Leila's POV
"Are you okay?" Tanong niya pero sunod-sunod na ang pag-iling ko habang umiiyak. Hinayaan ko rin na marinig niya ang paghikbi ko habang hinahaplos niya ang pisngi ko. "I am here na Ate. I'm here."
"I-i miss you."
"I know. I heard you." Nakangiti niyang sabi. "Don't hurt yourself too much, Ate."
"Drew..."
"But for now, cry all you want. You can be vulnerable when you're with me."
"I know." Nakangiti kong sabi na ikinangiti niya na rin bago ibinuka sa harapan ko ang dalawang braso niya. "Y-you'll hug me?"
"I love you." Hindi yun ang sagot na kailangan ko pero mas gumaan ang pakiramdam ko doon. Yumakap agad ako sa kaniya at doon umiyak ng umiyak habang tinatapik niya ang balikat ko.
Drew is my escape from all of those things. And I thank God for that dahil when I needed my brother the most, he gave him to me. Siguro ay alam niya na kailangan ko si Drew sa buhay ko.
Nag-message na ako kila Mommy na gising na si Drew. Dumating na rin ang mga doctor at kinausap si Drew. Kakausapin nalang daw nila sila Mommy kapag nakarating na dito. From their faces, I know. Okay na ang kapatid ko.
"Thank you so much po." Nakangiti kong sabi na ikinangiti nilang lahat. Kasabay ng paglabas nila ay ang pagpasok ni Kuya dito sa kwarto. Napatigil pa siya at hindi makapaniwalang napatingin kay Drew.
"Y-you are awake....."
"Come, Kuya." Nakangiting sabi ni Drew at ibinuka ang dalawa niyang braso para yakapin si Kuya. Hindi ko akalain na muli lang akong magiging emosyonal nang makita ang pagkagat ni Kuya sa labi niya at ang sunod-sunod rin na pagtulo ng luha niya bago yumakap kay Drew. "You're such a crybaby, Kuya."
Muling bumukas ang pintuan at bumungad doon sila Mommy na hinihingal pa. Napatakip pa sa bibig niya si Mommy habang nakatingin kay Drew na umiiyak na ngayon. Natawa agad ako at pinunasan ang luha ko sa nasaksihan. Kung kami ni Kuya, baby sa kaniya. Siya naman ay baby na baby kay Mommy. Umiyak lang siya nung dumating na si Mommy.
"B-baby....." Umiiyak na tawag ni Mommy at yumakap agad kay Drew na literal ng umiiyak ngayon. Yumakap din si Daddy sa kanila. "Are you okay? May masakit pa ba sayo? Do you need something, mahal? Is there something wrong? Hmm? Tell me."
"I-im so scared, Mommy....." Natakpan ko ang bibig ko nang marinig yun sa bibig ng kapatid ko. "I felt pain here." Turo niya sa bandang sikmura niya. "I thought I'm going to die....."
"No. Hindi namin hahayaang mangyari yun."
"A-akala ko hindi na ako makakauwi. I wanted to go home that day because I made a letters."
"Letters?" Tanong ni Kuya na ikinatango ng kapatid ko.
"We had an activity before to write a letter for that person you're most thankful for."
"At lahat kami meron?" Tanong ko na ikinatango niya agad. Natawa agad ako at muli lang umiyak. Natutuwa ako. After days of receiving bad news, sa wakas may dumating na rin na good news.
"Because I'm thankful to all of you." At ang mga salitang yun, tumatak sa utak ko.
We spend a few hours just by talking to each other. Muling nagkaroon ng liwanag sa buhay naming lahat. Nagmadali din na bumalik si Vanessa nang malaman na okay na si Drew at napagpasyahan na dito na matulog dahil nakapantulog na siya. Tinawanan pa namin siya sa slippers niya. Pluffy, pfft. Nagmadali daw kasi talaga siya nung nalaman niya na gising na si Drew.
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...