Chapter 08

496 8 0
                                    

Leila's POV


Kinabukasan ay nanatili akong focus sa pag-aaral ko. Para bang nawala pansamantala ang mga iniisip ko and I also drown my thoughts on something para lang hindi maalala si Nathan. Ayokong maalala ang sinabi niya nung nakaraan. It really disapponts me. Akala ko ay malapit na kami sa isa't-isa because we already talked many times pero hindi pala. I'm still a friend of a friend. Nakakainis.


"Sa apartment ko nalang mo 'yan gawin. Come on. Ang init dito." Reklamo ni Vanessa at hinila na ako paalis ng room namin. Mabuti nalang at vacant ang mga susunod na subject namin kaya walang klase. Isesend nalang daw sa portal namin ang activity na ipapasa bukas.


"I'll drive." Diretso kong sabi kay Vanessa na tinaasan agad ako ng kilay. Akala ko ay hindi niya ibibigay sa akin pero inabot niya pa rin naman. Bumili lang kami ng pizza, fries and coke bago dumiretso sa room niya. Nagulat pa ako nang makitang malinis 'yun.


"Naglinis ako."


"Without me? That's new." Natatawang sabi ko dahil madalas naman ay nagpapatulong pa siya sa akin sa paglilinis nito.


"Yeah. I didn't bother you kasi..... halatang malungkot ka kahapon. Seriously? What is happening to you?"


"Napansin mo?" Tanong ko na ikinatango niya kaagad.


"Your eyes are very expressive, Leila. Minsan ka lang magkaproblema but once you have one, sobrang visible niya. So, tell me. What is it?" Inilapag niya ang mga pizza sa table sa living room at umupo sa couch bago tumingin sa akin.


"It's about Nathan."


"Of course. It's about Nathan." Seryoso niyang sabi. "Alam mo, hindi na ako natutuwa diyan."


"Van, come on."


"As if, may magagawa din naman ako." Masungit na sabi niya. "So, what happened?"


"We saw each other yesterday at the hospital and he's with Pat."


"Who's Pat?" Takang tanong niya na ikinamaang ko pa. Hindi niya ba kilala 'yun? "Oh, right! The pretty one. The girl Nathan likes."


"Yeah. When she asked him if what's his relationship with me. He said, I'm just a friend of a friend. But it's fine. Aware naman ako doon." Tipid na ngiti na sabi ko at kumain na ng pizza. Hindi na rin naman siya nagsalita nung sabihin ko 'yun maybe because she knew na ayaw ko na muna kailangan ng opinyon. I just need someone who will listen to me. Just a listener.


Nagsend nga ng activity 'yung prof namin and the other one just allow us to use her time to read the lessons that she will be discussing for the next meeting. Since I already read it, I just scan the important parts before doing the activity. Mabuti nalang at dala ko rin ang laptop ko.


Ilang araw ang lumipas nang papuntahin naman ako ni daddy sa hospital because he forgot something in the house. Since, wala din naman akong pasok that day, pumayag ako. Hindi ko naman siguro makikita si Nathan doon. I mean, there's a 50% na gusto ko siya makita and the half, ayaw ko siyang makita. Traydor din talaga ang feelings.


[Where are you na, baby?]


[Malapit na po, dad. Saan ko po ba ididiretso?] Tumingin pa ako sa labas nang matanaw na ang napakalaking hospital. Medyo traffic pa dahil sa stop light.


[Just put it in my desk, baby. I have an operation, eh.]


[Sige po, dad. Then, uuwi na rin po ako agad.]


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon