Leila's POV
Months have passed after nung field trip, and so far, I am still coping up pa naman sa mga studies ko. Tinambakan lang kami ng activities kasi nga malapit na ang midterm. Ilang weeks nalang ata at midterm na. I have my papers at nagmamadaling umuwi nang mapatingin ako sa gym dahil mukhang nandun sila Kuya. Napansin ko 'rin ang mga CAS students na nag-aayos don. And then naalala ko, may ganap pala ang department nila. Hindi ko alam kung kelan sa amin pero minsan talaga nauuna ang CAS. Si Kuya pa nga ang nagplano niyan na medyo tinulungan ko.
Nang makita ko si Mang Gary, agad na akong lumapit sa kaniya at inilapag sa upuan ang mga gamit ko. "Saan po tayo, Miss Leila?"
"Sa school ni Drew tayo, manong." Nagmamadali kong sabi at kinuha pa ang laptop ko para irevise 'yung papers naming magkakagrupo. Meron kasi kaming isang subject na by group. And since napaghatian na namin 'yung task, ngayong uwian lang nagpasa sakin 'yung ibang members ko kaya ako ang nagmamadali ngayon. Mabuti nalang at maayos naman 'yung papel kaya literal na inilagay ko nalang siya without checking for the grammar or even sa spelling.
Bumaba agad ako sa sasakyan nang makarating sa school nila Drew at lumapit sa guard. Nagpresent lang ako ng id ko and nagfill out ng form for visiting before entering. Medyo natagalan pa ako kasi puno 'yung elevator tapos yung isa pang elevator is inaayos daw. Ano ba kasing nangyari sa kapatid ko at bigla nalang akong nakareceive ng email na kailangan daw ng guardian ngayon para kay Drew.
"Hi, good afternoon, Ma'am. I'm here for Andrew Ramirez." Tiningnan naman agad ako ng teacher at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Napakunot pa agad ang noo ko nang makita kong nakasimangot si Drew sa pinakalikod na part ng room at nakayuko. "What happened po?"
"Nanuntok po ng kaklase."
"P-po?" Hindi makapaniwalang tanong ko dahil imposible naman ata 'yung sinasabi niya? Hindi naman siguro magagawa ng kapatid ko 'yun.
"Hindi din naman sinasabi sa amin ni Drew 'yung reason why he did that. Kahit 'yung mga kaklase niya is hindi din daw alam kung bakit biglang nanuntok si Ramirez." Napailing pa siya bago nilapitan ang kapatid ko na kunot-noo pang napaangat ang tingin. Magsusungit pa sana pero nang makita ako ay nag-iwas agad siya ng tingin sakin. "Your sister is here. You should go home muna, alright?" tumango lang ang kapatid ko at lumapit sa akin.
"Hintayin mo ko dito." Natural lang na sabi ko bago lumapit doon sa teacher in charge. Wala naman daw matatanggap na parusa si Drew dahil hindi daw nagfile ng reklamo 'yung parents dahil ayaw din nung bata na involve. Tapos sinabihan niya lang ako na kausapin ko daw si Drew tungkol sa nangyari kasi after daw nung incident, hindi na daw nagsalita ang kapatid ko.
Tahimik kaming sumakay ng sasakyan. Hindi ko din muna siya kinausap at tumingin nalang sa labas. Hindi kasi pwede si mommy and daddy ngayon dahil nakaduty sila sa hospital. Si Kuya naman ay for sure, hindi pa nacheck ang email niya because he's too busy with their event and ayaw ko naman siyang abalahin doon. Especially at sa monday na nga 'yun and halos dalawang araw nalang ata. Kasi sabado na bukas.
Naisip ko din si Nathan since college nila 'yung may ganap. Balita ko ay may Miss Bent daw. Isinali nga nila 'yung engineering department and meron na rin kaming representative. Ang balita ko ay si Ivan daw ang candidate ng buong 1st year. Pero yung iba naman ang sabi si Nathan. For sure, gagawin ni Nathan 'yun because of Pat.
He is willing to do anything for that girl.
Papasok na sana ang sasakyan sa loob ng bahay nang makita ko si Liam na nakatingin sa amin kaya nagpababa muna ako kay Manong habang pumapasok sila sa gate.
BINABASA MO ANG
Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)
Teen FictionMaria Leila Ramirez, a mechanical engineering student studying at Bent University. She has the mind and the beauty that everyone wants to have. But destiny played. She met the Four Campus Heartthrobs, and fell in love with Nathan Aciel, a guy who's...