Chapter 16

1.2K 7 2
                                    

Leila's POV


"Really?" Naghahangad na tanong niya na ikinangiti ko.


"Oo nga. Anyway, how's your class? Balita ko ay mahirap daw ang mga subjects niyo ngayon. Hindi na pwede ang magpalipat ng room." Natatawa kong sabi nang maalala na nagpalipat sila ng room para lang makasama sila Patricia. Para lang araw-araw nilang makita si Patricia. Anything talaga gagawin nila...


"Yeah. Hindi ko na rin kasama sila Ivan."


"Masasanay ka rin." Natural na sabi ko dahil tama naman ako. As long na madali kang mag-adjust sa bagong environment, makakasurvive ka.


"How about you? Kamusta ka naman?" Napatingin ako ng diretso sa kaniya nang itanong niya sakin yun. I even saw his eyes. Ang gwapo talaga ni Nathan. Hindi ko na kailangang itanggi yun. "And uhm, anong meron sa inyo ni Jerome? It's not that I'm interested okay? I'm just curious." Natawa agad ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko alam kung bakit ako natawa pero ang cute niya kasi. "H-hey, I'm asking."


"Are you jealous?"


"Me? No." Tanggi niya agad at uminom pa ng tubig. "I'm just curious."


"We're friends." Normal na sabi ko dahil yun naman ang totoo. Magkaibigan na kami ni Jerome.


"As if." Masungit na sabi niya kaya napakunot na ang noo ko. "Let's have a date later after your class."


"Oh about that...."


"You have something to do?" Actually, yes. May gagawin ako mamaya for my acads. But since si Nathan na ang nagyaya, sino ba naman ako para tumanggi? I waited for this.


"Sige. Let's have a date." Napangiti agad siya sa sinabi ko at bahagya pang ginulo ang buhok ko. After ng lunch na yun, hindi na mawala yung ngiti sa labi ko. Si Nathan talaga yung nag-iisang tao na nakakapagpasaya sa akin ng ganito.


"Excited umuwi yan?" Pang-aasar ni Kyle na ikinatawa ko. Si Vanessa naman ay nakaupo sa isang upuan sa harapan ko at kumakain lang ng lollipop habang pinagmamasdan akong iligpit ang mga gamit ko dahil tapos na ang class namin. "May date kayo, noh?"


"Wala." Nahihiyang sabi ko. Hindi na rin maitago ang mga ngiti sa labi ko.


"Diyan nagsimula ang lolo at lola ko. Yieeee." Nakangiting sabi ni Kyle at bahagya pang sinundot ang tagiliran ko bago umalis at nakipag-usap sa iba pa naming kaklase. Hindi ko tuloy maiwasang itigil ang ginagawa ko at tumingin kay Vanessa na pinapanood talaga ako sa ginagawa ko.


"May problema ba?" Tanong ko na ikinamaang niya agad.


"Pinapanood lang kita."


"Jinajudge mo ako." Nakasimangot na sabi ko na ikinatawa na niya. Tumayo pa siya sa upuan at tinapik ang balikat ko. "Bakit?"


"Hindi lang talaga si Nathan ang manok ko.... pero as long as you are happy. Ang saya mo din kasi tingnan ngayon kaya pinapanood kita. Ang saya mo panoorin kapag masaya ka." Sincere na sabi niya sa akin.



"Thank you, Van. Gusto mo sabay na tayo lumabas?" Tanong ko sa kaniya nang makitang kinuha niya na rin ang bag niya.


"Hindi na. Pupunta ka pa sa building ng college of Arts and Sciences eh. Didiretso na ako sa main building." Paalam niya at bahagya pa akong kinawayan bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Kinuha ko na rin naman ang bag ko at dumiretso sa building nila Nathan. Napapatingin pa sa akin yung mga tao kaya napaisip agad ako kung aakyat pa ba ako sa floor ng section ni Nathan or manatili nalang dito sa tapat ng building.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon