Leila's POV
Napangiti na naman ako at tumingin ng diretso sa mata niya. Hindi ako nagsalita. Mukhang naintindihan niya naman agad ang paraan ng pagtingin ko kaya natawa siya at bahagyang lumayo bago inilahad sa harapan ko ang mga papel na hawak niya. Nakakapanibago ang itsura ni Jerome. Kagaya nila Vanessa, parang may gusto pa siyang sabihin sa akin. Hindi ko alam kung ano 'yun.
"Sayo ko daw ibigay para ikaw na ang magbalik sa mga classmates mo. Congrats, Leila. You are so amazing!"
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong na ikinatawa niya naman. "Akala ko ba...."
"I'm just kidding. Walang bagsak and you are the highest. You aced the exam and next is Vanessa na may isang mali. You guys are wow.....tao pa ba kayo?" Humahangang sabi niya na ikinangiti ko nalang. "Anyway, I should go na. I still have a class. Congrats again!" Paalam niya kaya pumasok na rin ako sa room at naabutan ang mga kaklase ko na nakatulala. Lihim nalang akong natawa at ibinalik na ang mga papel nila.
"WHAT THE FUDGE?!!!! NAPAKASINUNGALING NI JEROME!" Reklamo agad ni Kyle na dalawa lang ang mali. "Ang pogi nga! Sinungaling naman!"
"Inasar ka lang nun." Natatawa kong sabi at bumalik na sa upuan ko para ilagay sa bag ang papel ko. Meron kasi akong folder na puro papers ko ang nakalagay. Nakahiwalay na siya per subject and per category para alam ko kung saan ako babawi sa subject na 'yun.
Kinabukasan ay naisipan kong mag-bake nalang ng cake para kay Patricia. Syempre, nanonood ang mga kapatid ko at hindi ko na ata mabilang kung ilang beses ko silang pinagalitan dahil kuha sila ng kuha sa mga chocolate na nakalagay sa isang plate. Kailangan ko kasi 'yun para sa design.
"Hindi naman na mabibilang 'yan." Reklamo ni Kuya nang makitang nakasimangot na ako. Hindi na kasi talaga ako natutuwa. Ginugulo nila ako.
"Hindi nga! Pero sakto kasi 'yan sa design nung cake."
"Lakihan mo nalang 'yung space. Tss. Tsaka tayo 'rin naman ang kakain niyan bukas. Tingnan mo, baka ako pa unang mag-slice diyan." Natawa agad si Drew sa narinig mula kay Kuya pero sumang-ayon din naman siya. Sa ganito talaga sila nagkakasundo dalawa.
"Hindi ba may mga homeworks kayo? Bakit ba ako ang ginugulo niyo?" Nagtataka kong tanong dahil nandoon ang mga gamit nila sa living room at kanina lang ay nagrereklamo silang dalawa na ang dami daw nilang gagawin pero nandito naman sila sa harapan ko at pinapanood ang bawat kilos ko habang nagdadaldalan.
"Ang boring kapag wala ka doon sa lamesa. Ang ingay pa nito." Turo niya kay Drew na ngumiwi agad sa kaniya. "Alam mo ba na 7 years old palang ako alam ko na kung paano gawin 'yan?"
"It's different!" Reklamo agad ni Drew. Ang pinag-uusapan ata nila ay about sa mathematics.
"Anong different? Iisa lang 'yun! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Isusumbong talaga kita kay Mommy. Sasabihin ko ginagamit mo 'yung allowance mo pambili ng bulaklak eh hindi ka naman nag-aaral ng mabuti!"
"You're so bad!"
"No, I'm not. Tss. Isusumbong talaga kita."
"Kuya," Naitigil ko ang ginagawa ko at tiningnan silang dalawa na nagtatalo sa harapan ko. Si Kuya ay halatang nang-aasar kasi nabo-boring siya samantalang galit na galit naman na 'yung isa. "Baka isipin nila Manang nag-aaway kayo."
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Novela JuvenilMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...