Chapter 14

1.3K 12 1
                                    

Leila's POV


"Leila, hatid na kita." Yaya ni Mike nang maibaba na namin si Nathan sa kama niya. After saying those words, bigla nalang siyang nakatulog. Mabuti nalang ay nasalo siya ni Mike.


"Hindi na. May kasama ako. Thank you. Mauna na ako." Tipid na ngiti ko na paalam sa kanila at hindi na hinintay ang sasabihin nila dahil naglakad na ako paalis doon. Gusto kong umiyak pero hindi ako makaiyak. Ang bigat ng dibdib ko.


Ang bigat-bigat.


"Leila!" Napatingin ako sa taong tumawag ng pangalan ko at bumungad sa akin si Drake na hinihingal pa. "Kanina pa kita hinahanap. I'm so worried." Nag-aalala niyang sabi at hinaplos pa ang buhok ko. Napansin ko pa ang pawis niya sa noo. Halatang kanina pa tumakbo kung saan-saan. Mahina pa siyang nagmumura sa hindi ko malaman na dahilan. "Are you okay?"


"Drake....." Nanginginig na boses na tawag ko na nakakuha agad ng atensyon niya.


"Why are you cryi——"


"Ialis mo na ako dito." Emosyonal na sabi ko na ikinatigil niya pero agad ding tipid na ngumiti sa akin. Hindi siya nagtanong, ni hindi siya nagtaka basta niya nalang akong hinila papaalis doon.


Napatanong tuloy ako bigla. May alam ba siya?


"Helmet?" Nagtataka kong tanong nang iabot niya sa akin ang kulay black na helmet nang makalabas kami.


"Kinuha na ni Cj 'yung sasakyan ko dahil nakamotor daw sila ni Liam na pumunta dito. Halika na." Inalalayan niya pa akong makasakay doon at agad ng pinaandar ang motor. Sa sobrang lamig ng hangin, pansamantalang nawala ang mga iniisip ko. Blangko lang tapos mabigat ang dibdib ko pero hindi ako makaiyak. Hindi ko magawang umiyak.


"Bakit tayo nandito?" Nagtataka kong tanong nang pumunta kami sa isang coffee shop kung saan tanaw na tanaw mo ang napakaraming lights na nagmumula sa mga building. Meron kasing lugar nun dito.


"Pampakalma. Halika." Yaya niya kaya sumunod na rin ako sa kaniya. Nagulat pa ako nang siya mismo ang gumawa ng kape na binili namin. 'Yun naman pala, kaibigan niya daw ang may-ari nun at nag-aaral siya kung paano magdesign. "Baka sumama pakiramdam mo." Naramdaman ko kaagad ang jacket niya na inilagay niya sa balikat ko. Napangiti naman ako doon at muling tumingin sa harapan.


"Drake..."


"Hmm?"


"Hindi mo pa rin ba ako tatanungin ngayon?" Seryosong sabi ko na ikinalingon niya. Napabuntong-hininga pa siya at may kinuha sa bulsa niya. Panyo. Inabutan niya ako ng panyo. "P-para saan 'to?"


"You are crying, Leila." Nagpapaintindi na sabi niya kaya agad kong hinawakan ang pisngi ko at doon narealize na umiiyak na pala ako. Ni hindi ko man lang alam.


"I'm sorry." Nahihiya kong sabi at agad pinunasan ang luha ko. Napaiwas pa ako ng tingin dahil hindi naman ako umiiyak sa harapan niya. Ngayon lang. Ang bigat kasi ng dibdib ko talaga.


"You know..... you can be vulnerable when you're with me, Leila." Tipid na ngiti na sabi niya at bahagya pang inayos ang jacket niya sa balikat ko. "It's okay to cry if you wanted to cry. Walang masamang umiyak."


"Ang bigat, Drake.... ang bigat-bigat." Itinakip ko na ang panyo sa mukha ko at doon umiyak ng umiyak. Naalala ko lahat ng nangyari simula kanina. Lahat nung bigat, nailabas ko.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon