Chapter 19

959 9 0
                                    

Leila's POV


Sa mga lumipas na araw, hindi ko inakala na mas magiging masaya pa ako. Halos palaging nasa room si Nathan. Hindi ko alam kung ano ring pumasok sa utak niya pero nasasanay nalang talaga ang mga kaklase ko. Idagdag mo pa nang malaman ko na kasama pala sila Kuya doon sa swimming. Laking pasasalamat ko doon dahil mukhang hindi din naman ako papayagan ng isang yun kapag ako lang mag-isa. For sure, sasama talaga siya.


"Halika na. Sa bahay nalang tayo nila Cj dahil doon daw tayo dadaanan nung mini bus." Yaya ni Kuya sa akin at tinulungan pa akong buhatin ang gamit ko papunta sa sasakyan. Si manong driver ay tumulong na rin.


"Mag-ingat, Leila. Alright?" Paalala ni Daddy na ikinatango ko bago sila isa-isa na niyakap. Nagulat pa ako nang hindi man lang humabol ang kapatid ko. Big na talaga siya.


"I'll update you, Mommy. Don't worry." Nakangiting sabi ni Kuya bago ako inalalayan na makapasok sa sasakyan. Pinaandar na rin naman yun ng driver namin kaya nagmessage na ako kay Nathan na papunta na kami kila Kuya Cj. Nandoon na rin daw kasi siya kila Ivan. Doon na siya natulog.



"Daanan muna natin si Vanessa ha." Paalala ko kay manong driver na tumango agad sa akin. Hindi pwedeng maiwan si Vanessa. Siya naman kasi talaga ang may kailangan nito.


"Balita ko palagi daw nasa room niyo si Nathan, ah."


"Yes, Kuya."


"Pero wala siya every lunch break?" Natatawang tanong niya na ikinabuntong hininga ko. Alam ko na kung saan papunta 'to. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit ni Kuya kay Nathan. "I saw him last time. Nasa library ng lunch break? Sinong matinong lalaki ang pupunta ng library ng lunch break?"


"Baka may kailangan lang siyang libro." At ipinagtatanggol ko pa rin talaga siya.


"Of course not. Ang may kailangan ng libro nung mga panahon na yun ay si Patricia. Hindi si Nathan." Sarkastiko pa siyang natawa habang hawak ang phone niya. "Seryoso? Ginagawa ni Nathan yun kay Ivan? Grabe naman ang friendship nila."


"Kuya, stop." Madiin na sabi ko. Hindi ko na nagugustuhan ang naririnig ko. Alam ko naman na kasi ang bagay na yun dahil nandun din ako. Nakatingin kila Nathan.


Ang hindi matinong estudyante na nasa library ng lunch na yun ay hindi si Nathan. Kundi ako. Sino ba naman kasing matinong tao ang mananatili pa doon kung makikita mong yung taong nagugustuhan mo ay kasama yung babaeng gustong-gusto niya?


"I'm just saying the truth. Sinasabihan lang din kita dahil mukhan——"


"I know that, okay? Aware ako. Alam ko na yun so don't mention it again." Medyo napalakas ang boses ko dahil nakita kong napatingin si manong driver sa amin ni Kuya kaya napaiwas na ako ng tingin. Nakakahiya at kailangan niya pang marinig ang mga bagay na yun. "I'm sorry, Kuya."


"It's fine. I'm sorry." Natural na sabi niya at bahagya pang hinaplos ang buhok ko. Sinundo na namin si Vanessa at naging maayos naman ulit ang conversation namin na parang wala kaming pinagtaluhan ni Kuya hanggang sa makarating kami kila Kuya Cj. Sabay pa kaming natawa ni Vanessa nang makita si Liam at Drake na nakashades pa at polo. Pfft. Understandable naman si Kuya Cj kaso yung dalawa?


"Ano na namang nasinghot niyo?" Natatawang tanong ni Vanessa kaya lumapit agad sa kaniya si Liam at Drake para sa gamit niya. Si Kuya Cj naman ang tumulong sa akin sa gamit ko at si Kuya.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon