Leila's POV
"Come on, honey. Choose what you want. Minsan lang naman ako bumili ng gamit mo." Nakasimangot na sabi ni Tita sa akin. Nandito kasi kami sa mall. Niyaya niya ako dahil napansin niya daw na nalulungkot ako. Hindi naman ako malungkot, eh. Ewan ko ba kay Tita.
"Tita, binili mo na ako ng damit. That's enough. I'm fine with my bags."
"No. That's not fine, Leila. You only have five bags in your closet."
"Tita, I'm only one. I can't bring all of that." Hindi ba't tama naman ako? Iisa lang ako kaya aanhin ko ang maraming bag? Tsaka, bagay naman sa lahat ng kulay ang bag na binibili ko kaya hindi ako mahihirapan na bagayan every time na umaalis ako.
In the end, ako ang nanalo. Hindi kami bumili ng bag. Pfft.
"Look at that man. He's so fine." Bulong ni Tita habang naglalakad kami papuntang parking lot dahil uuwi na kami. "Righ——oh, he's looking at you." Napatingin na rin tuloy ako doon sa sinasabi niya at nakita si Jerome na agad ngumiti at talagang lumapit pa sa amin.
"Hi, Leila. Anong ginagawa mo dito?"
"Kilala niyo isa't-isa?" Nagugulat na tanong ni Tita na ikinatango ko.
"Tita, that's Jerome. My friend. And Jerome, she's my aunt."
"Hello po." Magalang na sabi niya na ikinangiti ni Tita. "Uhm, Leila. Busy ka ngayon?"
"No! She's not." Agad na sabi ni Tita na ikinalingon ko kaagad. Talagang itinulak niya pa ako papalapit kay Jerome. "I'll go ahead now. Alagaan mo ang pamangkan ko, ha. Enjoy!"
"Tita!" Oh, god. Tumakbo na siya. Natawa tuloy si Jerome kasi si Tita. Hindi ko alam kung pinamimigay ba niya ako or what. "Sorry."
"Ayos lang. Ang cute nga, eh. Anyway, nakita ko 'yung libro na ini-story mo nung nakaraang araw. Do you like to read that?"
"Yeah." Malungkot na sabi ko. "Kaso, I can't find that book na. Hindi ko alam kung ubos na ba or what. Ang ganda pa naman daw."
"Uhm actually, meron ako nun."
"What?!" Nagugulat na tanong ko na ikinatawa niya agad. That is a romance novel! Paano siya magkakaroon nun? "Seryoso ka ba?"
"Yeah. Gusto mo hiramin?"
"Can I? Hmm? Pwede pahiram? Okay lang ba?" Para na ata akong bata pero gusto ko talaga 'yun. Gusto ko ang book na 'yun.
"Oo naman. Tara, libre na rin kita sa resto." Yaya niya na ikinatawa ko naman pero sumunod na sa kaniya. "Pasensya na at sa public vehicle tayo, ha."
"Hoy, that's fine. Sumasakay naman ako sa ganito. Don't worry. Tsaka, hindi ba't ang saya pagmasdan ng mga tao? They have their own world. It's amazing." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa mga taong nakasakay dito sa bus.
"You are amazing." Hindi ko alam kung paghanga ba ang nakikita ko sa mga mata niya pero binalewala ako nalang yun at tumingin na sa labas para hindi masiyadong maging awkward.
"So, what's your course?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kanila.
"Mechanical."
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...