya makikita.
Isa iyon sa rason kung bakit ayaw kong i-chat si Oreo. Gabi na. Baka nagpapahinga na ito o kung hindi man, nakakahiya pa ring papuntahin siya nang ganitong oras. Delikado na, though he's living several blocks away from me.
"Sasabihan ko si Oreo na puntahan ka dyan," paalam niya. Oo, kailangan ko si Oreo pero gabi na.
"Hindi na. Baka tulog na 'yon," sagot ko na lang sa kaniya.
Ilang sandaling katahimikan ang manayani sa pagitan namin. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa sahig. Ramdam ko ang lamig sa likod ko dahil sa pintong sinasandalan ko. Salamin kasi iyon kaya ganoon na lamang ang lamig na dulot niyon. Maingat kong pinihit ang seradura ng pinto ng silid ko upang hindi iyon makagawa ng ingay. Baka magising si mama.
"Gising pa siya. Online nga e. Kausap ko pa."
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa sinabi niya. Biglang may kung anong kumurot sa dibdib ko sa isiping nag-uusap sila.I trust Oreo pero naroon ang biglaang pagbigat ng dibdib ko.
Mabilis kong kinaltukan ang sarili ko. Magka-chat lang pala kami. Hindi dapat ako nasasaktan dahil doon. Besides, Oreo is his friend. MAs nauna pa nga silang magkakilala kaysa sa amin ni Cullen e.
I ended the call out of nowhere. Nag-mute na rin ako dahil baka tumawag siya ulit at makagawa iyon ng ingay. Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bulsa ko at saka dumiretso sa kusina. Ramdam ko ang pag-vibrate niyon sa bulsa ko pero dinededma ko lang.
Nang narating ko na ang kusina ay nagluto lamang ako ng Pancit Canton. Dahil sa nalaman ay nawalan ako ng ganang kumain. Pero kailangang may laman ang tiyan ko bago matulog kaya ito na lang ang kakainin ko.
"Bakit mo pinatay?" bungad na tanong niya nang sa wakas ay sinagot ko na ang panglabing-dalawang tawag nito.
Inilapag ko muna ang cellphone ko sa lababo at saka tinungo ang niluluto. Pinatay ko na ang apoy niyon at naglakad pabalik sa lababo.
BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
RomanceCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...