Leila's POV
"Hey, okay ka lang?" Napaangat agad ako ng tingin kay Kuya na ngayon ay nasa harapan ko na. Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng library at hinihintay siya pero sa lalim ng iniisip ko, hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na pala siya.
"Ah, oo, kuya. Tara na." Nakangiting sabi ko at naglakad na. Muli akong tumingin sa library at pinagmasdan ang sarili ko. Mabilis pa 'rin ang tibok ng puso ko pero medyo may kirot. May kirot sa tuwing naalala ko 'yung paraan ng tingin ng lalaking 'yun sa babaeng nakita ko.
Nasa main gate na agad si Mang Gary kaya sumakay na agad kami doon. Tinanaw ko pa ang mga students sa harapan ko. Lahat sila masaya. Mukhang may nangyaring maganda sa kanila. Alam kong meron din naman sa 'kin. Hindi ko na kailangang lokohin ang sarili ko. Hindi ko na kailangan sabihin sa sarili ko na baka nagulat lang ako. Alam ko. Alam kong gusto ko ang taong 'yun.
Posible bang maramdaman 'to kahit isang beses mo palang siyang nakikita?
"How's your class, Leila?" Napatingin agad ako kay Kuya nang tanungin niya ako niyan. Nakatitig na pala siya sa akin. Sana hindi mahalata ni Kuya na may iniisip ako ngayon dahil hindi naman talaga ako ganito.
"Maayos naman. Kilala ka pala talaga dito sa Bent, noh?" Nakangiti kong tanong. "Kahit 'yung professor ko, kilala ka. I'm amazed, Kuya."
"Hays. Ayan nga, e."
Napakunot agad ang noo ko dahil mukhang problemado siya. "May problema ba?"
"Kasi walang gustong tumakbo sa department namin bilang president na papalit sa 'kin kaya sinabi ng mga professor na kunin ko nalang ulit 'yung posisyon."
"Pwede ba 'yun?" Nagugulat na tanong ko. "Diba, for the mean time ka lang nung president last year? And now, you will take it again. Is that okay?"
"No. Pero wala kaming choice. Walang gustong tumakbo tapos majority pa, ang gusto nila ako na ang kumuha ng pwesto. Anong gagawin ko?" Tanong niya kaya agad akong napangiti. Napansin ko pang nagulat siya sa ngiti kong 'yun pero masaya talaga ako. "Why are you smiling?"
"I'm so proud of you, Kuya."
"W-why?"
"Syempre! Gusto ka nilang maging president ulit because you did a great job. I know it, Kuya. They still trust you. Isn't amazing?"
"Sa tingin mo kaya ko pa 'rin maglead ngayon?"
"Oo naman." Sagot ko kaagad. "You have the skills, Kuya. You can lead. Besides, marami naman ang tutulong sa'yo. You also have me." Napangiti naman siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Thank you, Leila. Thank you."
"You're welcome, Kuya. Oo nga pala, sabi mo ibibili mo ko ng wings?" Tanong ko na ikinatawa niya. "Bakit ka tumatawa?"
"Hindi mo talaga makalimutan 'yang chicken wings na 'yan, ha."
"Kuya, come on."
"Oo na." Natatawa niyang sabi kaya sa tokyo-tokyo agad kami dumiretso. Hinintay lang kami ni Kuya Gary sa parking lot kasi kami ni Kuya ang pumasok sa loob. Iaabot na sana niya 'yung card niya nang mauna ko ng iabot 'yung akin doon sa cashier. "Leila." Banta niya agad sa akin.
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...