Chapter 06

503 8 0
                                    

Leila's POV


"Just go, Kuya. We don't need you here." Pinagtatabuyan talaga ni Drew si Kuya. Aalis daw kasi siya kasama sila Kuya Cj, Drake at Liam.


"Bakit ba kating-kati kang paalisin ako?" Reklamo naman ni Kuya sa kaniya bago uminom ng tubig. Nandito kami ni Drew sa kusina kasi nagpapa-bake siya sa akin ng cookies. Naisipan ko 'rin na mamaya nalang ako magreview para sa exam ko bukas dahil hindi pa tapos ang finals namin. Mabuti nga at nakasurvive ako ngayong araw.


"No. I'm not. Just go."


"Saan ba kayo pupunta, Kuya?" Tanong ko sa kaniya matapos tanggalin ang gloves ko. "Tsaka nasan na sila Kuya Cj?"


"Sa mall ata. And speaking of, ayan na sila." Sabay-sabay kaming tumingin sa front door ng bahay at pumasok nga doon sila Kuya Cj. Bumaba naman agad si Drew sa upuan para salubungin ang mga bisita namin.


"Hey, Leila." Bati agad nila sa amin na ikinangiti ko. Niyakap pa ako ni Kuya Cj at Liam. Ganon din si Drake na sinamaan pa ng tingin ni Kuya.


"You're so gorgeous, Leila." Napangiti agad ako sa sinabi ni Kuya Cj sakin. "Alam mo bang nung nakita ng manager ko 'yung photo ko na kasama kita, itinanong niya sakin kung plano mo daw bang mag-model. But yeah, tinanong ko si Ian. Hindi mo naman daw hilig 'yun."


"Yes sorry, Kuya. Mas gusto ko talaga mag-engineer, eh."


"Well, it suits you naman." Sabat naman ni Liam.


"Lahat naman bagay sa kaniya." Natural na sabi ni Kuya sa akin. Nailang tuloy ako bigla. Every time na nakikita nila ako, ganiyan ang sinasabi nila at hindi pa 'rin ako nasasanay doon.


"Uhm, aalis na kayo?"


"Pwede namang mag-stay na ako dito, Leila. Kung gusto mo." Nakangiting sabi ni Drake sa akin.


"Hindi ka kailangan dito. Tara na." Literal na hinila niya sa damit si Drake paalis kaya natatawang sumunod sila Kuya Cj. "Babalik din ako Leila. Sabay tayo magreview."


"Sige, Kuya. Ingat kayo." Kinawayan ko lang sila paalis bago muling bumalik sa kusina habang hinihintay namin na mabake 'yung cookies.


"Why don't you go, Ate?"


"Sinong kasama ko?" Tanong ko sa kaniya.


"Si Ate Vanessa. You know. It's okay din na you can go whenever you want. Enjoy your life."


"Alam mo," natatawa kong sabi at tinitigan siya. "Saan mo nakukuha ang mga sinasabi mong 'yan? Ibang-iba 'yung Drew na sinasabi sa akin nila John."


"That is not me, Ate. And well, nakukuha ko naman 'yan because of you, mom, dad and kuya. Those words. I heard it from all of you."


"Really? So, you really listen?"


"Yes." Natawa na din siya sa sinabi niya sakin. Ang cute. Nagbonding lang kami buong hapon. Umuwi na 'rin naman si Mommy at Daddy kaya sabay-sabay kaming nanood ng movies dahil ginabi na si Kuya. Nagtampo pa siya dahil hindi daw siya isinasali sa movie marathon kaya ang ending, 9pm kami nagsimula magreview.


"Dito ako matutulog, ha."


"Kuya." Awat ko agad sa kaniya. "You have your room."


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon