Leila's POV
"Bilis, Van! Malalate na tayo sa last day ng exam!" Mahinang sigaw ko kay Vanessa at nauna pang maglakad papunta sa building namin. Natatawa naman siyang sumunod sa akin.
"Alam mo para kang tanga." Nakangiwing sabi niya sa akin. "Ano bang akala mo? Maiiwasan mo 'yung tao hanggang matapos ang finals? Baliw ka na."
"H-hindi naman ganon 'yun." Tanggi ko sa kaniya na ikinatawa niya agad. Inilapag ko naman ang mini bag na dala ko sa upuan ko dahil hindi allowed na magdala ng mga books ngayon kasi nga last day na ng exam.
"Ayaw mo ba 'yun? Kayo na ng crush mo. Hindi ba't dream come true nga 'yun?"
"Vanessa, hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yun, okay? Baka nagulat lang siya or what. Kasi alam ko naman, eh. Hindi ako ang gusto niya kaya paano niya ako magiging girlfriend?" Tama naman ako, eh. Hindi ako ang gusto niya pero ako ng girlfriend. Hindi ba't ang weird nun. Tsaka after din kasi nung sinabi niyang 'yun, may dumating na professor at sinabing umuwi na kami. Sakto pang hinihintay pala ako ng driver namin sa labas kaya hindi na talaga namin napag-usapan ni Nathan 'yun hanggang ngayon.
"Pero hindi effective 'yang pagtatago mo sa kaniya. Nasa iisang lugar kayo, Leila. Palagi pa daw pumupunta dito si Nathan pero palagi ka namang wala. It's either nagtatago ka or umuuwi ka talaga ng maaga wag ka lang niyang maabutan. I know you're scared na baka bawiin niya. I know you." Diretso niyang sabi na ikinaiwas ng tingin ko. "Then, tell him. Sabihin mo ang totoo, sabihin mo ayaw mo. Wala naman siyang magagawa kung sasabihin mong ayaw mo. Anyway, kalimutan mo ulit muna 'yun. Tapusin muna natin ang exam."
Ilang subjects nalang naman ang kailangan namin itake ngayong araw na 'to. Medyo nakahinga-hinga pa ako ng maluwag pero kailangan kong umuwi ng maaga ngayon after ng exam. Maaga din kasi ang uwi nila mommy and may plano sila na magdinner ngayon sa labas. Saturday naman bukas kaya okay lang.
"May isa pa tayong exam, saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ni Kyle kaya pati si Vanessa na nasa harapan ay napatingin sa akin nang tumayo ako.
"Sa cafeteria. Bibili lang akong tubig." Paalam ko sa kanila at umalis na. Wala din naman masiyadong tao sa hallway kasi nagtatake ng exam ang mga students kaya mabilis akong nakarating sa cafeteria. Bumili lang ako ng tubig at isang cupcake bago naglakad pabalik sa building namin nang mapatigil dahil sa nakita.
Si Nathan. Mukhang bibili din siya sa cafeteria.
Oh, god. Paano ba 'to? Hindi ko alam ang ginagawa sa mga ganitong sitwasyon kaya umiwas nalang ako at lumiko sa isang daan kahit mas mapapalayo ako doon. Leila! Ano bang nangyayari sayo!
"Leila, wait!" Sigaw ni Nathan kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko at bumungad sa akin ang gym ng Bent. Liliko na ulit sana ako sa isa pang hallway nang tuluyan ng mahawakan ni Nathan ang braso ko kaya nahulog ang tubig na hawak-hawak ko. "Seriously?" Kunot-noong tanong niya at dinampot ang tubig ko bago inabot sa akin 'yun.
"May exam ako."
"I know. You still have 15 minutes before your last exam. I just need 2 or 5 minutes, Leila." Seryoso niyang sabi at bumuntong hininga sa harapan ko. "Alam ko kung bakit mo ko iniiwasan. I'm sorry. Kung hindi mo gusto, I c——"
"Gusto ko." Sabat ko kaagad. Natatakot na marinig ang susunod niya pang sasabihin. "But I'm scared, Nathan. I know you don't like me."
"Leila..."
"And I know, nadala ka lang ng emosyon mo nung mga oras na 'yun." Buntong-hininga kong sabi dahil alam kong 'yun naman talaga ang totoo. "But give me time. Sisiguraduhin kong magugustuhan mo rin ako."
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...