Chapter 21

946 8 0
                                    

Leila's POV


Ang bigat. Ang dami kong tanong. Ang daming pumasok sa utak ko. At hindi ko na nagugustuhan yun. Para akong ulap na hindi makaulan. Mabigat lang.


"Umorder na ako ng wings hehe. Gagi. Battle ba tayo??" Pagpapagaan ni Liam sa loob ko na ikinangiti ko agad. Talagang inilagay nila ako sa upuan na nakatalikod sa upuan ko kanina. Medyo malaki din pala ang space ng mga table dito kaya hindi ko na marinig masiyado ang mga pinag-uusapan sa kabilang table. Bukod pa doon, halatang sinasadya din ni Kuya Cj na lakasan ang video na ipinapakita niya kay Ate Danica about sa pinapanood nila na performance ng kung sino.


"Battle mo mukha mo." Reklamo agad ni Vanessa sa kaniya. "Umorder ka rin ng shrimp tsaka crab?"


"Oo naman, Vanessa. Malakas ka kaya sakin." Sabi niya kay Van na inismiran lang siya. Nasa magkabilang gilid ko si Kuya at si Drake. Sa tabi ni Kuya ay si Kuya Cj at Ate Danica tapos sa tabi naman ni Drake ay si Vanessa at Liam. Pabilog kasi ang table namin kaya malaki talaga siya.


"Saan kayo galing kanina?" Tanong ko kay Kuya na pinagmamasdan ako. As much as possible, ayoko talagang umiyak. Hindi na magandang tingnan na pagkatapos kong mapunta sa sitwasyon ko kanina, iiyak ako.


Imbes na magtanong o kaya ay pagsabihan ako, ngumiti siya sa akin at itinuro si Drake sa gilid ko. "May gift ako sayo!" Nakangiting sabi naman agad ni Drake at talagang iniharang pa sa mukha ko ang gift kaya natawa agad ako. Natigil na rin sa mga ginagawa ang mga kasama namin sa table at nanood nalang sa amin. Akala siguro nila wala akong napapansin. Pfft.


Halatang iniiwas nila ako sa nangyari kanina at sobrang na-appreciate ko sila doon.



"Ano 'to?" Natatawang tanong ko kay Drake na nakangisi habang umiinom sa pandan niyang juice. Halatang nagyayabang.


"Buksan mo. Surprise yan! Ako talaga ang namili! Diba, Ian?" Turo niya sa regalo na sinang-ayunan naman agad ni Kuya. Himala at hindi niya inaaway si Drake. Pfft. "Dali. Buksan mo na." Mas excited pa siya sa akin.


Binuksan ko na ang paper bag na sinasabi niya at nanlaki agad ang mata ko nang bumungad sa akin ang stuff toy na minions. "Hoy, hala!" Tuwang-tuwa na sabi ko at nag-pout pa sa harapan ni Drake na nakangiti na ngayon. "Paano mo nalaman?"


"Hmm. Yung ig story mo na midnight snack last week? Nakita ko na ang pinapanood mo doon ay minions tapos may maliit na note doon sabi mo ang cute nun?" Napamaang ako sa sinabi niya. Napansin niya yun? Hindi ako makapaniwala.


Sobrang liit lang nung note na inilagay ko doon sa story ko na ang cute ng minions pero napansin niya??? Paano niya napansin yun?


"Kainis ka." Naiiyak na sabi ko na ikinatawa niya. Lately kasi nahihilig talaga ako sa minions. Ewan ko ba pero stress reliever ko na talaga sila. Tawa ako ng tawa kapag nanonood ako ng minions.


"Masasabi mo talaga na gusto ka ng isang tao kapag nagpa-pay attention sila sa mga bagay na kahit akong kapatid mo, hindi napansin yun." Makahulugan na sabi ni Kuya sa akin pero naintindihan ko din naman kaya mapait akong napangiti.


"Thank you." Sincere na sabi ko kay Drake pero gusto ko na talagang umiyak. Biglang gusto kong umiyak. Bakit ganon?? Hindi naman ako naiiyak kanina pero ngayon naiiyak na ako.


"Basta ikaw, Leila." Nakangiti niyang sabi na ikinangiti ko na rin bago tiningnan si Kevin na nasa harapan ko. Pwede ko kayang bilhin lahat ng minions tapos bumuo din ako ng grupo ko? Kukunin din namin ang moon. Pfft.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon