Leila's POV
"Halika na. Ihahatid na kita." Seryosong sabi ni Nathan at hinawakan ang braso ko bago ako inihatid sa sasakyan niya. Siya pa ang nagbukas ng pintuan at kumuha ng towel sa likuran ng sasakyan niya at ibinigay sa akin yun. Pagkatapos nun hindi na ulit siya nagsalita at nag-drive nalang. Ako naman ay medyo kumalma na. Nawala na rin ang epekto ng alak sa katawan ko. Biglang gusto kong bawiin yung mga sinabi ko sa kaniya kanina.
"I-i'm sorry.," Ramdam ko ang paglingon niya dahil sa sinabi ko pero nanatili akong nakatingin sa harapan ko dahil nahihiya talaga ako. "D-doon sa mga sinabi ko kanina. Lasi——"
"It's fine." Natural na sagot niya kaso parang hindi sapat. May hinihintay ako. "If that will lessen your pain, it's fine."
"Uhm...,doon sa mga sinabi ni Kuya. Please understand him. He's just concerned."
"Alam ko at naiintindihan ko siya. Mali naman talaga yung ginawa ko. I'm not saying this for myself, alright? But the funny thing is, kung wala pang magpapaintindi sa akin, hindi ko pa malalaman." He laughed. But I felt the pain there. I felt it. Ganon pala talaga kapag kilalang-kilala mo na yung isang tao. And his voice. Parang may mali sa boses niya. Or it's just me? "There's a lot of things na hindi ko pa rin alam, noh?"
"Nathan...," emosyonal niyang sinabi yun na nagpakirot din ng konti sa dibdib ko.
Ngumiti nalang siya sa akin at nanahimik na ng tuluyan hanggang sa makarating kami sa bahay. Nagpasalamat lang ako bago tuluyang pumasok sa loob at napapaisip pa rin sa mga bagay-bagay. Ang tahimik niya ngayon. Well, that's his normal. Pero parang may mali.
Nagkaroon na naman ng pasok nung mga sumunod na araw at hindi ko na masiyadong nakita si Nathan sa Bent. Halos pangalawang linggo ko na siyang hindi nakikita dito sa Bent. And yes, nawe-weirduhan na talaga ako. Kahit sila Ivan ay hindi ko masiyadong napapansin. Sinubukan kong pumunta sa building nila kaso aside kila Patricia na minsan pa ay nagmamadali, hindi ko na nakikita yung apat. Gusto kong magtanong kay Kuya Cj kaso baka malaman ni Kuya.
That is a wrong move.
Napabuntong-hininga nalang ako sa paglalakad dahil since ako ang leader sa isa naming subject, ako na naman ang nautusan na pumunta sa building ng Arts and Sciences.
"Excuse me!!!"
"Shocks! Bilis!!!!"
"Mala-late na tayo! Bilis!!"
"Excuse!! Sorry!!"
Napamaang ako nang biglang may mga tumakbo na student papunta sa kung saan. Muntik na akong bumagsak sa sahig! Hindi naman ako nag-aalala sa akin kundi sa mga papel na hawak ko! Mataas ang floor na 'to at kapag lumipad ang mga papel na 'to, ako talaga ang malalagot! Hindi pwedeng mangyari yun kaya laking pasasalamat ko talaga sa taong humila sa akin papasok sa room na 'to dah——"Nathan??"
"Hey.," Nakangiti niyang sabi at binitawan na ang braso ko. Inilibot ko naman agad ang paningin ko sa kaniya at napansin na gulo-gulo ang jacket na suot niya at nakasuot din siya ng sumbrelo pero kahit may sumbrelo siya ay napansin ko ang medyo magulo niyang buhok tapos may hawak siyang dalawang libro na hindi naman ganon kakapal pero halatang readings niya yun.
"A-anong nangyayari sayo?" Ang weird ng itsura niya ngayon. Yung typical na Nathan ay formal masiyadong tingnan. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa bang paniwalaan yung Nathan na nakikita ko ngayon sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...