Leila's POV
Kita ko ang pagtigil niya dahil sa sinabi ko. Naikuyom niya pa ang kamao niya. Kagaya ng reaksiyon niya, ganon din ang naging reaksiyon ng mga taong nasa paligid namin. Hindi makapaniwala sa narinig. Lahat nagugulat. Lahat nagtataka.
Kahit ako hindi ko inakalang masasabi ko sa kaniya yun. Napuno na ako. Kailangan ko ng umiyak.
"Bakit?" Tanong niya habang patuloy pa ring ginagamot ang sugat ko. Hindi pa rin niya tinitingnan ng diretso ang mukha ko. Diretso lang siyang nakatingin sa sugat ko. Seryoso at mukhang malalim ang iniisip. "Give me a damn reason, Leila."
"Dapat ba may reason?" Tipid na ngiti na tanong ko. Hindi ko makuha ang punto niya. Hindi ba't pabor naman sa kaniya na makipag-break sa akin? Bakit pakiramdam ko ayaw niya? "I'm letting you go. Is that enough? You need to be happy, Nathan."
"Hindi ba ako masaya sayo?" Kunot-noo na niyang tanong kaya naramdaman ko agad ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko dahil sa biglaan niyang pagtingin sa akin. Nasasaktan siya pero hindi ko alam kung saan. Yung ganong tinginan, nanlalambot ako.
"H-hindi ba't ako dapat ang nagtatanong sayo niyan?" Gusto kong matawa sa sarili ko dahil parang maiiyak na ang boses ko habang sinasabi yun. Hanggang dito ba naman ganito pa rin kasakit? Kelan ba mawawala? "Masaya ka ba sakin o napipilitan ka lang?"
"What? N-napipilitan? Where did you get those words?" Galit siya. Galit siya dahil sa sinabi ko na alam ko namang totoo. O akala ko lang.
"Let's be honest, Nathan. I know it. Alam ko yung mga bagay na nasa paligid ko. I am numb but I'm not stupid." Naguguluhan ako sa kaniya. Bakit ba hindi nalang siya pumayag? Hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksiyon niya.
"What are you saying?"
"Hindi ba? Hindi ba't ako naman yung may gusto talaga nito? Yung talagang may gusto sayo? The first time na nakita kita, sigurado na ako sa sarili ko na gusto kita that's why I make myself better just to be with you. I tried being that girl na gusto mo. I tried being that girl to the point na I——am losing myself anymore. I-i don't even know me." Napamaang siya sa sinabi ko. Lahat ng inipon ko, lahat yun isa-isa ng lumalabas. "Isa pa, ako naman talaga yung nagpumilit na maging tayo. Kaya nga palagi kong sinasabi sa sarili ko na——wala akong karapatan na manghingi ng atensyon mo dahil ginusto ko naman 'to. K-kahit ngayon napapatanong ako. Dapat ko bang sabihin lahat ng 'to sayo? May karapatan ba ako?"
"Wala akong sinabi na wala kang karapatan, Leila."
"Pero yun yung naramdaman ko." Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko nang sabihin sa kaniya yun na ikinatigil niya pa. "I wouldn't ask myself that question kung hindi ko naramdaman sayo yun. I feel I don't have the rights to do anything to you because I'm just your girlfriend——na minsan kinikwenstyon ko pa."
"Leila.." rinig kong sabi ni Vanessa na nasa tabi ko na ngayon. Hindi ko naramdaman ang pagpigil sa kaniya dahil nung lingunin ko siya, emosyonal niya akong tinanguan. She knows very well kung ilang linggo ko ng inipon lahat ng 'to. She knows it.
"N-nakakapagod magtanong kung kelan naman yung ako. Nakakapagod maghintay sayo every time na nakakalimutan mo ako......" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin ng diretso sa kaniya. "I always ask myself, kelan naman yung ako yung uunahin mo? Yung tatawagan mo sa tuwing nalalasing ka o kaya naman yung aalamin mo yung mga bagay tungkol sa akin?" Naalala ko na naman ang dalawang nangyaring yun na talaga namang nagpasakit sa akin ng sobra. Para akong tangang walang alam sa lahat. At sa parehong bagay na yun, iisang babae lang yung hinahanap niya——at hindi ako yun. "Sa kakatanong ko, hindi ko namamalayan, nabibigay na pala sa akin yung sagot——hindi mo ako gusto."
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...