Chapter 20

1K 12 0
                                    

Leila's POV


"Wow!" Rinig kong sabi ni Kuya Cj nang makita kaming naglalakad papunta sa kanila. Lahat talaga sila lumingon sa amin. Kahit yung ibang mga amerikano na bumisita ay napatingin sa amin pero hindi doon nawala ang mga tingin ni Kuya kaya lihim akong natawa.


"Gagi yung puso ko." Mahinang sabi ni Drake habang nakatingin sa akin kaya mahina kong pinitik ang noo niya nang makadaan ako sa harapan niya bago lumapit kay Nathan na humawak agad sa bewang ko.


"Ang ganda mo."


"Thank you." Tumango pa ako sa kaniya na ikinatawa niya. "Anong ginagawa mo dito?"


"Hinihintay yung banana boat. Sasama ka?" Tanong niya sa akin pero nang makita ang itsura ko ay napailing agad siya. "Wag na. Baka kunin ka ng dagat."


"U-uhm, bakit naman?" Kinabahan agad ako sa sinabi niyang yun. Medyo may fear kasi ako sa malalim na parte ng dagat. Feeling ko may malaking-malaking isda na kakain sa akin mula sa ilalim or hihila sa akin.


"Ang ganda mo kasi eh."


Sinamaan ko agad siya ng tingin sa sinabi niya. "Masaya ka diyan?"


"Hmm. Masaya ako sayo." Nakangiti niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin tapos palihim na napangiti. Sinong kinikilig?


"Sure ba kayong hindi kayo kakain muna?" Tanong ni Ate Danica na ikinatango ng lahat. "10 lang ang pwede sa banana boat. Sino yung sampu?"


"Ako, si Pat, Mike, Stephen, Nathan, Leila, Vanessa, Lyca, Lara at si Jerome." Sabi ni Ivan kaya tumingin agad siya kila Kuya Cj na nagtitipon-tipon doon sa tabi. Para silang may meeting.


"Hindi kayo sasama?"


"Hindi na. Enjoy kayo." Nakangiting sabi ni Kuya Cj bago kami lumapit doon sa banana boat. Sumakay agad ako habang suot ang life vest. Inalalayan pa ako ni Nathan bago siya pumwesto sa likuran ko samantalang si Vanessa ang nasa harapan ko tapos si Stephen na mukhang excited.


"Nathan." Napatingin agad kami ni Nathan kay Kuya nang ayusin niya ang life vest na suot ko bago tiningnan ng diretso si Nathan. "Ikaw na ang bahala sa kapatid ko. Kapag nawala yan——wag ka na rin magpapakita sakin."


"Kuya." Saway ko na ikinataas agad ng kilay niya samantalang natawa naman si Nathan.


"Yeah. Ako na ang bahala. Trust me." Nakangiting sabi niya na ikinatango ni Kuya at bahagya pang tinapik sa balikat si Nathan nang magsimula nang umandar ang banana boat.


"Kapag natumba ang banana boat, wag na kayong kumapit okay dahil matatabunan kayo sa ilalim. Bumitaw nalang kayo kahit mahirap." Paalala nung nandoon sa jet ski na sinang-ayunan naming lahat.


"Okay lang yan, Kuya. Naiintindihan kita!" Sigaw ni Mike na ikinatawa naming lahat. Umandar na ang banana boat at literal na———kyaaaaah ang bilis niyaaa!!!!! Tumatalsik pa sa mukha ko ang tubig dahil sa sobrang bilis ng andar niya! Akala ko magiging smooth na ang sakay namin kaso sa bandang gitna kung saan hindi ko na masiyadong tanaw ang isla, doon kami nahulog!! Kagaya ng sinabi ni Kuya, bumitaw agad ako at hinayaan na iangat ako ng life vest ko. Kumuha agad ako ng hangin nang makaangat ako at nang magmulat ako ng mata ay nasa harapan ko na si Nathan at yumakap sa akin.


"Okay ka lang?"


"Dito ka din bumagsak?" Tanong ko sa kaniya dahil magkakahiwalay kasi kaming lahat. Ang layo nga din sa akin ni Vanessa, eh nasa harapan ko lang naman siya sa banana boat. Buti nalang nasa tabi niya si Stephen na mukhang labag pa sa loob niya na lapitan. Pfft.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon