Chapter 30

1.3K 17 1
                                    

Leila's POV


Lahat kami napatingin kay Nathan nang pigilan niya ako sa akmang pag-alis ko. Gusto kong maiyak sa harapan niya nang maramdaman kung gaano kapamilyar sa presensiya ko ang ginawa niyang yun.


"B-bakit?" Naguguluhan na tanong ko. Akala ko may sasabihin siya dahil bumuka na ang bibig niya kaso dahan-dahan niya ring binitawan ang kamay ko.


"I-ingat kayo."


"Salamat, pre." Tipid na ngiti na sabi ni Drake at tuluyan na akong hinila paalis doon. Kagaya nga ng sinabi niya, hinatid niya ako papunta kila Vanessa. Hindi din siya nagsalita habang nasa byahe kami. Siguro ay alam niya na hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang isip ko sa ginawang pagpigil ni Nathan.


May gusto ba siyang sabihin sa akin?


"Leila," Napatingin agad ako kay Drake na ngayon ay nakatitig na sa akin. Inilibot ko rin ang paningin ko sa paligid at napansin na nandito na nga kami sa tapat ng building nila Vanessa. "Kanina pa kita tinatawag."


"Sorry. M-may iniisip lang ako." Nahiya ako bigla sa kaniya. Bakit ba kasi hindi mawala sa isip ko ang bagay na yun. "Ano ulit yun?"


"Nothing." Tipid na ngiti na sabi niya. "Enjoy kayo." Napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang yun. I don't why pero I asked him that question.


"Drake, do you like me?" Ako pa ata ang nagulat nang mapangiti lang siya sa tanong ko na parang alam niyang itatanong ko talaga sa kaniya yun. "Hey, I'm serious."


"I know. But isn't obvious? I like you, Leila. Ikaw nalang ata ang hindi nakakaalam."


"What??"


"Really."


"Pero——bakit?" Naguguluhan na tanong ko na ikinakunot na rin ng noo niya. Mukhang hindi nagustuhan ang tanong ko.


"What do you mean, bakit? I like because you are you. You is enough." Talagang in-emphasize niya pa sa akin ang salitang yun. Sabi nila kapag may nag-confess daw sayo, maiilang ka. Pero ngayon kay Drake, ewan ko pero ang komportable ng pakiramdam. "But don't like me just because I like you, alright? Ayokong pinipilit ka sa mga bagay na hindi mo naman talaga gustong gawin. You can like anyone you want Leila. Yung pagkagusto ko naman kasi sayo hindi selfish. I want you to be free. At least, be free."


"Thank you, Drake. Thank you." Nakangiti kong sabi at tinanggal na ang seatbelt ko. Papaalis na sana ako nang hawakan niya bigla ang braso ko.


"But——let me do some things to at least express how special you are. Again, hindi ako nanghihingi ng kapalit. If you still want him, then go."


"Naiintindihan ko." Nakangiti kong sabi dahil yun naman ang totoo. Hindi niya ako pini-pressure. Hindi ba't ang ganda nun? "Anyway, gusto mo ba sumama sa akin paakyat?"


"Bakit hindi? Nandoon din naman kuya mo."


"What?" Gulat na tanong ko na ikinatawa niya agad. Hindi ko talaga kasi alam ang sinasabi niya. "Diba nasa student council si Kuya? Kasi may meeting?"


"Oh about that. Cancelled na daw." Napapailing na sabi niya. "Hintayin mo ako diyan. Magpa-park lang ako." Paalam niya na ikinatango ko kaagad.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon